Chapter Thirty Two

597K 12.4K 992
                                    

THIRTY TWO

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

Pag-iwas.

Iyon sa tingin ko ang sagot para makalimutan ko na si Greg, ang iwasan siya. Oo, alam kong mahirap dahil halos araw-araw ay nagkikita kami sa gymnasium ng school para mag practice. Pero kahit alam kong mahirap, pipilitin ko. Aakto ako na parang dati, na para bang wala lang siya sa akin at para bang dati na buo pa ako pero this time.

Hindi na siya kasama.

Inayos ko ang sarili ko bago lumabas sa volleyball room. Doon ako naglalagi kapag wala akong klase o mayroon akong ginagawa. Mas tahimik kasi roon kesa sa library, ako ang nasusunod at walang pwedeng makielam sa akin.

Pilit kong iniignora ang mga tingin na kanilang ibinibigay sa akin. Marahil may alam na sila tungkol sa amin ni Greg. Paanong hindi malalaman ng lahat ang tungkol sa amin? Isa siyang Montemayor at halos hindi na pribado ang buhay nila sa rami ng gustong makihalubilo sa kanila.

Oo, aaminin ko. Mahal ko pa rin 'yong gagong manyak na 'yon. Hindi naman parang magic lang na mawawala agad iyong feelings ko para sa kanya sa isang iglap. Siyempre matagal iyon, may proseso iyon at isang hakbang ang pag-iwas sa kanya para mawala itong nararamdaman ko para sa kanya.

Natapos ang klase ko at normal naman ang naging takbo ng araw ko. Hindi ko kinikibo ang mga nakikipag-usap sa akin at iniignora ko lamang ang mga tao sa paligid. Wala akong pakielam sa nangyayari sa paligid ko ngayon.

"Marquez! May naghahanap sa'yo sa labas." Nabasag ang pag-iisip ko ng may tumawag sa akin. Tumayo na lang ako at lumabas, wala pa kasi kaming professor kaya ayos lang naman. Bigla akong napatigil ng makita ko ang lalaking naging dahilan ng pag-iyak ko sa ilang gabi.

It's Greg.

Direkta siyang nakatingin sa akin na para bang gusto niya akong kausapin. Tinitigan ko rin siya at napansin kong malalim ang itim sa mga mata niya. Kita ko rin ang ilang balbas niya na tila ba hindi niya inaahit. Aaminin ko, mas nagmukha siyang guwapo dahil sa balbas niya.

"Captain ano? Kakain ka ba? Wala naman daw si Prof. Alivio, hindi raw papasok. Nirayuma ata, masyado kasing pasaway ang mga studyante ng CAS hindi kinaya ng lapel niya." Naalis lang ang pagkakatitig ko kay Greg ng magsalita si Dana. Bigla ay para akong nakaramdam ng gutom.

Hindi pa pala ako kumakain simula kagabi.

"S—Sige, hintayin mo na lang ako dito sa labas. Kukuhanin ko lang ang mga gamit ko." Sabi ko kay Dana. Tumingin ulit ako sa gawi ni Greg bago pumasok, naroroon pa rin siya sa pwesto niya at nakatingin lang sa akin at para bang nasasaktan siya sa nangyayari aming dalawa.

Nasasaktan?Imposible! Sabi ng ibang bahagi ng isipan ko.

Imposible siyang masaktan dahil siya naman ang may kagagawan ng lahat ng ito, kung nasasaktan man siya mas nasasaktan ako.

Kinuha ko lang ang gamit ko at lumabas na, wala na roon si Greg ng lumabas ako kaya dumiretso na kami ni Dana sa cafeteria. Kakaunti pa lang ang mga estudyante sa cafeteria dahil wala pang lunch time. Pumila lang kami ni Dana para bumili ng pagkain at naghanap na ng pwesto namin.

"Iyan ang sinasabi ko sa'yo Raisse! Tapos iiyak-iyak ka kapag nasaktan ka? Alam mo namang Montemayor iyon, hindi ka pa nasanay." Sermon sa akin ni Dana. Kaya pala niya ako niyaya mag lunch para sermonan lang ng ganito. Para ko na rin kasi siyang kapatid, simula kasi ng mag-aral ako sa St. Tomas siya na ang tumayong bestfriend ko kaya kapatid na ang turingan namin sa isa't isa.

"Oo na! Palibhasa hindi ka pa naiinlove kaya mo ko nasesermonan." Sabi ko sa kanya. Bigla siyang nag-iwas ng tingin sa sinabi ko.

"May hindi ka ba sinasabi sa akin Maria Dana Oliveros?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon