Chapter Twenty

716K 14.4K 1.8K
                                    

TWENTY

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Sabi nang 'wag kang malikot! Ano ba?! Umupo ka nga lang diyan!" Suway ko sa kanya.

"Parang kiss lang, ang damot." Sabi niya at tsaka sumimangot. Umupo na lang siya sa harap ng lamesa at pinanood ako. Nagluluto kasi ako ngayon ng ulam namin at sabi niya sinigang ang gusto niya kaya iyon ang iniluto ko ngayon. At kanina pa rin niya ako kinukulit habang nagluluto ako, panay ang yakap, nakaw ng halik sa pisngi, pasimpleng chansing at kung anu-ano pa.

"Bakit ba kasi ang kulit kulit mo? Ayaw mong pumirmi sa isang tabi!" Sabi ko sa kanya. Hinihintay ko na lang maluto ang niluluto kong sinigang at kakain na rin kami.

"Kasi naman, isang kiss lang." Sabi niya na parang bata na humihingi ng candy.

"May nanliligaw bang humihingi ng kiss? Aba, ang tindi mo naman pala Montemayor. Ikaw lang ang bukod tanging lalaki sa Pilipinas na nanliligaw palang, humihirit na ng kiss!" Umiling ako ng ilang ulit na para bang hindi makapaniwala. Ibang klaseng lalaki!

"Sa gusto kita eh!" Parang bata niyang sagot sa akin at tsaka ulit sumimangot.

"Kahit na! Hindi porket gusto mo ako, lagi ka na lang nakahalik! Tandaan mo, nanliligaw ka pa lang. Kung sipain ko kaya 'yang pare mo gusto mo?" Pinanlakihan ko siya ng mata. Minsan talaga bata mag-isip 'tong mamang 'to.

"Tss. Gusto mo namang kinikiss kita." Sabi niya.

"Wow, lakas ng self-confidence mo ah. At teka nga, bakit wala ka na namang suot na pang-itaas?" Tinasaan ko siya ng kilay.

"Ang prude mo naman! Ang tagal tagal mo ng nakita ang macho kong katawan, naiilang ka pa rin. Gusto mo sabay tayo maligo? Tama! Sabay tayong maligo para ma-meet mo na si pare!" Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Kung ikaw kaya ang pakuluan ko, aber? At tigil tigilan mo nga ako sa mga paandar mo. At huwag mo akong itulad sa mga past girlfriends mo na bibigay diyan sa bulok mong charms!" Sabi ko sa kanya. Bigla siyang tumingin sa itaas na parang desperadong desperado.

"Tangna, under ata ako." Narinig ko siyang bumubulong-bulong sa hangin.

"Ano'ng sabi mo?!" Mataray kong tanong sa kanya.

"Wala! Sabi ko ang ganda mo!" Nakasimangot niyang sabi sa akin.

"Good, akala ko may sinasabi ka. Baka kasi may maputol ako ng wala sa oras." Sabi ko sabay angat ng matalas na kutsilyo. Nakita ko namang napalunok siya.

Pinapanood ko lang siya habang sunod sunod ang subo niya ng kanin at parang isang buwang hindi kumain.

"Dahan dahan lang sa pagkain, hindi ka naman mauubusan." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Ang sarap kasi, Misis." Sabi niya at tsaka pinagpatuloy ang pagkain. Napailing na lang ako. Siguro dapat na akong masanay sa pagtawag niya sa akin ng Misis. Isipin ko pa lang kung gaano siya kakulit, sumasakit na ang ulo ko.

"Matanong ka kita Montemayor, ilan puyo mo sa ulo?" Tanong ko habang kumakain. Saglit siyang tumingin sa akin at nilunok ang kanin sa bibig niya.

"Lima." Kaswal niyang sagot. Bigla namang nanlaki ang mata ko at muntik pa akong mabulunan. Napaubo ako ng wala sa oras.

"Ayos ka lang Misis?" Tanong niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong lima?!" Sigaw ko sa kanya ng makarecover ako.

"Joke lang, dalawa lang." Sabi niya sabay subo ulit ng kanin.

Kaya naman pala sobrang kulit ng Montemayor na 'to, dalawa ang puyo. Pinanood ko ulit siya sa pagkain, ganadong ganado siya at natutuwa ako na nasasarapan siya sa mga luto ko. Sabi nila, the best way to a man's heart is through his stomach. Kaya siguro nagkagusto sa akin ang mamang 'to dahil sa niluluto ko para sa kanya.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon