Chapter 8

61 2 0
                                    

Why?

Gab's POV

Naiinis ako. Naiinis ako ng sobra pero hindi ko alam kung bakit. Nang marinig ko kay Manang na pinangiti ni Chris si Aira, hindi ko alam kung bakit ganito ang naramdaman ko.

Tinawagan ko agad sina Kyle at Mark.

"Dating gawi." Yun lang at binaba ko na ang cellphone ko. Dumeretso ako sa tambayan namin tuwing Wednesday. Isa ito sa pag-aari ng pamilya namin. May mga chain of bars kami sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Nagpunta ako sa exclusive room na nakahanda para sa grupo namin. Alam na ng mga empleyado ang schedule ng punta namin dito kaya naman inaayos na kaagad nila ang lugar para sa pagdating namin.

"Good evening po sir." Bati saken ng isang empleyado. "What would you like to have this evening?"

"Scotch please." Tipid kong sagot at sumandal sa sofa. Nang dumating ang order ko, tinungga ko agad iyon.

Maya-maya pa, dumating na ang dalawa.

"Bro, ang tindi naman agad ng tinitira mo." Si Kyle habang umuupo sa isa pang sofa. "May problema ka ba?"

"Huwag na kayong magtanong, uminom na lang kayo." Angil ko sa kanila.

"Teka, nasaan nga pala si Chris?" tanong naman ni Mark. "Lokong yun, nambabae na naman siguro. Subukan lang nyang huwag sumipot dito, lagot talaga saken yun."

Nabasag ang basong hawak ko. Tumutulo ang dugo mula sa kamay ko.

"Huy, pre. Ano ba naman yan?" si Mark. "Dahan-dahan ka nga. Huwag mong sabihin na lasing ka na agad. Kakarating pa lang namin."

Nakaramdam nga ako ng pagkahilo. Nakita kong napangalahati ko ang bote ng Scotch. Hindi ko namalayan na ganon na pala kadami ang nainom ko.

Nagtangka akong tumayo pero umikot muli ang paningin ko at bumagsak ako sa sofa. Napailing na lang ang dalawa kong kaibigan. Marahil ay nagtataka sila sa inaasal ko. I don't usually drink especially get drunk to the point na hindi ko na makaya ang sarili.

"Tawagan mo si Chris." Sabi ni Mark kay Kyle. "Sya lang makakakontrol sa isang ito."

Aira's POV

Sobrang sarap pala kausap ni Chris. Ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko na pumunta si Gab sa bahay namin. Maya-maya tumunog ang cellphone ni Chris. Kasalukuyan syang nasa CR. Sinilip ko kung sinong tumatawag at nakita kong si Kyle pala.

Napilitan akong sagutin kasi baka importante.

"Hello, Chris!" halata sa boses ni Kyle ang desperasyon. "Tulungan mo kami. Si Gab, nagkalat dito sa bar. Naglasing tapos eto, bagsak na. Ikaw lang makakakontrol dito eh. Tawagan mo na rin si Jenny para asikasuhin itong boyfriend nya. Bye."

Hindi na ako nakapagpakilala kasi binaba nya agad ang tawag. Nag-alala ako sa sinabi nya. Si Gab? Naglasing? Bakit? At teka, may girlfriend sya?

Nakaramdam ako na parang may tumutusok sa dibdib ko. Bakit parang ang sakit yata ng malaman ko ang bagay na yun?

"Aira, bakit anong problema?" nakita nyang hawak ko ang cellphone nya. Natauhan naman ako.

"Ah, pasensya na. Tumawag si Kyle, naglasing daw si Gab. Pinapatawagan din nya sayo yung Jenny." habang inaabot ko sa kanya ang cellphone nya.

"Ano kayang nangyari at naglasing yung lokong yun?" Nasabi ni Chris. "Hindi naman yun palainom at lalong hindi naglalasing. Baka may LQ sila ni Jenny."

Tahimik lang akong nakatingin sa kanya.

"Sige Aira, mauna na ako ha? Dadaanan ko pa kasi si Jenny para sabay na kaming pumunta doon." Paalam ni Chris sa akin. "Huwag ka na munang pumasok bukas. Ako na ang magbibigay ng clearance sa mga prof mo."

"Salamat ulit Chris." Kumaway pa ako.

Nagpahatid ako kay Manang Carmen sa kwarto ko. Nahirapan pa kami kasi nasa second floor pa iyon.

Nag-aalala ako kay Gab. Ano nga bang pumasok sa isip nun at nagpakalasing sya? Ganoon ba katindi ang away nila ng girlfriend nya para umabot sya sa point na yun? Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako ng kalahating oras.

Naalimpungatan ako ng narinig kong may dumating na sasakyan. Pinilit kong makalapit sa bintana para makita kung si Gab na ba iyon.

Nakita kong lumabas ng sasakyan si Chris. Umikot sya sa likuran at binuksan ang pinto. Nakita kong bumaba doon ang isang babae. Hindi lang basta babae, mukha syang model. Ang ganda-ganda nya. Yun na siguro si Jenny. Naka-alalay sya kay Gab.Halos hindi na makalakad si Gab. Pinagtulungan syang akayin ni Chris at Jenny.

Ngising-ngisi si Gab. Halatang lasing na lasing talaga. Maya-maya, huminto sila sa may harap ng pinto. Nagulat ako ng bigla nyang halikan sa labi si Jenny. Napatago ako sa likuran ng kurtina.

Muli ko na namang naramdaman na parang may tumutusok na karayom sa dibdib ko. Bakit ba ang sakit?

Sumilip ulit ako at nakita kong nagpatuloy na sila sa pagpasok sa loob. Hinintay ko silang lumabas ngunit tanging si Chris lamang ang nakita ko. Sumakay na sya sa sasakyan nya at umalis. Naghintay pa ako ng kaunti pero hindi na lumabas pa si Jenny.

Ibig sabihin, doon sya magpapalipas ng gabi kina Gab? Aray ko. Parang sobra-sobra na ito para sa isang araw.

Nasasaktan ako. Kasi nalaman ko na may girlfriend na pala sya which is posible naman talaga kasi sa gwapo nya ngayon. Pero mas nasasaktan ako kasi aminado ako na mahal ko pa rin sya. Sa kabila ng hindi magandang pagtrato nya sa akin ngayon, mahal ko pa rin si Gab.

Kinabukasan, muli akong sumilip sa bintana. Laking pagsisisi ko kasi nakita ko na naman si Gab at Jenny. Magkayakap sila at di alintana ang mga nasa paligid. Kitang-kita ko sa mga mata ni Gab ang pagmamahal para kay Jenny. Hindi ko namalayan na may tumutulo na palang luha sa mga mata ko.

Nagulat ako ng biglang lumingon sa direksyon ko si Gab. At dahil sa pagmamadali kong magtago, natumba ako.

"Aray ko." Napangiwi ako sa sakit. Masama ang pagkakabagsak ko at sumakit pati balakang ko.

Nagulat ako ng may mga kamay na umalalay saken at itinayo ako.

"Gab?!" at iniupo nya ako sa kama ko. Naalala ko ang eksenang nakita ko kagabi pati na rin yung kanina. Kaya naman napaiyak na lang ako. Nagulat din sya sa pag-iyak ko.

"Why Gab?" patuloy ako sa pag-iyak.

All This TimeWhere stories live. Discover now