Chapter 11

58 1 0
                                    

The Kiss

Aira's POV

"Mag-usap tayo. Hihintayin kita sa bahay ko." Sabi ni Gab saken.

Nagulat talaga ako. Hindi ko inaasahan ang ginawa nya.

"Uy, close pala kayo ni Gab?" puna ni Charie. "Ano mo ba sya?"

"Ah, eh.." hindi ako makasagot kasi abala pa rin ako sa pag-iisip kung tama nga ba ang narinig ko na gusto akong kausapin ni Gab. "Magkababata kami. Kaibigan ng pamilya ko ang pamilya nila."

"Talaga? Wow ang swerte mo naman." Sabi ulit ni Charie. "Alam mo bang ang daming nagkakandarapa sa kanya? Kahit na girlfriend nya yung mukhang lintang Jenny na yun. Naku, kung pwede lang mawala na rin sya sa landas ko."

"Ha? Anong sabi mo?" nagtatakang tanong ko kay Charie. "Paki-ulit mo nga."

Natutop nya ang bibig nya. "Ay, wala. Wala iyon hahaha wag mo nang pansinin ang sinabi ko." At pinagpatuloy niya ang pagkain. Binalewala ko na lang rin ang sinabi nya. "So pupunta ka ba?

"Saan?" tanong ko ulit.

"Di ba sabi nya mag-uusap daw kayo mamaya." Sagot nya. "So pupunta ka ba?"

"Hindi ko alam." Sagot ko pero gusto talagang pumunta. Pagkakataon ko na para makausap sya ng maayos at makapagpaliwanag na rin. "Bahala na."

Hapon na at uwian na ang mga estudyante. Naalala ko ang sinabi ni Gab kanina. Hindi ko pa rin alam kung pupunta ba ako. Medyo natatakot kasi ako baka magalit na naman sya.

Nakauwi na ako sa bahay pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakapagdesisyon kung pupunta ako kina Gab. Pabalik-balik ako sa may kwarto ko sa pag-iisip kung pupunta ako.

Kaya mo yan Aira. This is your chance. Wala ng kasunod ito. Baka mas lalo mong pagsisihan kung hindi mo pa sya makausap ng maayos. Sabi ko sa sarili ko kaya naman namalayan ko na lang na nasa harap na ako ng gate nila.

Pinindot ko ang doorbell ng gate ng bahay nina Gab. Maya-maya, dumating ang kasambahay nila para pagbuksan ako.

"Ah, good evening." Bati ko. "Nandyan po ba si Gab? Pinapunta nya kasi ako."

"Ay, Mam Aira!" balik nyang bati sa akin. "Kumusta na po kayo? Opo, nandito po si Sir Gab. Nasa may swimming pool po sya."

"Teka, nasaan nga pala sina Tito Julio at Tita Marcella?" tanong ko ulit sa kasambahay habang ginigiya nya ako papunta sa pool.

"Ay, wala po sila dito mam." Sagot nya. "Nagpunta po sa ibang bansa at sa isang lingo pa po ang balik nila."

"Ah, ganon ba?" habang pinagmamasdan ang kabahayan. "Akala ko makikita ko ulit sila."

"Pwede naman po kayo mam bumisita dito." Sabi ulit nya. "Malapit lang naman po ang bahay ninyo at tiyak matutuwa sila pag nakita kayo."

Napangiti na lang ako ng pilit. Naku kung alam lang nila, na galit sa akin si Gab kaya hindi ako makadalaw sa bahay na ito kahit malapit lang.

Nakita ko si Gab na naliligo sa pool. Nakaswimming trunks lang sya.

Grabe, ibang-iba na talaga sya sa Gab na kilala ko. Kung dati, payat sya at nerd ang itsura. Ngayon, heartthrob na. Mas lumaki na ang katawan nya ngayon. His muscles are in proper places at grabe, may abs na din sya. Kaya siguro pinagkakaguluhan sya ng mga babae sa school.

"Oh, baka matunaw ako nyan." Puna nya sa akin. Hindi ko namalayan na umahon na pala sya mula sa pool. "Lumapit ka rito para makapag-usap tayo."

Pinilit kong itago ang pagkapahiya ko.

Ayan kasi, grabe ka makatingin Aira. Parang ngayon ka lang nakakita ng ganoong katawan ah. Pero tama, ngayon lang talaga ako nakakita ng ganoon kaya naman hindi ko namalayan kanina na nakatulala na pala ako.

Lumapit ako sa kanya pero hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Nahihiya talaga ako sa inasal ko kanina.

"Oh, bakit hindi ka makatingin ngayon? Samantalang kanina para mo na akong kakainin." Sabi nya at nakita kong nakapagsuot na sya ng robe.

Shet, kulay kamatis na yata ako. Ang engot ko kasi at hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Ah, eh..ano nga ba ang pag-uusapan natin?" pag-iiba ko ng paksa.

"Hindi ba at ikaw ang may sasabihin sa akin?" pagbabalik nya ng tanong.

Napa-isip ako. Ito na ang pagkakataon ko para makahingi ng patawad at sabihin sya kanya ang nararamdaman ko. Bago nya tuluyang isara ang puso nya sa akin.

"Nagpapasalamat ako na kinausap mo na ako ng maayos ngayon." Pagsisimula ko. "Una, gusto kong humingi ng tawad sa'yo sa lahat ng nagawa ko dati. Alam ko na napakasama ko sa'yo at sinabihan pa kita ng masasakit na salita, pero hindi ko naman talaga intensyon iyon. Siguro, sa'yo ko lang naibunton ang kalungkutan ko at ang galit ko sa mundo."

Hindi sya nagsalita. Nakatingin lang sya sa akin kaya pinagpatuloy ko ang sinasabi ko. Paminsan-minsan tumitingin ako sa kanya pero binabawa ko rin kasi hindi ko matagalan ang tingin nya. Napakalalim.

"Sa halip na maging kaibigan kita, sinaktan kita sa paraang alam ko." Pagpapatuloy ko. "Dapat hindi ko ginawa yun Gab. I'm so sorry. Dapat nga sigurong kamuhian mo ako, I didn't deserve your love especially during those times. Galit na galit ako sa mundo. I don't know how to love and care back then. But when you left, everything in me changed too."

"I came to understand that nobody's to blame about my mother's death. Walang may kasalanan especially you. All you did was to be there for me and care for me, love me. Huli na ng narealize ko lahat iyon. You're already gone." Hindi ko namalayang tumutulo na ang luha ko.

"Pinagsisihan ko lahat ng nagawa ko. If only I could turn back time, I will appreciate all the things you did. At hindi kita sasaktan, Gab. You're so good to me. Dahil sa pagmamahal mo sa akin, I learned how to care for other people too. I learned how to love this life." Pinipilit kong ayusin ang pagsasalita ko kahit na nahihirapan na ako dahil sa pag-iyak ko.

I learned to love you. Gusto kong sabihin pero natatakot ako na baka masaktan ako sa isasagot nya.

Nagulat ako ng bigla syang tumayo sa kinauupuan nya at lumapit saken. Bigla nyang hinila ang ulo ko at siniil ako ng halik. Isang halik na kailan man ay di ko inakalang mararamdaman ko. Napapikit na lang ako.

All This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon