Chapter 9

55 2 0
                                    

No Second Chance

Gab's POV

Naalala ko ang lahat ng nangyari kagabi. Naglasing ako. Dumating sina Chris at Jenny para iuwi ako. Pagdating sa bahay, naaninaw kong bukas pa ang ilaw sa kwarto ni Aira at nakita kong nakatingin sya sa amin sa bintana. Kaya naman naisipan kong halikan si Jenny. Sinadya kong tagalan para makita nya. Hindi naman tumanggi ang girlfriend ko.

Napangisi ako ng nakita kong nagtago sya. Buti nga sayo. Akala mo ha. Alam kong hinihintay nya kung uuwi si Jenny, kaya naman pinaki-usapan ko si Jen na dun na magpalipas ng gabi. Inasikaso nya ako at natulog na kami.

Kinaumagahan, nasa terrace kami at nag-aalmusal. Doon ko talaga pinahanda ang pagkain. Hinihintay kong magising si Aira. Malapit nang magseven am kaya I'm sure gigising na yun. Yun palagi ang oras ng gising nya.

Niyakap ko si Jenny. Hindi ako nagkamali at nakita ko na namang nakatingin sa amin si Aira. Napangisi ako ng lihim. Pero nagulat ako ng bigla syang nawala at narinig ko ang sigaw nya. Kaagad akong tumakbo sa bahay nila at dere-deretso sa kwarto nya. Nakita ko syang hindi makatayo mula sa pagkakabagsak.

"Aray ko." Napangiwi sya sa sakit.

Inalalayan ko sya sa pagtayo. Halatang nagulat sya.

"Gab?!" bulalas nya. At bigla syang umiyak. Hindi ko naman inaasahan na iiyak sya.

"Why Gab?" patuloy ako sa pag-iyak.

Naguluhan ako sa sinabi nya.

"Ano bang pinagsasasabi mo dyan?" angil ko. "Ano? Nasaktan ka ba?"

Hindi sya umimik at tahimik lang na umiyak.

"Hindi ko kasalanan kung bakit nagkaganyan ka." Pagpapatuloy ko. "Oh baka naman nagseselos ka? Ha? Nagseselos ka sa amin ni Jenny? Tss..Next time kasi, mind your own business."

At iniwan ko na sya.

Hinding-hindi nya ako madadaan sa kakaiyak nya. Kung dati, wala syang awa, pwes mas wala akong awa ngayon.

Aira's POV

Hindi na yata talaga ako mapapatawad ni Gab. Ang laki na ng pinagbago niya. Kasabay ng pagbabago ng istura nya ay ang pagbabago ng ugali nya.

Hindi ko alam kung kaya ko pang tanggapin ang mga sinasabi nya sa akin. Alam ko naman na malaki talaga ang nagawa kong kasalanan sa kanya, pero hindi ko na ba talaga mabubuksan ulit ang puso nya?

How I wish the same old Gab would return. The sweet Gab, the thoughtful Gab, the loving Gab.

I'm stupid kasi pinakawalan ko pa sya. Bakit ba kasi ang sama ng ugali ko dati? Hay naiinis talaga ako sa sarili ko. Tatanggapin ko na ba na huli na ang lahat para sa amin?

Dalawang araw akong hindi nakapasok kasi nahihirapan pa akong ilakad ang paa ko. Dinadalaw naman ako ni Chris sa bahay na talagang ikinagulat ko. Ang sabi naman nya, concerned lang daw sya saken.

Pinilit kong pumasok sa ikatlong araw. Masyado na akong maraming namimiss na lesson. Baka mahirapan ako pag nagkataon. Medyo naiilakad ko na ang paa ko. Yun nga lang, sobrang bagal ko maglakad.

"Oh Aira, pumasok ka na pala?" bati saken nina Kyle. Kasama nya sina Mark at Chris.

"Bakit pumasok ka na?" tanong naman ni Chris habang inaalalayan ako. "Sigurado ka bang kaya mo na?"

"Ah, Chris ok lang ako." Habang tinatanggal ang kamay nya sa pag-alalay saken. "Salamat nga pala ulit sa'yo ha."

"Wala yun, basta ikaw." Sabi ni Chris.

"Kayong dalawa ha?" si Mark at inakbayan kami ni Chris. "Baka kung ano na yan ha."

"Tumigil ka nga dyan Mark." Saway ni Chris.

"Ano pang ginagawa nyo dyan?" napalingon kaming lahat sa nagsalitang si Gab. Medyo nagulat ako kasi kasama nya ang girlfriend nyang si Jenny. Todo naman ang paglingkis nito kay Gab. "Papasok ba kayo o tatambay na lang dyan? Malapit nang magstart ang klase."

Nauna na syang naglakad at nilampasan kaming lahat.

"Ang init na naman ng ulo ng taong yun." Puna ni Kyle. "Pano Aira, alis na rin kami."

Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nakarating sa classroom namin. Hindi naman pumayag si Chris na hindi ako samahan. Baka daw kasi matumba ako at walang tumulong saken. Medyo OA din pala ang isang ito.

"Salamat Chris. Sige na baka malate ka sa klase mo." Sabi ko at pumasok na sa classroom.

Nakita kong nakaupo na si Gab sa upuan nya. Ni hindi man lang ako nilingon. Hay grabe talaga ang taong ito. Masyadong cold.

"Class, I hope hindi ninyo nakakalimutan ang research work na pinapagawa ko sa inyo." Pag-uumpisa ng professor. "I want to see your drafts today."

Naku patay! Wala pa kaming nagagawang draft, kahit topic wala pa rin kami. Si Gab kasi ayaw makipagcooperate eh.

"Ahm, Gab?" pinilit kong kausapin sya. "Wala pa kasi tayong kahit ano, kahit topic. Paanong gagawin natin?"

Ang talim ng tingin nya saken.

"Bakit ako ang tinatanong mo?" galit na naman sya. "Di ba sabi ko sayo bahala ka na? Hindi kita tutulungan. Bahala kang gumawa ng paraan."

Wala ba talagang pakialam ang isang to? Kahit hindi na tungkol sa amin, kahit sa grades na lang nya.

Wala akong nagawa kundi ang gumawa ng mini research on the spot. Ginamit ko na lang ang stock knowledge ko.

I decided to choose the topic about one's first love. Alam ko medyo generic at common ang topic na iyon, pero isang tao lang kasi ang naisip ko tungkol sa bagay na iyon. At unti-unti akong lumingon sa katabi ko na ngayon ay nagbabalak na namang matulog sa klase.

I quikly wrote all the things I know about my topic. Mostly, binase ko sa sarili kong experience. And then, the professor instructed us to pass our work. Isa-isang binasa ng professor namin ang mga ginawa ng bawat grupo.

Napansin kong nagbago ang ekspresyon ng mukha nya habang binabasa ang ginawa ko.

"Mam, bakit po para kayong nalungkot?" tanong ng isa kong classmate.

"Eh kasi itong topic nina Ms. De Jesus at Mr. Mendoza, I can really relate to this." At maluha-luha pa syang tumingin ulit sa hawak na papel. "It's about loving someone all your life, and then realizing that there is no second chance for the both of you."

Sa sinabing iyon ng professor namin, nakita kong dahan-dahang inangat ni Gab ang ulo nya. Tumingin sya sa prof namin. Napakaseryoso ng mukha nya.

"Tama, there's really no second chance." Hindi nya inaalis ang tingin nya kay mam pero parang sa akin nya sinasabi ang mga katagang iyon.

"I know." Marahan kong sagot at napayuko na lang.

All This TimeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora