Chapter 22

50 2 0
                                    

Friendship Over



Gab's POV

Kung pwede lang pumatay, ginawa ko na. How could she do that? Of all people, sya pa talaga? Damn! Itinuring syang kaibigan ni Aira pero bakit nya ito nagawa?

Flashback

May lumapit saken na isang estudyante. Nagulat pa ako kasi hindi ko naman sya kilala. Mukhang nag-alinlangan pa sya sa paglapit saken.

"Ano'ng kailangan mo?" tanong ko.

"Ah..ano kasi..Dapat sa principal ko ito sasabihin pero sa tingin ko mas dapat na ikaw ang unang makaalam." Panimula nito. "A-alam ko kung sino ang nagtulak kay Aira sa pool."

Napatayo ako bigla. Hinili ko ang kwelyo nya.

"Sino?! Sabihin mo!" sigaw ko.

"Si..si...si Charie.." natatakot sa sagot nya. "May nakalimutan kasi ako sa locker ko kaya bumalik ako. At nakita ko lahat."

Binitawan ko sya at agad na umalis. Hinanap ko si Aira at sinabi sa kanya ang nalaman ko.

End of Flashback

Natigilan si Aira. Hindi sya makapaniwala. Kahit naman ako, hindi ko rin akalain na magagawa nya ang bagay na ito.

"Ha? Don't tell me si Jenny?" hula ko. "Hindi nya iyon magagawa."

"You're wrong." Sagot nya. "It's Charie."

Nabitiwan nya ang binabasang libro. Inalalayan ko agad sya.

"Si Charie? Pero bakit?" tanong nya. Napakalungkot ng tono ng boses nya. "Kaibigan ko sya."

"Sa tingin mo ba kaibigan ang turing nya sa iyo?" napataas ang boses ko. "You should stay away from her at ako na ang bahala sa nangyari."

"Gab, don't. Kailangan ko syang makausap. I want to hear it from myself." Mahinahong sabi nya saken. "I want to know the reason kung bakit nya iyon nagawa."

"Sigurado ka ba? Baka may gawin na naman sya sa'yo." Nagtataka ako dito sa girlfriend ko. Nanganib na nga at lahat ang buhay nya dahil sa babaeng yon, gusto pa rin nyang kausapin?

"I know you would say that. Kaya para di ka mag-alala, samahan mo ako." Sagot nya. "Kakausapin ko sya at gusto ko nasa lugar ka din kung nasaan kami. Pwede mo akong bantayan, in case na may gawin ulit sya."

Ayaw ko sanang pumayag pero inirespeto ko ang desisyon nya.







Kinabukasan, nakipagkita kami este sya lang pala kay Charie. Buti pumayag naman ito. Sabagay, hindi pa nya alam na alam na naming sya ang may kagagawan ng lahat.

Umupo ako sa mesang di kalayuan sa kanilang dalawa. Ako ang nagsuggest na dito sa café na ito sila magkita. I personally know the owner and may mga cctv rin sa paligid. Nauna kami kesa kay Charie. Lumingon pa saken si Aira and gave me an assuring look. Nakita kong lumapit si Charie sa kinaroroonan nya.





Aira's POV

"Aira..." bati ni Charie saken.. Parang walang nangyari. "Are you okay? I heard what happened."

"Ah, oo ayos naman ako." Matipid na sagot ko. Looking at her, she seemed really relaxed. Parang wala syang ginawang kasamaan.

"So, why did you want to see me?" tanong nito.

All This TimeWhere stories live. Discover now