Chapter 3

63 1 0
                                    

Not the same

 

Aira’s POV

Natapos na ang klase namin at ni minsan hindi man lang ako kinausap or tiningnan ni Gab. Nalungkot ako kasi akala ko may pag-asa pang mapatawad nya ako.

“Dude, let’s go.” Tawag ng isang lalake kay Gab mula sa pinto. Pumasok na sila sa classroom kasunod ang dalawa pang lalake.

“Sige, andyan na.” at mabilis na inayos ni Gab ang mga gamit nya.

“Teka, ikaw yung nakabangga kay Gab kanina ah.” Sabi nung pangatlo. “Buti na lang talaga hindi ka napasubsob sa sahig. Ganda mo pa naman. I’m Chris by the way.”

Naglahad sya ng kamay. Tatanggapin ko na sana kaso humarang si Gab.

“Gutom na ako. Tara sa canteen.” Sabi nito sa mga kaibigan at nauna na sa paglalakad. “At huwag nga kayong kumausap ng kung sino-sino dyan.”

Aray. Parang medyo masakit yata yun ah.

“Ok, my treat.” Sabi ng isang kaibigan nya.

“See you around miss.” At kumaway pa saken yung Chris.

Grabe naman ang araw na to. Hindi ko talaga akalain na makikita ko ulit si Gab at magiging kaklase ko pa at katabi. Hay, tadhana nga naman.

Alam kong masama pa rin ang loob sa akin ni Gab. Tanggap ko naman iyon. Pero hindi ko talaga alam kung paano ko sya pakikitunguhan lalo na ngayon.

Gab’s POV

Talagang naging kaklase ko pa ang babaeng iyon. Hay naku. Pero mabuti na rin iyon, mas madali para saken ang makaganti sa kanya.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan ang sakit na dinulot nya saken. Sa sobrang lalim, kahit sino hindi makapenetrate sa puso ko. Ganon katindi ang pagkamuhi ko sa kanya.

Ngayong nagbalik sya, ipapadanas ko sa kanya kung gaano kasakit ang ginawa nya dati.

Flashback

“Aira!” sigaw ko habang hinahabol sya sa hallway.

All This TimeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant