Chapter 29

42 1 0
                                    

Somebody like you

The date is set. Dad told me na may nahanap na daw silang donor para sa liver transplant ko.

"How are you feeling?" malambing na tanong sa akin ni Gab.

I genuinely smiled at him and held his hand.

"Perfectly fine. Lalo na kapag nandito kayo ni Daddy. Pakiramdam ko kaya kong lampasan lahat kasi nakasuporta kayo sa akin." pahayag ko.

He stiffined. Kaya naman napakunot ang noo ko.

"Something wrong?" tanong ko sa kanya.

He cleared his throat and showed a hesitant smile.

"Nothing, baby. Do you want to eat?" tanong nya at naghanap ng makakain sa mini refrigirator.

"You're acting a little weird." komento ko.

"Ha? Bakit mo naman nasabi yan?" he's not looking into my eyes.

"May tinatago ka ba saken?" Tanong ko.

"Wala po akong tinatago sa'yo. Kung anu-ano ang naiisip mo. Mabuti pa kumain ka na, para gumaling ka agad." sabi nya at dinala ang pagkain sa may higaan ko.

I rolled my eyes at him.

"Hmm, did you just roll your eyes at me Ms. de Jesus?" he said as he raised his eyebrow.

I giggled and started to eat. Kahit na wala akong appetite, kailangan ko pa ring kumain. Gusto kong gumaling dahil ayaw ko nang mag-alala pa sa akin ang mga mahal ko sa buhay.

Nang matapos akong kumain, nagpaalam si Gab sa doktor ko kung pwede daw nya akong ipasyal sa garden ng hospital. Para naman daw makasagap ako ng sariwang hangin Pumayag naman si Doc as long as hindi kami masyadong matagal na magstay doon.

Sakay ng wheelchair, iginiya ako ni Gab sa hospital garden.

"Wow, ang sarap na makalabas ulit." bulalas ko. I want to stretch my arms kaso hindi ko kaya.

"Your smile is exquisite, baby." malambing na sambit ni Gab. He bend down para magkapantay kami. "Hayaan mo, kapag magaling ka na, we'll explore the world. Gusto ko marating mo ang magagandang lugar at magkaroon ka ng madaming magagandang memories."

I smiled at him.

"It's a deal then. I'm looking forward to it." sabi ko.

We stayed there in complete silence, savoring the fresh air, the amazing heat of the sun slowly creeping to my skin.

Then, I felt him gently squeezing my hand. I turned and saw him gazing at me.

"Baby, whatever happens nandito lang ako palagi sa tabi mo ha. Hinding-hindi kita iiwan." seryosong sabi nya. "Kahit ayawan mo ako, kahit ipagtabuyan mo ako, hindi pa rin ako aalis. I'll stay by your side and take care of you."

I can sense something in his eyes and in his voice. Para talagang may tinatago sya sa akin.

"Why are you saying these things? May nangyari ba?" tanong ko.

Bahagya syang umiling.

"I just want to tell you na I will never, ever leave you. Even if you hate me. I will do anything para sa'yo, para mabuhay ka at makasama ka." he continued.

"Eh bakit para ka namang nagpapaalam sa tono ng pananalita mo?" sabi ko.

"Sana maintindihan mo na kung ano man ang mangyari, hindi kita gustong saktan. It's just that I love you so much." Pahayag nya.

"Hindi talaga kita maintindihan. Paano ba kita aayawan? Hate? Imposible naman yun. Hindi na ako katulad ng dati na maldita." I smiled bitterly. "Hindi ko na gagawin sa'yo yung katulad nang nangyari noon. Maswerte nga ako kasi kahit ganito ako, nandyan ka pa din. Kahit mahirap, kahit nakakapagod. Pinagtatyagaan mo pa rin ang katulad ko."

Nagiging emosyonal na naman ako. My love for this man is so overwhelming.

"Oh baby, please don't cry." sambit nya. He hugged me. "Sana nga. Sana talaga huwag mo na ulit akong kamuhian."

"Why would I do that? I'm so lucky to have somebody like you who loves me this way." Sagot ko.

All This TimeWhere stories live. Discover now