Chapter 23

52 5 0
                                    

In Love

Nabawasan ako ng kaibigan or kung kaibigan nga bang maituturing si Charie este Cherry pala.

Saka lang nagsink in sa akin ang lahat ng mga nangyari. Ang connection ng mga bagay na may kinalaman sa kanya noon.

Sya pala ang nagkalat nung video kung saan hinalikan ako ni Gab na siya namang naging dahilan at napagbuntunan ako ng galit nina Jenny at ng ibang estudyante.

Sya rin ang may dahilan kung bakit inakusahan ko si Gab na niloloko ako dahil sa nakita ko sa Chemistry Lab.

Ngayon ko lang narealize lahat.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" Bulong ni Gab na biglang sumulpot sa likod ko at ngayon ay nakayakap sa akin.

"Hmm...hindi pa rin kasi ako makapaniwalang nagawa ni Cherry lahat iyon sa akin." sabi ko at bumuntong hininga.

"Princess, huwag mo nang isipin yun. Bukas na ang engagement party natin at ayaw ko na may gumugulo pa sa isip mo." malambing na sabi nya sa akin at tuluyan na nya akong iniharap sa kanya. "I want you to start thinking your future with me."

Automatic naman akong napangiti.

"Sorry. Tama ka, dapat ang nasa isip ko na simula ngayon ay kung paano ko ipapadama sa'yo kung gaano kita kamahal." I lovingly declared.

Niyakap nya ako ng mahigpit at ganoon din ang ginawa ko.

How I wish we could be like this forever. It's so peaceful. All I can hear is our hearts beating as one.

"I love you so much, princess." Matapos nyang sabihin iyon ay hinalikan nya ako ng ubod ng tamis.

"Oooppsss, mukhang nakakaistorbo kami." kapwa kami naghiwalay agad ni Gab sa narinig.

"Oo nga dude, balik na lang kaya tayo some other time?" tugon naman ng isa pa.

Nilingon namin ni Gab ang pinanggalingan ng mga tinig at nakita namin sina Chris at Kyle na kapwa nakangisi.

"Mga sira ulo!" natatawang bati sa kanila ni Gab. "Ano'ng ginagawa n'yo dito?"

Nilapitan namin sila at giniya sa living room.

"Itatanong lang sana namin kung sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?" banat ni Kyle. "Pakakasalan mo ba talaga 'to Aira?

Nakita kong inupakan sya ni Gab.

"Gago!" at pare-pareho silang nagtawanan.

"Maiwan ko muna kayo. Ipaghahanda ko muna kayo ng makakain." napapangiti kong paalam. Boys. Hay naku.

Nagtimpla ako juice pero napakunot-noo ako kasi bigla na lang nalaglag sa sahig yung kutsara na hawak ko.

Yumuko ako para pulutin iyon kaso hindi ko makuha. Hindi ko maigalaw ng ayos ang mga daliri ko.

"Huh? Masyado na yatang pasmado ang kamay ko." bulong ko.

Hinawakan ko ng isang kamay ko ang kamay kong hindi ko maigalaw. Minasahe ko ng kaunti.

Maya-maya, tila medyo ok na ulit. Sinubukan ko ulit kunin yung kutsara. This time nakuha ko na.

Tinapos ko ang paghahanda at dinala ito sa nagkakagulong bisita. Natatawa akong nilapag ang meryenda sa mesa. Panay kasi ang pang-aasar ni Kyle kay Gab.

"Salamat, Aira." sabi saken ni Chris at kumuha ng cake na dala ko.

"Hey, man.. That's my wife. Lumayo ka nga." narinig kong sabi ni Gab at agad nakalapit sa akin.

"Woah, easy, Gab. I'm not doing anything. You jealous freak." at tumawa ito ng malakas.

Nginitian ko naman agad si Gab.

"Hmm, selos? Eh di ba nga malapit mo na akong maging wife, officially and legally." sabay hawak sa kamay nya.

"Can't help it. I'm kinda possesive you know." sinuklian din nya ako ng ngiti at inakbayan ako.

Narinig naming napaubo si Kyle.

"Ano ba yan? Get a room!" asar muli nito. Tinapunan naman sya ni Gab ng unan galing sa sofa.

Nagtawanan lang kaming lahat.

"Sa wakas. Nakaalis na rin ang mga istorbo." nakangising sabi ni Gab matapos ihatid sina Chris at Kyle sa may gate.

"It's sweet of them to come by." sabi ko habang nililigpit ang mga pinagkainan nila.

"I can't wait for tomorrow. Gusto kong may panghawakan na ako, na sa akin ka lang. So that no one can take you away from me." malambing na pahayag ni Gab.

"You're getting sweeter everytime." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Can't help it. Because this man is so madly in love with you." bulong nya and once again, we shared a sweet kiss bago sya umuwi.

All This TimeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang