Chapter 2

70 2 0
                                    

Remembering him

Aira’s POV

Sigurado ako. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Gab talaga yun. Grabe, ibang-iba na sya. Ang itsura nya nagbago na, maging ang ugali nya.

Eh ang nararamdaman nya, nagbago din kaya?

Napailing ako bigla. Ano ba naman ang iniisip ko. Syempre nagbago na rin ang feelings ni Gab. 3 taon ko din siyang hindi nakita.

Ako nga pala si Aimee Raziel de Jesus. Aira for short. Unica ija ni Jose Miguel de Jesus. Bata pa lang ako, wala na akong mommy kaya si daddy na lang ang kasama ko ngayon. Hindi kami kasing yaman tulad nina Gab pero may kaya rin kahit papaano ang pamilya ko.

I was once a spoiled-brat. What Aira wants, Aira gets. Yun ang rule ko sa buhay ko dati. Pero iba na ngayon. Nagbago na lahat, nagbago na ako at dahil iyon sa isang lalakeng nagngangalang Gab.

Flashback

I first saw him during my mom’s wake. I was so lonely back then and being the only child I was, nagalit ako sa lahat, sa mundo dahil sa pagkawala ng mommy ko.

Nilapitan nya ako para sana icomfort at makipagkaibigan pero dahil masamang-masama ang loob ko ng mga panahong iyon, sa kanya ko naibuhos lahat.

I even said that I hated him.

Nalaman ko na sina Gab ang nakabili ng bahay at lote katabi ng bahay namin. Nang nalaman naman ni Gab na magkapit-bahay kami, dun na sya nagsimulang mangulit.

“Hi, Aira.” Bati nya sa akin isang araw. “Gusto mo bang sumama? Magbibake kami ni mommy ng cake.”

“Umalis ka nga sa harap ko.” Mataray kong sabi sa kanya pero hindi sya natinag. “Ayaw ko ng cake.”

“Sige na, sama ka na.” pangungulit niya. “Masarap magbake ng cake si mommy.”

“Sinabi ng ayaw ko eh, bakit ba ang kulit mo?!” At akmang isasara ko na ang gate. “Umalis ka na nga dito.”

Naalala ko si mommy kasi magaling din syang magbake. Lalo akong nainis kay Gab dahil parang sinasadya niyang ipaalala saken na wala na akong mommy.

“I really hate you.” Sigaw ko at ibinagsak pasara ang gate namin. Nagtatakbo ako sa may tree house sa likod ng bahay namin at doon umiyak.

Bagsak ang mga balikat na bumalik sa kanilang bahay si Gab. Nang makauwi sya, naisipan niyang pumunta sa likod ng bahay nila. At doon nya narinig ang pag-iyak ni Aira.

Muli siyang nalungkot dahil alam niyang kasalanan na naman nya kung bakit nagkaganon ang dalagita. Gusto lang naman kasi nyang mapalapit dito.

“Aira, may binili akong bagong mga dvds.” Masayang bati saken ni Gab. “Tara, panuorin natin.”

Inirapan ko lang si Gab. Pero patuloy pa rin ito sa pagyaya saken. Highschool na kami sa parehong eskwelahan.

“Sige na.” pilit nya akong hinabol. “Sabi nung saleslady maganda daw itong mga movies na ito.”

“Bakit ba ang kulit mo ha?!” hindi ko na napigilan at sinigawan ko sya. Sobrang kulit kasi. “Pwede ba tigilan mo na nga ako.”

“Baka kasi nalulungkot ka dyan sa inyo.” Deretsong sabi ni Gab.

“Eh ano naman sayo kung nalulungkot ako aber?” mataray kong sagot. “Huwag mo na nga ulit akong kakausapin.”

“Ayaw ko kasing nalulungkot ka.” At may lungkot sa matang umalis sya.

End of Flashback

“Miss de Jesus!” sigaw ng professor saken. “You’re late!”

Naku, patay. Dahil sa kakaisip ko di ko namalayan na bumagal ang paglalakad ko, nalate tuloy ako.

“Unang araw pa lang ng pasukan, ganyan ka na.” patuloy nitong sermon. “Kabago-bago mo. Hala. Doon ka maupo sa likod.”

Lumingon ako kung saan ako pwedeng maupo. Ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko ng nakita ko si Gab. Tila bagong gising kasi nag-iinat pa. Wala ng ibang bakanteng upuan maliban sa tabi nya. Kaya naman wala akong choice kundi ang maupo doon.

Ni hindi man lang nya ako nilingon. Baka hindi nya ako nakilala. Kasi kanina noong nabunggo ko sya sa hallway, hindi man lang sya sumagot nung tinanong ko kung sya nga si Gab. Baka talagang di lang nya ako nakilala.

Iba na kasi ang itsura ko. Kung noong highschool, fashionista ako at palaging mamahalin ang mga gamit at damit, ngayon puro simple na lang ang kasuotan ko. Hindi na ako maluho katulad ng dati.

“Huwag kang tumingin dito kasi wala sa mukha ko ang lesson.” Biglang sabi nito sa akin pero hindi naman ako tiningnan.

Ang sungit at ang cold nya. Dahil ba saken kaya sya nagkaganito?

Hay. I’m really sorry Gab.

All This TimeWhere stories live. Discover now