Chapter 21

102 2 2
                                    

Shocking Truth

Aira’s POV

Days passed by quickly. Ganito ba talaga kapag inlove? Bakit parang ang bilis-bilis lumipas ng panahon lalo na kapag kasama ko si Gab. Gustong kong lagi syang nakikita, nakaka-usap at nakakasama. Hind kumpleto ang araw ko kapag di ko sya nakikita o di kaya’y naririnig ang boses nya.

“Buti hindi ka ginugulo ni Jenny.” Sabi nya minsan habang kumakain kami sa school cafeteria. Nakita kasi namin si Jenny na matamang nakatingin sa amin.

“Sa tingin ko naman, tanggap na nya. At isa pa, kung talagang guguluhin nya ako, sana dati pa di ba?” kalmado kong sagot. Totoo naman ang sinabi ko. Sa tingin ko, hindi gagawa ng kahit ano si Jenny. Nakikita ko rin sa mga mata nya ang lungkot at hindi galit.

“Basta kung sakaling may manakit o mang-api sa’yo, sabihin mo agad sa akin.” Muling paalala nito.

“Yes, boss.” At nginitian ko sya.

“Boss ka dyan. You are my boss. And am your slave.” At kinuha nito ang kamay ko at hinalikan.

Agad ko namang binawi ang kamay ko.

“Aba, Mr. Mendoza, baka nakakalimutan mong nasa school tayo. Sa canteen to be exact kaya pwede po ba, medyo behave ka muna?” saway ko sa kanya.

Nginisian lang nya ako.

“Grabe, bakit ba ang daming langgam dito?” narinig namin sa likuran. Nakita naming puro mga nakangisi ang mga kaibigan ni Gab na sina Mark, Kyle at Chris. Si Kyle pala yung nagsalita kanina.

“Baka masyado na kayong pinapapak ng langgam ha? Easy lang.” pang-aasar naman ni Mark.

“Mga gago! Umayos nga kayo.” Natatawang binatukan ni Gab ang dalawa.

“Pagpasensyahan mo na lang yung dalawang kumag na yun.” Sabat naman ni Chris sabay hila ng upuan sa tapat ko.

“Oh, pare. Taken na yan. Humanap ka ng iba dun. Ayun oh, madami sa kabilang table.” Litany naman ni Gab.

“Woah, chill man. Hahaha..Sira ka talaga. Hindi ko aagawin ang future wife ng bestfriend ko ano.” Depensa naman ni Chris.

Matapos ang magulong breaktime, pumunta na kami sa mga susunod pa naming klase. At dahil nagkukulitan pa rin ang apat, na-late tuloy kami ni Gab. Ang resulta, pinarusahan kami sa pamamagitan ng paglilinis ng gym at swimming pool. Ang bait di ba? At dalawa lang talaga kaming gagawa ng lahat ng iyon. Hindi kaya biro ang maglinis lalo na at Olympic size na swimming pool at gym na may 4 na court ang lilinisin mo. OMG. Goodluck sa amin ni Chris.

All This TimeOnde histórias criam vida. Descubra agora