Chapter 19

73 2 0
                                    

His Love

Gab's POV

Alam kong hindi tama ang ginawa ko kaninang umaga. Hindi naman kasi alam ng lahat na ikakasal na kami ni Aira at lalong hindi ko pa naman girlfriend si Aira. Siguradong nadagdagan na naman ang galit nya sa akin.

Hindi ko lang kasi napigilan ang emosyon ko nang nakita kong nakaakbay si Chris sa kanya. Umakyat sa ulo ang dugo ko kaya naman nakapagsalita ako ng ganoon. Kaya heto at hindi na naman ako pinapansin ni Aira.

Sinabi ko sa kanyang ako na ang maghahatid sa kanya at susundo na rin sa bahay nila simula ngayon. Syempre, tumanggi na naman sya. Pero nagpumilit ako kaya wala na rin syang nagawa.

Minsan, ipnagpapasalamat ko na kahit papano ay napapasunod ko itong si Aira kasi kung hindi, naku hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Gusto mo ba munang kumain bago umuwi?" nilingon ko sya saglit at muling ibinalik ang tingin sa kalsada. Hindi sya sumagot. "Aira, ano gusto mo bang kumain?"

"Sige, dyan tayo sa Jollibee." tipid nitong sagot na hindi pa rin ako tinitingnan. Hindi ko napigilang hindi mapangiti.

Aira's POV

Nakita ko sa peripheral vision ko na ngumiti si Gab matapos kong sabihin kung saan kami kakain.

"Ano'ng nakakatawa? Pinagtatawanan mo ba ako?" muli kong pagtataray.

"Nothing. Iyan din kasi ang naisip kong lugar na gusto kong kainan." Sagot nito na hindi pa rin nawawala ang ngiti.

Seeing him smile somewhat made my heart skip a beat. Tinamaan na. Bakit ba kasi nagkakaganito ako. Ngiti lang naman iyon pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Pinagbuksan nya ako ng pinto at ipinaghila ng upuan. Gentleman pa rin talaga itong si Gab.

"Ako na ang oorder." Pagpiprisinta nito. Ni hindi man lang ako tinanong kung anong gusto ko. Hmp.

Habang naghihintay, may dalawang batang lumapit sa tapat ng table ko sa labas. Gusgusin sila at tila gutom na gutom. My heart poured to them. Kaya naman niyaya ko silang pumasok sa loob. Sinita pa sila ng guard pero sinabi kong kasama ko sila. Pina-upo ko sila.

Nilapitan ko si Gab na kasalukuyang umoorder na sa counter.

"Dagdagan mo pa ang inorder mo. Good for two more persons, ok?" seryosong sabi ko sa kanya bago bumalik sa upuan namin.

Nang bumalik na sya dala ang mga pagkain, he automatically bend his knees and gave the two children some ice cream. He patted the little boy's head at bigla parang naglaho lahat ng sama ng loob ko kay Gab. Gab is really sweet and caring, I can attest to that. Isa sya sa napakabuting tao na nakilala ko. At isa pa, sa tangkad niyang iyon, he's so cute seeing him in his position.

"You're smiling." Bulong nya sa tenga ko na ikinagulat ko. "You are more beautiful when you smile, Aira." At umupo na sya sa tapat ko.

Hindi ko naman maiwasang mamula dahil sa sinabi nya. Pakiramdam ko nagwawala na naman ang puso ko at pilit na kumakawala sa dibdib ko. I hate it when he does that. Hindi ko kasi magawang maitago ang nararamdaman ko.

"Aira, eat your food." Saka pa lamang ako natauhan at nag-umpisang kumain. Inalalayan rin namin sa pagkain ang dalawang bata. Natutuwa ako kasi Gab is being playful with them.

Nang matapos na kami, Gab gave some cash to the two children. Natutuwang nagpasalamat ang mga bata sa amin at nagtatakbo paalis.

Tahimik kami habang nasa byahe pauwi. Hindi na rin naman nya ako kinulit. Nang makarating kami sa bahay, inihatid pa nya ako hanggang sa pinto.

"Thank you for today, especially kanina." Sabi ko. I look at him in the eye. "And thank you for being good to those kids."

"I'm glad na napasaya kita Aira." He said sincerely. "I will do that from now on, para lagi kong nakikita ang mga ngiti mo."

Napaubo naman ako bigla sa sinabi nya. Ang galing talaga bumanat ng isang to. Palagi akong pinapakilig.

"Ahm, sige. Kita na lang tayo bukas." Sabi ko at tinalikuran na sya. Pero bigla nya akong hinila kaya bumagsak ako sa dibdib nya.

He hugged me tight.

"I'm sorry for the pain I've caused you Aira." Dinig na dinig ko ang bilis ng tibok ng puso nya. OMG, hindi lang pala ako ang nakakaramdam ng ganoon. "Babawi ako sa'yo, kahit araw-araw pa. Papasayahin kita at hindi kita sasaktan. Just let me stay beside you, princess."

Hindi ko napigilang mapaluha dahil sa sinabi nya.

"Hey, don't cry." At hinawakan nya ang mukha ko. Tiningnan nya ako. "I said I will not make you cry di ba? I will always be here for you. Let me love you Aira."

"What did you say?" tanong ko sa kabila ng pag-iyak ko.

"I said let me love you." Pag-uulit nya. "Yes, Aira. I loved you and I still do. Hindi nawala iyon. Sa kabila ng lahat ng nangyari, ikaw pa rin. Kaya sana hayaan mo akong mahalin ka pa lalo.

Pinunasan ko ang mga luha ko. Tiningnan ko sya at mukhang naghihintay ng sagot ko. Ngumiti ako. Then I grab him and kissed him. Ibinuhos ko lahat ng damdamin ko sa halik na iyon. Hindi naman nya ako binigo at ginantihan ang halik ko. That is the sweetest kiss ever.

Kapwa kami naghahabol ng hininga matapos ang matamis na halik na iyon. Muli nya akong niyakap.

"I love you too Gab." Pag-amin ko. "Hindi ko alam kung paano nangyari pero naramdaman ko na lang na hinahanap-hanap na kita noong high school tayo. I missed your sweet gestures and your cooking. Even when you left, hindi nawala ang pagmamahal ko sayo."

Naramdaman kong lalong humigpit ang yakap nya sa akin.

"You made me the happiest man alive, princess." Hinalikan nya ang buhok ko. "And I 'll make you happy for the rest of our lives."

All This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon