Chapter 20

65 4 0
                                    

Sweet Beginnings

Gab's POV

Halos hindi ko na bitawan si Aira. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko matapos naming aminin sa isa't isa ang feelings namin. At dahil sa saya ko, hindi ako agad nakatulog. Inisip ko na ang mga pwede namin gawing dalawa. Tutuparin ko ang pangako ko na papasayahin ko sya araw-araw.

Kaya naman kina-umagahan, sinurpresa ko sya ng sunduin ko sya sa bahay nila.

"Good morning princess." I kissed her. "Flowers for the lovely lady."

Nakita kong sumilay ang napakagandang ngiti sa labi nya.

"Thank you hon." At inamoy nya ang bulaklak.

Nang dumating kami sa school, agad kong hinawakan ang kamay nya. Ang dating maiingay na estudyante sa may gate ay tumahimik. Hindi ako nakuntento at inakbayan ko pa si Aira.

"I want to show the world that finally, you're mine. For real." Bulong ko sa kanya at muli na namang nagkulay kamatis ang mukha nya. Hindi ko tuloy napigilan ang mapatawa.

Hinampas naman nya ako.

"Kainis ka talaga." Sabi nya na hiyang-hiya.

"What?" At hinalikan ko sya sa pisngi. "I like it when you blush."

"Gabriel!" saway nya sa akin. "Nasa school tayo, be discreet ok?"

"Hahaha.. as you wish my princess." At nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Nakasalubong namin sina Chris, Mark at Kyle.

"Wow! Ang aga-aga naglalampungan ang love birds ah." Pang-aasar ni Kyle. Naghigh-five kami.

"Gab, sinabi mo na sa kanila?" tanong saken ni Aira.

"Not yet, but I will say it now." Sagot ko. "Guys, Aira and I are engaged. We'll be married next month."

"Dude, you're the man." Sabi ni Mark at tinapik si Gab. "Ang bilis mo ha."

"Ulol, hahaha." Sabi ko at binatukan sya. "Sya naman kasi talaga. Medyo nagkaproblema lang along the way but finally we've reconciled. Right, princess?"

Kiming napatango si Aira.

"Congrats, bro." bati sa akin ni Chris. "I'm sorry for what happened yesterday."

"No, bro." sagot ko "Ako ang dapat humingi ng pasensya. I shouldn't have acted that way."

"Oh, tama na ang drama." Singit ni Kyle. "Party mamaya! Let's celebrate."

"I don't think I can come." Bawi ko. "Alam nyo na, kailangan ko pang bumawi sa future wife ko."

Todo asar saken ang mga kaibigan ko. Natutuwa ako kasi maayos nilang natanggap ang binalita namin especially Chris. Lalake ako at alam kong hindi lang basta kaibigan ang turing nya kay Aira.

Matapos ang klase namin, nagpasya kami ni Aira na gumala muna.

"Bakit hindi ka sumama sa kanila?" tanong saken ni Aira.

"Didn't you hear what I said earlier? Babawi pa ako sayo." At nginitian ko sya.

"Sus, ano na naman ba kasing plano mo Mr. Gabriel Mendoza?" pang-aasar nya sa akin.

"You'll see." I grinned at her.

Pinagpatuloy ko ang pagdadrive. Sinekreto ko talaga kay Aira kung saan kami pupunta. Gusto ko syang masorpresa.

Aira's POV

Saan naman kaya ako dadalhin nitong mahal ko? Wala man lang sinabing hint. Napansin ko na lamang na ipinasok nya ang sasakyan nya sa isang napakalaking gate. Sa loob nito ay isang malawak na farm. Sa gitna ay nakalinya ang naggagandahang puno at sa dulo nito ay isang napakalaking bahay.

Nang bumaba kami, namangha lalo ko nang makita ko sa malapitan ang bahay. Napakaganda ng disenyo nito. Halos gawa sa mamahaling kahoy ang kabuuan ng bahay. Vintage-type. Nang pumasok kami sa loob, maging mga mwebles ay gawa rin sa mamahaling kahoy.

"Ang ganda naman dito hon." Hindi ko talaga maitago ang pagkamangha.

Niyakap nya ako mula sa likuran.

"This will be our home, princess." Bulong nya sa tenga ko. Nakaramdam ako ng kakaibang damdamin dahil sa ginawa nya. Iniharap nya ako sa kanya at tinitigan sa mata.

"Matagal ko nang pinaghandaan ito. Ibinawas ko sa inheritance ko ang pagpapagawa ng bahay na ito." Paliwanag nya. "Akala ko nga masasayang lang ang pagpapagawa ko nito kasi akala ko hindi tayo magkakatuluyan."

I smiled warmly at him.

"Natouched naman ako hon." Sabi ko. "I can't believe na may bahay na pala agad tayo."

"Paano ka naman matatouch princess, eh wala pa naman akong ginagawa?" nakangising sabi nito at hinigpitan ang yakap sa akin.

Pinanlakihan ko sya ng mata.

"Gabriel Mendoza!" saway ko. "What are you thinking?"

Pero hindi na ako naka-angal dahil sinakop na nya ang labi ko. Napakalalim ng halik nya. Hindi katulad ng mga pinagsaluhan namin dati. Unti-unti akong nanghina kaya naman napahawak na ako sa batok nya. Sinubukan kong gayahin ang ginagawa nya. Naramdaman ko namang napangiti sya sa ginawa ko.

Mas lalo pa niyang nilaliman ang paghalik sa akin. He kept on urging me to open my mouth but I won't. Kinagat nya ang ibabang labi ko dahilan para maibuka ko ang bibig ko. That's what he's waiting for and finally entered his mouth to mine.

Hindi ko napigilan ang mapaungol sa ginawa nya.

Naramdaman ko na iniangat nya ako at binuhat papunta sa kung saan. Nadama ng likod ko ang malambot na kama. Patuloy pa rin sya sa paghalik sa akin.

"I..I'm sorry, princess." At lumayo sya sa akin. "Muntik na akong makalimot."

Mamula-mula pa ang mukha ko dahil sa nangyari. Bigla ay para akong nahiya sa kanya kaya naman nilapitan nya akong muli at niyakap.

"Don't be scared. I shouldn't have done that." Habang mahinahon akong pinapakalma. His voice is so tender. I feel so safe being wrapped in this man's arms.

"I'm not scared. It's okay, I understand." Mahina kong sagot. "I love you Gab."

All This TimeWhere stories live. Discover now