Chapter 1

91 2 0
                                    

First Day

Gab's POV

"Shit!" bulalas ko. Napabangon tuloy ako ng wala sa oras. "Bakit ba napapanaginipan ko pa ang eksenang iyon?"

"Hon, what's wrong?" tanong ng babaeng katabi ko ngayon, ang aking current fling na si Jenny.

"Wala iyon. Matulog ka na." at sinunod naman siya ako.

Hindi na ako nakatulog ulit. Naisipan ko na lang bumaba at magexercise. Routine ko ito araw-araw. Sinisigurado kong walang mintis ang exercise ko. I do this to maintain my body. Hindi naman kalakihan ang katawan ko but I'm fit. Ginawa ko ito para wala na syang masabi.

At bigla akong napailing. Bakit ba at yun na naman ang naiisip ko?

"Hay makapagkape na nga lang." at nagsimula na akong magbrew ng coffee sa coffeemaker.

Ako nga pala si Joseph Gabriel Mendoza, 20 years old, gwapo at mayaman. Anak ako ng isa sa pinakasikat na business tycoon sa bansa.

"OMG! Nandyan na si Gab!" sigaw ng isang estudyante sa may harap ng gate. Maya-maya pa, napuno nang babae ang harap ng gate ng university na pinapasukan ko.

"Grabe, ang gwapo talaga nya!" sigaw pa ng isa.

"Shet, lumingon sya saken!" sabat naman ng isa pa.

Nakita ko ang mga kaibigan kong sina Kyle, Chris at Mark. Tulad ko, gwapo at mayayaman rin ang ito. Si Kyle, anak ng pinakasikat na surgeon sa bansa. Si Chris, anak ng batikang lawyer at si Mark naman ang anak ng restaurateur.

"Ang gugwapo talaga nilang apat!" narinig ko na namang sigaw ng isang babae.

"Hindi ako nagkamali na dito ako nag-enrol." Komento ng isa pa.

"Dude, kumusta?" bati saken ni Kyle sabay high five. Tinugon ko naman iyon. It's our way of greeting each other.

"Teka, mukhang puyat ka ah." Komento ni Chris. "It's that dream again right?"

"Or baka pinuyat ka ni Jenny?" si Mark.

At nagtawanan na ang tatlo.

"Kung anu-anong sinasabi nyo." Binalewala ko ang mga tanong nila. "Pumunta na tayo sa class natin. First day pa naman."

Naglalakad na kami papunta sa classroom naming nang biglang...

"Aray!" hiyaw ko. May bumangga sa likod ko at muntik na akong matumba.

"Naku, I'm sorry." Paumanhin ng kung sino mang may kasalanan. "Hindi ko sinasadya. Nagmamadali kasi ako eh. Sorry talaga. Sorry."

Nakakunot ang noo ko. Paulit-ulit ang pagsorry nito at pagtungo. Ayaw ko pa naman sa lahat ay yung OA kung makapagsorry.

"Alis na." tipid kong sabi.

Pero laking gulat ko nang nakita ko kung sino ang taong bumangga saken. Agad kong iniba ang reaksyon ko. Sya naman ang nagulat.

"Gab?" nanlaki ang mga mata nya. "Is that really you, Gab?"

Hindi ko sya sinagot.

"Hey, pre." Sabat ni Mark. Nakalimutan kong kasama ko nga pala sila. "Ok ka lang? Miss, bakit ba kasi di ka nag-iingat?"

"Ah, naku pasensya na talaga kayo." Muling paumanhin nya. "Bago lang kasi ako dito at ayaw ko sanang malate sa unang klase ko. Kaso tinanghali ako ng gising."

"Sa susunod mag-ingat ka na." si Chris. "Sayang ang ganda mo kung nasubsob ka sa sahig."

"Tsk..Tara na. Malelate na rin tayo." At nauna na akong umalis.

It's really her.

Si Aira. Ang babaeng mahal ko este minahal ko.

Nakalipas na iyon at ayaw ko nang ulitin pa. Now that she's back, makikita nya kung sino ang bagong Gab.

All This TimeWhere stories live. Discover now