Chapter 25

55 1 0
                                    

Love and Music

Napanganga ako ng unti-unting tumunog ang mabining musika. Gab is warmly staring at me. Naglakad ako papunta sa harap ng stage.

Hindi ko pansin ang ibang mga tao. Pakiramdam ko kami lang dalawa ni Gab ang tao doon sa mga oras na iyon.

I hear him cleared his throat as if preparing to sing.

There are times

When I just want to look at your face

With the stars in the night

There are times

When I just want to feel your embrace

In the cold of the night

I just can't believe that you are mine now

Napakalamig ng boses nya. Bawat katagang binibigkas nya ay tumatagos sa akin.

He was looking straight into my eyes. Damang-dama ko ang emosyon nya sa kanyang pagkanta.

You were just a dream that I once knew

I never thought I would be right for you

I just can't compare you with anything in this world

You're all I need to be with forevermore

Unti-unting namasa ang pisngi ko. Tears flow like a river. Tears of joy, happiness and love.

Napansin ko na tila naluluha na rin si Gab. Saka ko naman naalala na may mga bisita pala sa paligid. Nilingon ko sila. At katulad ko, naiyak din sila dahil sa ginawa ni Gab.

Agad kong pinunasan ang mga luha ko nang makita kong tapos na sa pagkanta si Gab.

"I'm one hell of a lucky guy to have you as my future bride. You're the most amazing blessing that I have received from God." he claimed while walking towards me.

Sinalubong ko naman sya ng isang malapad na ngiti. I immediately give him a very tight hug nang nakalapit na sya sa akin.

"That was very sweet of you. Thank you for the song hon." bulong ko sa tega nya.

"I believe I deserve a reward." he grinned and before I knew what he was going to do, he was already kissing me passionately.

Narinig ko na nagpalakpakan ang mga bisita. Isang impit na sigaw ang pinakawalan ko nang bigla akong binuhat ni Gab. Inikot-ikot pa nya ako. Nagtawanan naman ang mga kaibigan namin.

"Picture! Picture!" sigaw ni Kyle. Kaya naman sumugod sila sa amin ni Gab at pumuwesto para makunan ng picture.

Napawi ang ngiti ko nang makaramdam ako ng matinding sakit sa ulo ko. Agad kong hinawakan ang sentido ko. Parang binibiyak.

"Princess, are you ok?" tanong sa akin ni Gab. Lumingon din sa akin ang mga kaibigan namin. Natigil ang picture-taking.

"Aira, namumutla ka. Ok ka lang ba?" tanong ni Chris.

Pinilit kong ngumiti.

"Oo, ayos lang ako. Nahilo lang siguro ako sa pag-ikot sa akin nitong si Gab." at hinampas ko ang braso nya.

Natawa na naman sila.

"Buti pa, iuwi na kita. Masyado ka na yatang napagod." mungkahi ni Gab.

Tumango ako sa pagsang-ayon. Ayaw ko mang umuwi dahil masisira ang party, wala akong nagawa kasi once na sinabi ni Gab na kailangan kong magpahinga, dapat gawin ko yun.

Inihatid nya ako sa bahay matapos magpaalam sa mga bisita at sa mga magulang namin. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Naroon na ako sa kwarto ko nang magising ako kinabukasan.

Naalala ko ang mga nangyari kagabi kaya hindi ko napigilan na kantahin ang kinanta ni Gab.

All This TimeWhere stories live. Discover now