Chapter Twenty Seven

638K 12.4K 1.1K
                                    

TWENTY SEVEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Umayos ka na nga Montemayor! Kasalanan mo 'to eh!" Naiirita kong sigaw sa kanya.

"Wala na nga 'yung dean, tuloy na natin 'yung labing labing natin." Sabi niya ulit.

"Isa, sasakalin kita! Ayusin mo 'yang ginagawa mo hindi puro kabastusan ang iniisip mo!" Sabi ko sa kanya. Ngumuso lang siya na parang bata at tsaka sumimangot.

"Parang isa lang, wala namang tao dito." Bulong niya pa sa sarili niya.

"Kaya nga tayo nahuli dahil diyan sa kapilyuhan mo tapos ayaw mo pa tumigil? Grabe ka naman Montemayor!" Hindi ko makapaniwalang sabi sa kanya.

"Bakit ba? Masarap eh!" Dahilan niya pa.

"Umayos ka nga, para kang bata diyan!" Sabi ko sa kanya. Sumimangot lang ulit siya at pinagpatuloy ang ginagawa niya.

Kanina pa kasi niya ako kinukulit tungkol sa kiss at pasimple siyang chumachansing sa akin. Kaming dalawa kasi ang pinaglinis ng dean ng buong pool ng University bilang parusa sa ginawa namin. Kaya pagkatapos ng klase ay dito kami dumiretso, buti na lang wala kaming practice ngayon.

"Sige na kasi, isa lang ulit." Sabi niya na naman.

"Di ba sabi ko sa'yo tapusin mo na 'yang ginagawa mo para makauwi na tayo ng maaga? Kapag hindi ka talaga tumigil, sasapakin na kita." Banta ko sa kanya.

"Isa nga lang kasi, parang kiss lang eh. Wala namang mawawala sa'yo." Pagpupumilit niya.

He even pouted.

"Pulos ka naman kalokohan Greg!"

"Sige na hindi na, pero sa apartment mo ako mamaya ah!" Nakangiti niyang sabi.

"Bakit ba ang kulit kulit mo? Gusto mong ihampas ko sa'yo 'to?" Sabi ko sa kanya. Namumuro na talaga 'tong lalaking 'to at nangangati na akong hampasin siya ng panlinis ng pool eh.

"Mag bebehave ako sa apartment mo mamaya, promise!"

"Ano na naman bang gagawin mo roon? May condominium ka naman!"

"Mas gusto ko sa apartment mo eh! Binebaby mo ako." Sabi niya.

"Para ka talagang bata. Umayos ka nga!"

"Sige na Misis, mag bebehave talaga ako kapag nandoon na ako. Please? Please? Please?" Sabi pa niya.

Matagal ko siyang tinitigan sa mukha. Nakangiti siya ng maluwag at parang batang nakikiusap na bilhan siya ng laruan. Huminga muna ako ng malalim bago muling magsalita.

"Siguraduhin mong mag bebehave ka kung hindi sisipain kita palabas ng apartment ko." Sabi ko sa kanya. Bigla namang nagliwanag 'yung mukha niya at nagtatatalon sa tuwa.

"Iskor na 'to!" Rinig ko pang sabi niya. Umiling na lang ako ng ilang ulit.

 ****

"Misis, bakit ang linis linis lagi ng apartment mo? Hindi ko pa ata 'to nakikitang marumi." Sabi ni Greg sa akin habang nagliligpit ako ng plato. Nakaupo lang siya sa upuan malapit sa akin.

"Ganoon talaga kapag babae, dapat malinis hindi burara. Palibhasa kayong mga lalaki, puro kayo pasarap." Sabi ko sa kanya.

"Grabe ka naman, hindi naman ako puro pasarap lang. Pinaghirapan naman kita ah?" Sabi niya. Bigla akong natigilan.

Ako pinaghirapan niya?

"Saan banda mo naman ako pinaghirapan? Ni hindi ko na nga pinatagal ng isang buwan ang panliligaw mo dahil sa kakulitan at kapilyuhan mo." Sabi ko sa kanya.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon