Chapter 5

55 1 0
                                    

Chapter 5

Not enough

Gab's POV

"Baba!" sigaw ko sa kanya. Nakita kong nagulat sya.

"Gab, please sorry na." at tila naiiyak na sya.

"Bumaba ka na. Nandito na tayo." At nauna na akong bumaba. Sumunod na rin naman sya. "And don't talk about the past anymore dahil kinalimutan ko na lahat iyon. Wala na akong pakialam sa'yo."

Totoo ang sinabi ko. Kinalimutan ko na lahat, lahat ng katangahan ko ng dahil sa kanya. Ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi na mauulit lahat iyon. Ayaw ko nang magmahal at ayaw ko na ring masaktan.

Malungkot naman siyang tumango at nagpasalamat sa paghatid ko sa kanya.

Nagtataka ako dito kay Aira. Bakit ba parang nag-iba sya? Dati naman kung tarayan nya ako, wagas na wagas. Pero ngayon parang maamong tupa lagi.

"Tsk, wag kang maniniwala sa mga pinapakita nya Gab." Naibulong ko sa sarili ko habang pumapasok na rin sa loob ng bahay. "Pinapaikot ka lang nya. Kilalang-kilala mo sya kaya imposibleng nagbago na sya."

Kinabukasan, nakita kong papalabas na rin si Aira sa bahay nila. Lalapitan nya sana ako kaso hindi nya tinuloy. Hindi ko naman sya pinansin. Hinding-hindi ako mahuhulog sa pagkukunwari mo.

"Umalis ka nga dyan sa dadaanan ko." Malamig kong sabi at saka pina-andar ang sasakyan ko.

Nang makarating ako sa university, nakita kong nagkakagulo na naman ang mga babae sa may gate. Ipinark ko ang sasakyan ko at nagsimula ng maglakad papasok.

"Pre, good morning." Si Mark. "Mukhang masama ang gising natin ah." Kasunod niya sina Kyle at Chris.

Ang aga-aga naman mang-asar ng mga lokong ito.

"Tigilan n'yo ako ha." Saway ko at nagsimula ng maglakad. Nilampasan na lang namin ang estudyanteng nagkakagulo. Panay pa rin ang tili nila. Nakakabingi at nakakasawa na. Araw-araw na lang silang ganyan, mga walang magawa sa buhay.

"Dude, naihatid mo ba si Aira?" tanong ni Chris habang sinasabayan ako sa paglakad. Mabilis kasi akong maglakad kaya nasa unahan ako lagi.

"Oo." Matipid kong sagot. Mauuna ang building namin bago ang sa kanila. Magkaka-iba kasi kami ng kursong kinukuha.

"Dude, wag mong kalimutan mamaya ha?" paalala ni Chris. Oo nga pala, Wednesday ngayon. Nakagawian na kasi naming magkakaibigan na gumimik tuwing Wednesday. Instead na Friday, we chose this day kasi hindi ganoon kadami ang tao.

Tumango na lang ako bilang sagot at nagpatuloy sa pagpasok sa classroom. Nakita ko naman si Aira na prenteng nakaupo na. Hindi ko sya pinansin at tuloy-tuloy sa pag-upo.

"Ok class, I'll give your partner para sa report na kailangan nyong isubmit at the end of the month." Paliwanag ng professor namin.

Inaantok na naman ako. Ang boring talaga ng klaseng ito. Unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko. Buti naman at hindi nangungulit itong katabi ko.

"De Jesus! Mendoza!" tawag ng professor.

Napamulat ako sa sinabi nya.

"You two will be partners." Muling pahayag ng prof. "Ok, now that you have your partners, I will give you time today to brainstorm. The topic will revolve about the different kinds of love. Be sure to submit your reports at the end of this month."

Sa sinabing iyon ng professor, agad na nagsitayuan ang mga kaklase ko at nagpunta sa kanya-kanyang partners.

Tinatamad na bumaling ako sa katabi ko. Tahimik lang sya. Tsk, kunwari lang naman ito. Bakit kaya hindi sya magtaray ngayon? Nakakaasar.

"Ah, ano nga palang gusto mong maging topic natin, Gab?" marahan niyang tanong sa akin.

"Kahit ano, bahala ka na." at muli akong humikab. "Huwag mong asahang tutulungan kita, bahala kang gumawa mag-isa."

Pagkasabi ko noon, nagpaalam na ako sa professor namin.

"Mam, tapos na kami magmeeting ni De Jesus." Sabi nya. "Pwede na po ba akong umalis?"

"Ok sige Mr. Mendoza." At tuluyan na akong lumabas sa classroom.

Nakita kong sinundan ako ni Aira.

"Gab, sandali lang." tawag nya. Hindi pa rin ako tumigil sa paglalakad.

Narinig ko syang napasigaw. Lumingon ako at nakita ko syang naka-upo sa lupa.

"Shit talaga." Napamura na ako. Ano ba kasing pinag-gagagawa ng babaeng ito. "Ano na naman ba yan Aira?!"

Nilapitan ko sya pero hindi ko sya tinulungang tumayo.

"Kung ano man ang galit mo sa akin Gab, pwede bang huwag mong idamay itong sa klase natin?" pakiusap nya. Kita sa mga mata nya ang lungkot. Pero hindi pa rin ako madadala nyan.

"Ano namang pakialam mo?" angil ko sa kanya. "Pwede ba, huwag kang magpaawa sa akin. Dahil hindi sapat ng lahat ng yan."

At tuluyan ko na syang iniwan doon na nakaupo pa rin sa lupa.

All This TimeWhere stories live. Discover now