Chapter 24

50 1 0
                                    

Engagement

This is it. Today is our engagement party. Imbitado ang mga malalapit naming kaibigan.

I can see that Daddy is so happy for both Gab and I. Nagpapasalamat din ako sa kanya, dahil kay Gab nya ako ipinagkatiwala at hindi kung kanino lang.

I looked at my dress. Isang simpleng pencil cut white dress ito na may designs na sequins. Sleeveless sya at medyo backless din. Natawa pa ako ng maalala ang nakasimangot na mukha ni Gab pagkakita sa dress ko.

"I don't like it." simpleng komento nya. "But if it's what you want, then I won't argue."

Nginitian ko sya ng pagkatamis-tamis. Iyon ang gusto ko sa kanya. He will say what he wants, whether it's bad or good comment, pero sa huli isinasaalang-alang pa rin nya kung ano ang gusto ko.

"Wala nang atrasan 'to." sambit nya sabay kuha sa kamay ko. Ikinawit nya ang braso ko sa braso nya.

Naroon na ang mga malalapit naming kaibigan at kamag-anak nang dumating kami sa venue ng party. Ginanap ito sa isang five-star hotel.

Sinalubong ako ng yakap ng Mommy at Daddy ni Gab. Same with Daddy. Lahat sila ay masaya. Binati rin kami ng mga kaibigan namin. Nakita ko pang inasar nina Kyle, Chris at Mark si Gab.

Isang simpleng seremonya lang ang ginawa namin. Tumayo si Daddy para magbigay ng mensahe nya.

"Mapapanatag na ako kasi alam kong nasa mabuting kamay na ang aking anak." pagsisimula nya. "Aira, my angel. I'm sorry sa mga pagkukulang sa iyo ni Daddy. Alam ko noong una ay nabigla ka sa pangyayari but I'm so happy to see that you are now happy. I know that Gab is the right man for you. And you, Gab. I trust that you will love and value my daughter. Ikaw lang ang bukod tanging lalake na pinagkatiwalaan ko kaya huwag mo sana akong bibiguin."

Hindi ko mapigilan ang mapaiyak sa message ni Daddy. I stood up and walked towards him.

"I love you Daddy." sambit ko sabay yakap sa kanya.

Narinig ko naman na nagpalakpakan ang mga bisita. Matapos noon ay bumalik na ako sa upuan sa tabi ni Gab.

Nagbigay din ng mensahe ang mga magulang ni Gab. Natutuwa ako kasi gustong-gusto nila ako para sa anak nila.

Panay naman ang punas ko sa luha ko. Hindi ko kasi talaga maiwasan na maging emotional. Masarap isipin na ang lahat ng tao sa paligid namin ay masaya para sa aming dalawa ni Gab.

Akala ko hindi na darating ang araw na ito. Akala ko tuluyan na kaming magkakalayo ni Gab.

Syempre matapos ang formal na event, medyo chill naman noong gabi. Nag-inuman ang mga boys. Nakikisali rin naman ang mga girls.

"Pare, ninong kami sa magiging panganay nyo ha?" nang-aasar na banat ni Kyle.

"Loko ka. Hindi pa nga kami kasal, yan na agad ang nasa isip mo." natatawang sagot naman ni Gab.

Hindi ko na rin mapigilan ang matawa sa kanila. Masaya rin ako kasi todo suporta talaga itong mga kaibigan ni Gab.

"Gab, punta lang ako sa comfort room." sabi ko at iniwan silang nagtatawanan pa rin.

Kanina pa sumasakit ang ulo ko. Parang binibiyak sa sakit. Hindi ko naman pwedeng ipakita sa mga bisita na ganito ako kasi baka masira lang ang party.

Nagkulong ako sa isang cubicle at nagpahinga sandali. Baka dala lang ito ng pagod. Kahit kasi simple lang itong engagement party namin ni Gabi medyo madami ring kinailangan iprepare.

Huminga ako ng malalim. Parang nawala na ng konti ang sakit. Ipapahinga ko na lang ito sa bahay mamaya.

Humarap ako sa salamin. Kailangan kong ayusin ang sarili ko. Nakakahiya sa mga bisita pag nakita nilang ganito ang itsura ko. Butil-butil kasi ang pawis sa noo ko.

Inilabas ko ang press powder ko kaso nagulat ako kasi nabitawan ko iyon. Nahulog ito sa sink. Kukunin ko sana kaso hindi ko maigalaw ang mga daliri ko.

"Huh? Weird." sambit ko. Lumalala na yata ang pasma ng kamay ko.

Ginawa ko ulit yung ginawa ko dati. Minasahe ko ng isang kamay yung isang kamay. Matapos ang ilang minuto ay naging okay na ulit. Nakuha ko na muli yung press powder ko.

Lumabas ako ng comfort room at nanlaki ang mata ko kasi nakita ko si Gab.

Nakatayo sya sa gitna ng stage!

All This TimeWhere stories live. Discover now