Chapter 10

56 2 0
                                    

Revenge

Gab's POV

"I know." Mahinang sabi ni Aira pero rinig na rinig ko iyon.

Matapos ang araw na iyon, hindi ako muli pang kinulit ni Aira. Napansin ko na parang iniiwasan na nya ako.

"Aira!" narinig kong tinawag ni Chris si Aira. "Bakit mag-isa ka lang na naglalunch? Sumabay ka dito samen."

Kimi siyang napatingin sa akin.

"Ah, wag na. Salamat na lang." sagot nya. "Saka may kasama ako, hinihintay ko lang sya."

"Aba, teka. May boyfriend ka na ba?" tanong ni Kyle. Loko-loko talaga ang isang ito. "Ang bilis ah."

"Wala no." agad nyang sagot. "Kaibigan ko ang kasabay ko, si Charie. Ayun na pala sya. Sige mauna na ako."

Nakita kong may sinalubong syang isang babae. Hindi ko ito kilala. Mabuti na rin iyong may kaibigan sya para hindi na nya ako kinukulit. Maya-maya, dumating na si Jenny. Inasar na naman ako ng tatlo. Si Jenny daw kasi ang pinakamatagal sa lahat ng mga naging girlfriends ko.

"Babe, ibili mo naman ako ng chocolate cake oh, please?" lambing nya sa akin. Tumango lang ako. Halos mapatalon naman sya sa tuwa. Kahit mga simpleng bagay mabilis maapreciate ni Jenny. Iyon siguro ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya. Hinalikan nya tuloy ako sa labi dahil sa tuwa nya.

Bigla naman akong napalingon sa lugar kung nasaan sina Aira. Nahuli ko syang nakatingin sa amin pero nagbawi rin agad ng tingin.

Ano ba kasing problema ng babaeng yun? Simula ng bumalik sya, talagang nakakapagtaka ang mga kilos nya. She's acting as if she really cares for me at parang she loves me. Pero imposible iyon. Dahil halos isuka nya ako dati.

Bigla ko tuloy naalala ang isa sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko. At ito rin ang dahilan kung bakit hindi ko sya mapatawad.

Flashback

Araw ng JS prom. Kabadong-kabado ako. Ngayon ko kasi planong magtapat kay Aira. Ang tagal kong itinago ang nararamdaman ko. Pero kung minsan hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa pagpapahayag ng pagmamahal ko sa kanya.

Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito. Nakipagsabwatan pa ako sa mga staff ng school namin.

Naroon na lahat ng mga estudyanteng kalahok sa prom. Lahat ay nakasuot ng magagandang damit. Ang iba ay nasa dancefloor at sumasayaw. Ang iba naman busy sa pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nila.

Hinanap ko agad si Aira. Wala akong inimbitahang date kasi sya lang ang gusto kong makasama ngayong gabi. Natuwa akong malaman na wala rin syang kasamang date. Mas lumakas pa lalo ang loob ko.

Maya-maya, namatay ang lahat ng ilaw at tanging spotlight lang na nakatutuok sa stage na natira. Tumigil ang mga tao sa pagsasayaw at pagkukwentuhan. Tumahimik ang lahat.

Umupo ako sa stool chair na nakalagay sa gitna ng stage.

"I would like to dedicate this song to a very special girl. The first time I saw her was when she was crying because of her mother's death. I knew right then and there that I would like to take all her pains away. This girl made me feel alive, she inspires me to wake up and live everyday. To the love of my life, Aira. This one's for you."

Kung ako ang may-ari ng mundo

Ibibigay lahat ng gusto mo

Araw-araw pasisikatin ang araw

Buwan-buwan pabibilugin ko ang buwan para sa'yo

Para sa'yo

Susungkitin mga bituin para lang makahiling

Na sana'y maging akin

Puso mo at damdamin

Kung pwede lang, kung kaya, kung akin ang mundo

Ang lahat ng ito'y iaalay ko sa'yo

Ibinuhos ko ang buong puso ko sa kantang iyon. Sana maabot ng kanta ko ang puso ni Aira. Pero laking gulat ko ng maramdaman ko ang malamig na bagay sa katawan ko.

Binuhusan pala nya ako ng juice. Basang-basa ako.

"Yan ang bagay sa'yo!" sigaw nya. "Sinabi ko nang tigilan mo na ako Gab. I don't like you and I never will. Sa itsura mong iyan, sa tingin mo ba magugustuhan kita? Look at yourself. Napakabaduy mo. Nakakahiya ka. Sino sa tingin mo ang papayag na maging boyfriend ka? In your dreams. Pwede ba this will be the last time na ipapahiya mo ako sa maraming tao. I don't wanna see you anymore, understand?!"

End of Flashback

Muli kong ipinilig ang ulo ko. Kung saan-saan na naman nakarating ang isip ko. Iyon pa naman ang pinaka-ayaw kong alala-ala. Nagtataka ako kung bakit patuloy pa rin iyon sa pagbalik.

Isa lang ang alam ko. She hurted me, a lot. And I, as a good man, will return her the favor. Kaunti pa lang ang nararanasan nya kumpara sa lahat ng pinagdaanan ko dahil sa kagagawan nya. I will make sure na hinding-hindi nya makakalimutan lahat.

Tumayo ako sa kinauupuan ko. Nagulat naman ang tatlo pati si Jenny.

"Oh, pare san ka pupunta?" tanong ni Mark.

Hindi ko pinansin ang tanong nya at naglakad papunta sa upuan nina Aira. Nagulat pa sya ng makita ako.

"Mag-usap tayo. Hihintayin kita sa bahay ko." Iyon lang at umalis na ako. Sigurado akong pupunta sya. Hindi ko man maintindihan kung bakit tila sya isang babaeng di makabasag-pinggan ngayon, ilalabas ko naman ang totoo nyang ugali.

This time I will have my revenge. But I'll make sure that'll be the sweetest revenge ever.

All This TimeWhere stories live. Discover now