Chapter Thirty Six

633K 12.8K 804
                                    

THIRTY SIX

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Montemayor, gumising ka na. Anong oras na!" Niyugyog ko si Greg na tulog na tulog pa rin hanggang ngayon.

"Hmmm." Ungol niya lang sabay yakap pa sa unan ko, ipinatong niya rin ang hita niya roon na para bang ayaw na niya itong pakawalan pa. Aba't sinusubukan talaga ako nitong Montemayor na 'to eh!

"Isa Montemayor! Hindi ka gigising?!"

"Hmmmm. Inaantok pa ko Misis." Sabi niya. Napataas ang kilay ko.

"Aba Montemayor! Ang aga-aga mong natulog kagabi tapos inaantok ka pa? Aba bumangon ka diyan!" Pinalo ko ang pwet niya.

"Misis naman, tutulog pa ko." Sabi niya at tsaka niyakap muli ang unan ko at ibinaon ang mukha niya roon.

"Huwag mo akong subukan ngayon Montemayor! At tsaka tignan mo nga 'yang itsura mo. Wala ka na namang suot na pang-itaas at shorts!" Napailing ako. Paano na lang kung maging asawa ko 'to? Di puro ganito ang umaga ko. Ang kulit kulit pa naman ng isang 'to.

"Ikaw lang naman makakakita. Gusto ko pa matulog." Sabi niya.

"Di ka tatayo? Isa."

"Mamaya na, matutulog pa—"

"Dalawa."

"Inaantok pa nga ako Misis. Mamaya na nga—"

"Tatlo. Kapag hindi ka tumayo diyan mababaog ka." Gusto kong matawa sa panakot ko sa kanya. How childish.

"Oo ayan na nga! Gising na ako oh!" Sabi niya pa. Ngumiti naman ako simbolo ng pagkapanalo ko.

"Tumayo ka na diyan at kakain na tayo. Maaga pa tayong aalis." Sabi ko sa kanya.

Ilang buwan na rin ang lumipas at naging mas maayos ang relasyon namin ni Greg. Masasabi kong para akong nag-alaga ng bata kapag kasama ko siya. Pero kapag may iba na kaming kasama hindi siya ganoon. Gusto niya kasi na sa akin lang niya ipinapakita ang ganoong ugali niya. Kasi kahit anong ugali pa niya, alam niyang tanggap at mahal ko pa rin siya.

"Tara na! Para akong biglang nagutom ah." Sabi niya at tsaka niya ako inakbayan.

"Chansing ka ah. Umagang umaga." Tinaasan ko siya ng kilay pero medyo nakangiti ako.

"Halata pala, hehe." Ang kulit talaga niya.

Iyon din ang nagustuhan ko pa lalo kay Greg. Na kahit na ilang buwan na kaming magkarelasyon, walang pang nangyayari sa amin. Nakaka first base pa lang siya sa akin at minsan ay second base. Bigla ay para akong namula ng biglang pumasok muli sa isipan ko ang mga pagkakataon na nasosolo niya ako.

"Misis, sigurado ka bang hindi nangangagat iyong nanay mo?" Iyon ang lagi niyang tanong sa akin. Napag-usapan na kasi namin na sa Palawan kami magbabakasyon ngayong sem break. Nakapagpaalam na rin siya sa daddy niya kaya ayos na ang lahat. Kasama rin namin sina Dana at Cedric. Sila na kasi at masaya ako para sa bestfriend ko.

"Hindi nga ang kulit mo." Sabi ko sa kanya. Kumakain kami ngayon ng agahan. Mamaya na kasing alas diyes ang flight namin.

"Kinakabahan kasi ako, siyempre ipapakilala mo na ako sa nanay mo. Itatali mo na talaga ako sa'yo, ano? Kung sabagay, sino ba naman ang gusto pang pakawalan ako. Gwapo, macho, mayaman, matalino at may eight inches na pare!" Sabi niya at tsaka tumawa ng malakas.

"Sira ka talaga." Sabi ko at tsaka ko siya sinamaan ng tingin. Pero sa loob loob ko ay natatawa na rin ako pero pinipigilan ko lamang.

"Mahal kita." Bigla ay natigilan na naman ako. Gawain na niya ang ganoon, ang biglang sasabihan ako na mahal niya ako.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon