Chapter 14

54 3 0
                                    

Comfort

Aira's POV

Hindi na ako pinauwi ni Gab. Late na kasi at wala pa si daddy kaya ipinagpaalam niya na doon na lang daw muna ako matulog sa bahay nila. Wala na rin akong nagawa kasi pumayag si dad.

Tinuro nya sa akin kung saan ako matutulog. Sa guest room katabi ng kwarto nya.

Pwede bang doon na din ako room mo Gab? Agad kong pinilig ang ulo. Nababaliw na yata talaga ako at kung ano-ano na ang iniisip ko.

"May connecting door ang CR ng mga kwarto natin. Kaya kapag may kailangan ka, katukin mo na lang ako sa kabila." At saka pumasok sa kwarto nya.

Hay Gabriel. Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa lahat ng ito. Ang alam ko galit ka saken pero wala akong mabakas na galit sa lahat ng pinapakita mo sa akin ngayon.

Nahiga ako sa kama. Saka ko pa lang naramdaman na parang pagod na pagod ako. Dahil na rin siguro sa lahat ng nangyari sa buong araw.

Naalala ko na naman ang halik nya at ang sinabi nya kanina. Kaya naman nakatulog ako ng may ngiti sa labi.

Gab's POV

I can't believe na lahat ng ito ay mangyayari pa. Imagine, the girl that I once loved and hated is sleeping in the room next to mine. Heaven must be crazy.

Hindi ako agad dinalaw ng antok. Maya't maya kasing bumabalik sa akin ang eksena kanina sa may living room. The moment that I kissed Aira, the softness of her lips.

Napabangon ako ng wala sa oras. Ano ba naman itong naiisip ko. What a dirty mind you have there Mendoza. Kastigo ko sa sarili ko. Pinilit kong matulog pero nabigo ako. Kaya naman bumaba na lang ako para uminom ng gatas. I know it's lame pero nasanay na ako, isa pa it's healthy.

Umakyat na ako matapos uminom ng gatas. Papasok na sana ako sa kwarto ko pero natigilan ako sa narinig ko. Parang boses ni Aira iyon. Lumapit ako sa pinto ng kwarto nya at idinikit ang tenga ko ko roon. Muli kong narinig ang boses nya.

"Aira, are you okay?" tawag ko. Hindi sya sumagot. Kinatok ko ang pinto pero hindi nya pinagbuksan. Nang narinig ko ulit ang boses nya, kinabahan na ako kaya napilitan akong pumasok na lang basta sa kwarto nya.

And there I saw her. She was curled up and her face looks as if she was asking for help.

"Mommy." Muling sabi nya. "Please, huwag mo akong iwan. I'm a good girl now. Di na ako maldita kay Gab."

Then I saw tears falling from her eyes. Nilapitan ko sya para sana gisingin kaso muli syang nagsalita.

"Mom, thank you for leading me back to Gab." Narinig ko muling bigkas nya sa pangalan ko.

"Aira, hush now." Dahan-dahan kong hinaplos ang likod nya. Napansin ko rin na pinagpawisan sya kahit nakabukas ang aircon. Kaya kumuha ako ng towel para punasan sya. Muling naging panatag ang paghinga ni Aira, senyales na mahimbing na muli itong nakatulog.

Makalipas ang ilang sandali, nagpasya na akong bumalik sa kwarto ko. Tatayo na sana ako kaso ang higpit ng hawak nya sa kamay ko. Kaya pinili ko na lang manatili sa tabi nya at bantayan sya.

Aira's POV

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Una kong napansin ang kakaibang disenyo ng kisame at dingding kaya alam kong wala ako sa sarili kong kwarto. Saka ko lamang naalala na pinatulog nga pala ako ni Gab dito sa bahay nila.

Nakaramdam pa ako na parang may kung anong mabigat sa may tyan ko at ganon na lamang ang gulat ko ng makita kong kamay pala iyon ni Gab. Nakaupo sya sa tabi ng kama habang hawak ko ang kamay nya.

Syet, bakit sya dito natulog? Ano bang nangyari kagabi? Kawawa naman sya kasi hindi kumportable ang posisyon ng pagtulog nya.

Maingat kong binitiwan ang kamay nya pero naalimpungatan pa rin sya. Pupungas-pungas na nag-inat sya.

"Gising ka na pala?" at lumapit sa akin. "Good morning." Isang matamis na ngiti ang ibinigay nya sa akin kaya heto na naman ang puso ko at nagwawala sa kilig.

"Ah, good morning." Alanganing ngiti ang binigay ko sa kanya. "Bakit dyan ka natulog? Di ka ba nahirapan?"

"Nope, I'm ok. Binantayan kita kaya dito na ako natulog saka ayaw mong bitawan ang kamay ko kagabi eh." Then he grinned at me.

"Ha? Ano kasi? Hindi ko alam na ginawa ko pala yun. Nananaginip kasi ako madalas kaya ayun, akala ko panaginip pa rin yung kagabi." Mahabang paliwanag ko at hindi makatingin sa kanya ng deretso.

Umupo sya sa tabi ng kama ko kaya napatingin na rin ako sa kanya.

"Aira, tell me." Seryoso na ang mukha nya at boses nya. "Palagi ka bang nananaginip ng ganoon?"

Napatango ako. I decided to tell him the truth.

"Since Mommy died." Sagot ko. "Hindi ko rin alam kung bakit ako nananaginip. Ang alam ko lang, nangyayari iyon everytime na may hindi magandang nangyari sa akin. I guess, that's my mother's way of telling me that she is always beside me and that she's watching over me." Malungkot kong pahayag.

Naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko.

"Don't worry. Ngayong nandito na ako, wala nang makakasakit sayo." He sounded so sincere and I can see it in his eyes. "I'm here to comfort you whenever you're lonely and hurt."

I know Gab. Because I'm just you're friend. Sa isipin iyon, hindi ko maiwasang malungkot.

All This TimeWhere stories live. Discover now