Chapter 17

50 2 0
                                    

The Big News

Aira's POV

Kinabukasan, pinayagan na ako ng doctor na makalabas ng ospital. Basta daw mag-ingat na ako. Hindi daw biro nangyari sa akin. Nangako naman akong susundin ang lahat ng bilin nya.

"Aira, honey." Tawag saken ng daddy ko. Ang alam ko nasa business meeting sya sa Singapore kaya naman naguat ako ng madatnan ko sya sa bahay namin. "Are you alright? I'm sorry wala ako dito para bantayan ka."

Niyakap ko naman sya. "I'm ok dad." Sagot ko. "I'm glad na nandito ka na ngayon. I miss you so much."

"Don't worry baby, hindi na aalis si daddy." Seryoso nyang sabi. "Nangako ako sa mommy mo na hinding-hindi kita papabayaan. Kaya naman I decided to work here na. Ipinaubaya ko na sa Tito Aurelio mo ang pamamahala ng business natin sa Singapore. Mas magkakaroon na ako ng time para sayo anak."

"Talaga daddy?" masayang-masaya ako sa sinabi ni daddy. "Mabuti naman po kung ganoon."

True to his words, mas madalas na ngang nandyan si Daddy. Mas naglaan na sya ng oras para magkasama kaming dalawa. Madalas din na namamasyal kami sa iba't ibang lugar. Dahil kay Daddy, nakalimutan ko ang masakit na pangyayari sa school.

Masaya kaming naglalaro ni Daddy ng scrabble nang tumunog ang doorbell. Maya-maya, lumapit sa amin si Manang Carmen.

"Sir, Mam, nandito po si Sir Gabriel." Malumanay niyang sabi.

"Papasukin mo." Sabi ni daddy.

Nataranta ako. Ilang araw ko na syang hindi nakikita at nakaka-usap. Hindi pa ako handang makita sya ulit. Tila napansin naman ni Daddy na bigla akong hindi naging kumportable.

"Anak, are you alright? Bakit parang aligaga ka?" nag-aalalang tanong nya.

"Ah, yes daddy. I'm ok. Medyo sumakit lang po ang ulo ko." Pagdadahilan ko.

"Humingi ka ng gamot kay Manang Carmen tapos magpahinga ka na muna. Ako na muna ang haharap kay Gabriel." Pagkasabi noon ay nagmamadali na akong umakyat papunta sa kwarto ko.

Bago ako pumasok ay sumilip pa ako sa ibaba at nakita kong lumapit at nakipag-kamay si Gabriel kay Daddy. Nagulat ako kasi biglang tumingala si Gabriel at nahuli akong nakatingin sa kanila kaya naman bigla akong napatago sa pinto ng kwarto ko.

After two hours, kumatok si Manang Carmen sa kwarto ko. Nagdala sya ng tanghalian.

"Aira, tinatanong ng daddy mo kung maayos na ang pakiramdam mo." Sabi nya habang inilalapag sa mesa ang pagkain. "Sayang at hindi mo nakasabay sina Sir Gabriel."

"Ah, manang? Umalis na po ba si Gabriel?" tanong ko.

"Nakita ko silang nagkakape ng daddy mo. Pero parang paalis na rin kasi may gagawin pa daw." Matapos ayusin ang pagkain ay naglakad na ito muli palabas ng kwarto. "Kumain ka na iha at uminom ng gamot."

Umupo ako sa mesa at nag-umpisa nang kumain. Hindi ko ininom ang gamot kasi hindi naman masakit ang ulo ko. Nagdahilan lang ako para hindi ko makaharap si Gab. Matapos kumain, I decided to watch tv.

Muntik na akong mahulog sa kama ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nito si Gab.

Nanlaki ang mata ko pagkakita ko sa kanya.

"I was about to leave nang naisipan kong kumustahin ka." Paliwanag nito habang lumalapait sa akin. "But then, it seemed na hindi naman talaga masama ang pakiramdam mo kasi nakakapanuod ka pa ng tv instead na magpahinga."

"Ano naman ngayon sayo?" pinilit kong itago sa pagtataray ang pagkapahiya ko kasi nahuli nya ako. "At anong ginagawa mo sa kwarto ko? Pag nalaman ito ni Daddy, I'm sure pagagalitan ka nya."

"For your information, I have all the right to enter your room now, Princess." Na patuloy pa rin sa paglapit kaya naman napaatras na ako.

"Don't call me princess. At anong right ang sinasabi mo dyan?" tanong ko habang patuloy sa pag-atras. "Pwede ba huwag kang lumapit?"

"Pwede kitang lapitan ano mang oras ko gustuhin, my princess." Sabi nya. Na-trap na ako sa pader at wala nang maatrasan. Nagulat ako kasi hinawakan nya ang baba ko. Pero hindi ako nagpatinag sa kanya.

"Ano bang pinagsasasabi mo Gab?" galit na ang tono ko. "Huwag ka na ngang magpaligoy-ligoy."

Tiningnan nya akong mabuti bago nagsalita. Grabe, he's so near. I can feel his warmth.

"I have all the right because soon, you'll be my wife, princess." Mahinahong sabi nya at pagkatapos at umatras.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"What did you just say?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Ano'ng your wife ang sinasabi mo, Gab? Kung nagbibiro ka, hindi ako natatawa."

"I'm not kidding Aira." Seryoso na sya ngayon. Kung kanina medyo mapaglaro pa, ngayon biglang naging seryoso na. "Kung nandun ka lang sana kanina habang kausap ko ang daddy mo, sana narinig mo lahat. Kaso you chose to avoid me. Pwes ngayon, you can't do that anymore. Whether you like it or not, makakasama mo ako at hindi mo na ako maiiwasan."

"Pero paano nangyari iyon? I mean, pumayag si Daddy?" tanong ko. Tila nanghina ako sa nalaman ko. "How could Dad do this to me? Ni hindi man lang nya ako kinunsulta. At bakit sa'yo pa? Kung alam lang ni Daddy kung ano ang ginawa mo, I'm sure hindi sya papayag na maikasal ako sayo."

Puno ng hinanakit ang boses at mata ko. Tama. Hindi ko pa rin sya napapatawad hanggang ngayon. Nagtiwala ako sa sinabi nyang hindi nya ako sasaktan pero binigo nya ako. Alam ko wala naman kaming relasyon, but he promised me. And he broke that promise on the same day.

"Wala ka nang magagawa pa, princess." Muli itong nagsalita. "Sa ayaw at sa gusto mo, our wedding will take place next month, so be ready."

All This TimeWhere stories live. Discover now