Chapter 28

40 1 0
                                    

For the best

I'm getting weaker everyday. Mas lalo akong nanghihina every time na iniinom ko yung gamot.

"Doc! Why is she getting worse? Tama ba ang pinapainom mo sa kanyang gamot?" galit na si Daddy.

Sinubukan ng doctor na ibahin ang gamot ko. Pero wala pa ring nangyari. Nagkaron lang ako ng rashes.

Nagbanta si Daddy na idedemanda nya si doktora pati ang ospital.

My Dad decided to transfer me to another hospital. Dahil hindi na gumagana sa akin ang kahit anong oral medication, the doctors decided to use injection.

Every few weeks ay tinuturukan ako sa muscles. Pero napakatinding sakit ang kaakibat ng treatment na ito.

The pain is very excruciating na minsan ginugusto ko na lang mamatay. Sina Daddy at Gab na lang ang pinagkukunan ko ng lakas.

Minsan gusto ko ng sumuko. Pero dahil pareho silang nagsusumikap na mapagaling ako, pinipilit kong kayanin ang sakit para sa kanila.

Tinurukan na naman ako ng gamot. Nakabantay lang sina Gab at Daddy. pero katulad ng palaging nangyayari, halos mamatay ako sa sakit.

Damang-dama ko ang paghihirap nina Gab at Daddy.

"Mr. de Jesus, I'm afraid your daughter's body is not responding to the treatment. Mas lumalala po ang kalagayan nya." the doctor explained. "I think we need to proceed with the transplant. The sooner, the better."

"What are the chances na gagaling ang anak ko matapos ang transplant?" tanog ni Dad.

"Kapag nakahanap po tayo ng donor, we will proceed with the operation. We will then monitor kung tatanggapin ito ng katawan nya." paliwanag ng doctor. "Most of the patients who have undergone this process have 80-90% of survival rate, Sir. We just need to find the proper donor."

Bumalik si Daddy sa kwarto kung nasaan ako. Kapwa kami napalingon ni Gab nang dumating sya.

"Gab, can I talk to you outside?" seryosong tawag ni Dad kay Gab. The latter nodded.

"Baby, just rest. We will talk for a while." he said and kissed my forehead.

Naghintay akong matapos sila sa pag-uusap. Hindi ako mapakali. I watched the clock as it ticks endlessly.

Maya-maya, bumalik na sila. Kapwa sila tahimik. Something's off. I can feel it.

"Are you guys, ok?" tanong ko.

Nag-iba ng reaksyon si Gab at nakangiting lumapit sa akin.

"Yes, baby. Everything's fine." he said. "Don't worry, malapit ka nang gumaling."

Napakunot ang noo ko.

"What do you mean?" tanong ko.

Nilingon nya si Daddy na agad namang lumapit sa amin.

"We will proceed with the liver transplant, anak." He slowly said.

Napakurap ako ng madaming beses.

"Transplant? Bakit Dad? Am I getting worse?" tanong ko ulit.

"It's the best solution, anak. Ayaw namin ni Gab na makitang nahihirapan ka pa." paliwanag nya.

"Pero saan tayo hahanap ng donor? Di ba mahirap makahanap noon?" I asked again.

Nagtinginan silang dalawa.

"Don't worry. We will find one, anak." he said and he gently squeezed my hand. "Just remember that this is all for the best, ok? It's for you."

All This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon