Chapter 32

38 1 0
                                    

Torment

Pinayagan na ako ng doktor na madischarge sa ospital. True to his word, Gab didn't leave me. I still treated him coldly. Nakakapagod na rin na araw-araw ko syang pinapalayas sa harap ko pero hindi man lang sya natitinag.

Inihatid nya ako sa bahay. Hindi ko sya kinakausap or tinitingnan. Bahala sya sa buhay nya.

"What do you want to eat?" tanong ni Gab sa akin.

I didn't answer him. Naghintay sya ng ilang sandali hanggang sa narinig ko syang bumuntong-hininga. Hinayaan na lang muna nya akong mapag-isa.

I prefer to stay at the garden pagdating namin sa bahay. Nasusuffocate kasi ako lalo na at kaming dalawa lang ang nasa bahay.

I stared blankly at our garden. I feel numb. Hindi ko alam kung bakit ganito na ako. Marahil dahil ito sa matinding sakit na dinanas ko sa pagkawala ni Daddy. Sumandal ako sa malambot na sofa.

Naalimpungatan ako dahil sa mabangong amoy na nanuot sa ilong ko. I slowly opened my eyes and I saw him smiling at me. Nanlaki ang mata ko. Instinctively, I tried to push him only to know that he was carrying me.

"Kung ayaw mong mahulog at mabalian, just stay still at huwag kang malikot." matigas na utos nya sa akin.

"Ibaba mo ako Gab." mariin kong utos pabalik.

He just ignored me at maya-maya ay inilapag na rin naman nya ako sa kama sa kwarto ko.

"Dadalhan kita ng pagkain dito. Hindi ka kumain kaninang tanghali." pagkasabi noon ay tinalikuran na lamang nya ako.

The nerve of that man! Pasalamat talaga sya at hindi pa ako gaanong makakilos ng normal, kung hindi tinamaan na talaga sya sa akin. Wala syang karapatan na utusan at diktahan ako.

I heard a knock on the door. Probably him. Hindi na sya naghintay sa sagot ko at pumasok na dala ang isang tray na may pagkain. Ipinatong nya ito sa table. Akala ko aalis na sya pagkatapos pero tila walang balak lumabas ang isang ito.

"So, are you just gonna stand there and watch?" sarkastikong sabi ko.

"Precisely." sagot nya, revealing amusement in his eyes and voice.

Napailing ako. Naramdaman ko na rin ang pagkalam ng sikmura ko kaya naman napilitan na rin akong kainin ang pagkaing dala nya.

Nang matapos ako, agad nyang iniligpit ang pinagkainan ko at lumabas ng kwarto ko.

Napaisip ako sa sitwasyon namin. I'm mad at him. Dahil sa galit ko nasabi kong kinamumuhian ko rin sya. Kasalanan nya kung bakit mag-isa na lang ako ngayon. Ang kaisa-isang pamilya ko ay nawala ng dahil sa kanya. Kapag naaalala ko si Daddy ay agad na kumukulo ang dugo ko. Gab lied to me at isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi ko sya mapatawad.

Sa paglipas ng mga araw, walang araw na hindi ko inaaway si Gab. I can somehow move normally kaya naman nasasakatan ko sya physically. Ang kulit kasi nya. Palagi na lang akong pinapakialaman.

"Gab, kaya ko na ito. Ok?!" mariin kong sabi.

I decided to organize Daddy's things. Pinagmamasdan ko ang picture naming dalawa ng dumating si Gab at nag-alok na tutulungan daw nya ako.

"Baka makasama sa iyon Aira. Ako na ang gagawa nyan at magpahinga ka na lang." pagpipilit ni Gab.

Kinuha nya sa akin ang frame.

"Kaya ko na sabi eh!" sigaw ko.

Pero hindi pa rin sya nakinig. Kaya hayun at binitawan ko na lang ang frame. Nahulog ito at nabasag.

Lalong uminit ang ulo ko.

"Look what you've done!" asik ko sa kanya. "Wala ka talagang kwenta. Umalis ka na nga dito!"

I saw something in his eyes pero hindi ko alam kung tama nga ang nakita ko dahil nawala rin agad iyon. Yumuko ako at kinuha ang frame.

"Aira, I'm sorry. I just want to help. Baka kasi mapaano ka." hinging paumanhin nya.

Hindi ko sya pinansin at itinuloy ang pagkuha sa frame.

"Aray!" sabi ko at agad na iniangat ang kamay ko. There's blood. Damn broken glass.

Kinuha nya ang kamay ko. Nagulat naman ako sa  ginawa nya.He gently wiped the blood on my hand with his hanky. Tapos hinipan nya ito.

I feel disgusted kaya naman hinila ko ang kamay ko at sinampal sya gamit ang kabilang kamay ko.

He was literally taken aback by what I did.

"Serves you right." mataray kong sabi. "Pati ba naman ala-ala ni Daddy, sinira mo din. I will torment you hanggang sa umalis ka sa buhay ko."

At iniwan ko syang nakasalampak pa rin sa sahig habang hawak ang pisnging sinampal ko.

All This TimeWhere stories live. Discover now