Chapter 18

59 2 0
                                    

She's Mine

Aira's POV

"Wala ka nang magagawa pa, princess." Muli itong nagsalita. "Sa ayaw at sa gusto mo, our wedding will take place next month, so be ready."

Pagkasabi noon ay lumabas na ito ng kwarto ko. Naiwan akong tulala pa rin at hindi makapaniwala. Nang mahimasmasan ako ay dali-dali akong nagpunta sa Daddy ko.

"Daddy!" napalakas ang sigaw ko. Masamang-masama kasi talaga ang loob ko. "Daddy! How could you do this to me? Totoo po ba ang sinabi ni Gab? Ipapakasal nyo ako sa kanya?

Naka-upo sya sa rocking chair sa terrace. Hindi man lang sya nagulat sa lakas ng boses ko. I guess he's expecting na magbuburst out ako ng ganito.

"Sit down, baby." Malumanay niyang sabi. Sinunod ko naman sya. "Ako ang nagpatawag kay Gabriel kaya sya nagpunta dito kanina. Ako rin ang nagsabi sa kanya tungkol sa kasal."

"Pero Daddy? Hindi naman namin mahal ang isa't isa." Masama pa rin ang loob ko. "Hindi ako magpapakasal sa kanya Dad." Gusto ko nang sabihin sana sa kanya ang ginawa ni Gab, kaso ayaw ko naman na masira si Gab sa Daddy ko.

"Kung ang iniisip mo ay dahil sa eksenang naabutan mo sa school laboratory nyo, then I already understand that." Sagot nya na ikinagulat ko naman. "Yes, ikunuwento nya sa akin ang nangyari. Iyon daw ang dahilan kaya hindi mo sya pinapansin at kinakausap. Anak, iniisip ni Gab ang kapakanan mo. Maging sya ay ayaw ring pumayag dahil alam nya na magagalit ka. But I insisted. Matanda na ako anak. Hindi habang-buhay ay nandito ako para alagaan at bantayan ka. Gusto ko bago ako mawala, maiiwan kita sa isang mapagkakatiwalaang tao at si Gab lang ang taong naiisip ko na makakagawa noon."

"Daddy, malaki na ako. I can take care of myself." Giit ko sa kanya. "Hindi ko naman kailangan si Gab. At isa pa, bakit ba kayo nagsasalita ng ganyan? It's as if iiwan nyo na ako eh. You know na hindi ko makakaya kapag pati ikaw nawala sa akin."

"Aira, anak. Matanda na si Daddy. You need to understand na hindi habang buhay ay nandito tayo sa lupa." He calmly explained. "Please pagbigyan mo na ako sa kahilingan kong ito. Promise me na pakakasalan ko si Gab. Wala na akong ibang taong naiiisip na maaari kong ipakasal sayo maliban sa kanya. I've seen that boy since he was little and I know na responsible at matino syang tao. Your engagement will commence in a week and the wedding will be next month."

Nanlumo ako. Mukhang hindi ko na mababago ang isip ni Daddy. At ito namang si Gab, pumayag agad. Paano na lang ang girlfriend nyang si Jenny? Kapag nalaman nya na ikakasal na sa akin si Gab baka lalong magwala iyon. Hay.

Hindi ako makatulog kinagabihan. Hindi ko pa rin lubos maisip na ikakasal na ako kay Gabriel. Yes, I love him. Pero dahil sa ginawa nya, natatakot na ako. Paano kung maulit yung nangyari kapag mag-asawa na kami? I cannot bear to see that again and feel that pain. Kaya naman nagplano ako magdamag kung paano ko mapapaback-out si Gab sa kasalan.

Gab's POV

Hindi ako makatulog. Everything happened so fast. Pero I admit na ikinatuwa ko lahat ng nangyari. I guess God is helping me. Imagine? Ikakasal na ako kay Aira, sa bababeng pinakamamahal ko. Kaso tama ako na hindi nya magugustuhan ang ideyang iyon. She's still mad at me for what happened. Ilang beses akong nagtangka na lapitan at kausapin sya, kaso talagang napaka-ilap nya. Todo iwas ang ginagawa nya saken sa school. At pag nasa bahay nila, hindi nya ako hinaharap.

Kaya naman ng sabihin ni Tito Miguel na gusto nya kaming ipakasal ni Aira, hindi ko mapigilan ang kasiyahan sa dibdib ko. Pero agad kong ipinaliwanag sa daddy nya na siguradong magagalit si Aira. Napilitan akong sabihin ang dahilan kung bakit ako iniiwasan ni Aira. Mabuti nang sa akin nya malaman kesa sa iba pa. Akala ko magagalit si Tito kapag nalaman nya pero naintindihan nya ako. Wala na daw syang maisip na pwedeng pagkatiwalaan kay Aira maliban sa akin. I feel honoured na ganon ang tingin ni Tito Miguel sa akin pero hindi ko nagawang tanggapin agad ang sinabi nya.

But he explained his reason to me. I was shocked. Kaya naman pumayag na ako at isa pa gusto ko rin naman ito. Ang problema ko na lang ay kung paano ko mapapapayag at mapapaibig si Aira.

Aira's POV

Tinanghali ako ng gising. Napuyat ako sa kakaisip ng plano para umayaw si Gab sa kasunduan nila ni Daddy.

"Aira!" tawag ni Chris sa akin ng makita akong pumasok sa school. Kasunod nya sina Mark at Kyle. As usual pinagkakaguluhan na naman sila. Nagtitilian na naman ang mga babae sa paligid.

"Hello sa inyo." Bati ko. Himala yata at wala ang lider nila. Teka, bakit ko ba hinanap ang unggoy na yun. "Pasabay ako papunta sa building ha?"

Tumango naman sila. Nagulat naman ako na biglang umakbay sa akin si Chris. Binalewala ko na lang kasi ganoon talaga sya. Nang malapit na kami sa classroom namin, nakita kong naka-abang sa may pinto sa Gab. Nakasandal sya doon at nang makita kami ay nakunot ang noo.

"Aira!" tawag nya sabay hila sa akin.

"Aray ko Gab, ang kamay ko." Angal ko sa kanya.

"Kaya pala late ka eh, kung ano-ano pa ang ginagawa mo." Galit nitong sabi.

"Tinanghali po ako ng gising at sumabay lang ako kina Chris." Sagot ko. Bakit ba galit nagalit ito eh ang aga-aga?

"Bro, back off." Sabi nya na nakatingin kay Chris. "She's mine." At hinila na ako ng tuluyan papasok sa loob ng classroom.

Nilingon ko sina Chris at sumenyas ng pasensya.

Hinila ko agad ang kamay ko pagkaupo naming sa kanya-kanyang upuan.

"Pwede ba Gab? Hindi mo ako pag-aari." Bulong ko sa kanya pero may diin ang sinabi ko.

"With your dad's blessing, you're mine Aira." Pinal na sagot nito at bumaling na sa harap dahil dumating na ang professor namin.

All This TimeDär berättelser lever. Upptäck nu