Chapter Fourteen

685K 15.2K 3.4K
                                    

FOURTEEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Miguel, pwede mauna ka na? Kakausapin ko lang 'tong mongoloid na 'to." Ngumiti ako ng pagkaluwag luwag kay Miguel para hindi niya mahalata na makakapatay ako ng tao mamaya.

"S—Sigurado ka? Pwede naman kitang hintayin dito." Sabi niya.

"Nope, I'm okay. Mauna ka na kasi medyo matagal ang pag-uusapan namin. Mahirap magbungkal ng lupa para sa libangan niya." I said.

"H—Hah?"

"Wala, mauna ka. Susunod agad ako. Okay?" Ngumiti ulit ako sa kanya.

"Okay. I'll wait." He said. Sinagot niya rin ng ngiti ang mga ngiti ko. Buti nalang nag toothbrush ako kanina.

Hinarap ko agad si Greg pagkaalis ni Miguel. Binigyan ko siya ng nakakamatay na tingin dahil sa pag sira niya sa HHWW namin ni Miguel. Napaka epal talaga kahit kaylan!

"At ikaw naman na manyak ka! Magtutuos tayo!" Sabi ko sabay pingot sa tenga niya at tsaka ko siya dinala sa may kubo na medyo malayo sa pwesto nila.

"A—Aray ko naman babes! M—Masakit!" Reklamo niya habang pingot pingot ko ang tenga niya. Hindi lang 'yan ang matitikman niya mamaya!

"Mas masakit pa diyan ang gagawin ko sa 'yong manyak ka! At kaylan pa naging babes ang pangalan ko?! Impaktong 'to!" Binitiwan ko na ang pulang pula niyang tenga. Matanggal sana 'yan!

"Balak mo bang tanggaling ang tenga ko?! Paano ko mapaparinggan ang I love you too mo kung kulang na lang putulin mo ang precious ears ko?!" Sabi niya habang hinihimas ang tenga niya na ngayon ay pulang pula na. Ang cute tuloy niyang tignan. Halata kasi ang pagkapula ng tenga niya dahil mestizo nga siya.

"Kung 'yang 'pare' mo kaya ang putulin ko?!" Sigaw ko sa kanya.

"Gagahasain muna kita bago mo maputol 'to!" Sigaw niya rin sa akin.

"Sasapakin talaga kita kapag hindi ka nagtino, Montemayor!" Tinasaan ko na siya ng kilay at tinignan siya ng masama.

"Magtitino ako kapag hindi mo na kinausap 'yung p—payatatot na 'yon!" Aba, aba. Sino'ng payatot ang tinutukoy niya?

"At sinong payatot 'yon, aber?" I crossed my arms in my chest and raised my eyebrow. Kunwari ako si Ms. Minchin.

"Y—Yung Miguel na 'yon!" Sabi niya. Bakit ba hindi siya makatingin sa akin ng diretso at kung saan saan dumadapo ang tingin niya?

"So feeling mo macho ka?" Ang kapal ng mukha ng tontang 'to na tawaging payatot ang Papa Miguel ko eh may abs nga 'yun!

"Oo! Nakita mo na naman akong naka-brief lang kaya sure akong alam mong macho ako!" No doubt, mataas talaga ang tingin nito sa sarili. Minsan talaga ang sarap i-down ng Montemayor na 'to. Napaka self-proclaimed kahit kaylan.

"Excuse me, saglit lang kitang nakitang naka-brief 'no at ako na ang nagsasabing hindi ka macho." Mariing kong sagot sa kanya kahit na macho naman talaga siya.

Bigla namang sumilay ang nakakalokong ngiti sa mukha niya.

"So, gusto mo medyo matagal?" Nakangiti niyang tanong sa akin. Teka, ano bang sinasabi niya?

"Huh?" Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin at itapat ang labi niya sa tenga ko.

"Pwede mo naman hilingin na maghubad ako sa harap mo at para na rin matitigan mo ako ng matagal. Mukhang nabitin ka ata 'non." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya tinulak ko siya ng malakas.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon