Chapter 7

67 1 0
                                    

His Words

Aira's POV

Tahimik ako sa buong byahe namin ni Chris. Tila napansin naman nya ito.

"Are you ok Aira?" bumaling sya saglit saken saka ibinalik muli ang tingin sa kalsada. "Ano bang sinabi sa'yo ni Gab?"

"Ah, wala. Isusumbong daw nya ako sa daddy ko." Pagdadahilan ko.

"Teka, matanong ko lang. Ano ba ang relasyon mo kay Gab?" nakatingin pa rin sa kalsada. "Di ba tinawag mo sya noong nakabangga mo sya sa unang araw ng pasukan?"

Nagdalawang-isip ako kung sasabihin ko sa kanya.

"Ah, kababata ko sya. Doon kami nakatira sa katabi ng bahay nila." Sagot ko.

"Kaya pala nakilala mo agad sya kahit bago ka pa lang sa school. Eh bakit parang hindi maganda ang pakikitungo nya sa'yo?" tanong nya ulit. "I didn't mean to offend you. Ok lang kung hindi mo sagutin. Napansin ko lang kasi yun."

Nilingon ko sya at tinanong ko sa sarili ko kung sasabihin ko sa kanya ang totoo.

"May nagawa kasi akong kasalanan sa kanya noong mga bata pa kami." Matipid kong sagot. "At hanggang ngayon, hindi pa rin nya ako napapatawad."

"Hayaan mo, mapapagod din yun sa pagsusungit nya." Napangiti na si Chris. "Tatlong taon ko nang kaibigan yang si Gab at alam kong mabuti syang tao."

Yun din ang pagkaka-alam ko. Pero nagbago na sya. Hindi na sya ang Gab na kilala ko dati.

"Nandito na tayo sa inyo." At pinagbuksan ako ng pinto. Muli nya akong binuhat at inalalayan hanggang makarating sa loob ng bahay. Sinalubong naman kami ni Manang Carmen.

"Manang, pakihanda po ng meryenda. Ito po pala si Chris. Kaibigan po sya ni Gab." Pakilala ko sa kanila. "Ito naman si Manang Carmen, parang nanay ko na sya sa tagal ng serbisyo nya sa pamilya namin."

"Ay kagwapong bata naman nire." May puntong probinsya pa rin si Manang kahit matagal na syang namamalagi dito sa syudad. "Kasing gwapo ni Gab eh at kabait pa. Sya sandali ha at ipaghahanda ko kayo."

"Chris, thank you ulit ha?" muli kong pasalamat sa kanya.

"Ang lagay ba eh yun lang?" biro nya. "May kapalit yun ano?"

"Ha? Ano naman?" tanong ko.

"Hmm..teka ano nga ba?" nakangisi syang nakatingin sa akin. "Simula ngayon magkaibigan na tayo."

"Akala ko naman kung ano na, syempre naman." Nakangiti kong sagot.

Napangiti naman si Manang Carmen pagkakita sa amin.

"Aba, ngayon lang ulit kita nakitang ngumiti Aira." Sabi nya habang nilalagay ang meryenda sa mesa.

Nanlaki ang mata ko at umiling kay Manang Carmen. Nagets naman nya ang ginawa ko.

"Maiwan ko na kayo dito. Kumain ka ng kumain iho." At saka umalis.

"Anong ibig sabihin ni Manang na ngayon ka lang ulit nya nakitang ngumiti?" tanong ni Chris. "Magkaibigan na tayo di ba? Kaya dapat lang malaman ko."

Napabuntong-hininga ako. Si manang talaga hindi mapigilan minsan ang bibig. Hay, wala akong nagawa kundi ang ikwento kay Chris ang lahat.

Tinuon nya ang buong atensyon nya sa kwento ko. Hindi sya nagsalita at nakinig lang hanggang matapos ako sa pagkukwento. Ang tanging hindi ko sinabi ay kung paano ako nagsising nagkahiwalay kami ni Gab. Kung paano nahulog ang loob ko sa kanya ng di ko namamalayan at ngayon huli na ang lahat kasi galit na sya sa akin.

"Ang tindi mo pala dati. Kahit siguro naging ako si Gab, baka hindi rin kita mapatawad." Nagsalita sya matapos kong ikwento lahat. "Pero wala namang hindi nagagamot ng panahon, hayaan mo at mapapatawad ka rin nya."

Napangiti naman ako sa sinabi nya.

"Nagkamali pala ako ng akala sa'yo." Nakangiting sabi ko sa kanya. "Akala ko easy go lucky lang kayo, tamad mag-aral at walang binatbat pero mabait pala kayo, lalo ka na. At isa pa, mabuti kang kaibigan.

At nagtawanan na kami.

Gab's POV

Narito ako sa harap ng bahay nina Aira. Ni hindi ko alam kung bakit pa ako nagpunta dito gayung sinabi ko na wala akong pakialam sa kanya. Nakita kong nakapark sa harap ng bahay nila ang sasakyan ni Chris kaya siguradong hindi pa ito nakaka-alis.

Nagdoorbell ako at pinagbuksan naman ako ni Manang Carmen.

"Oh, Gab iho." Bati nya sa akin. "Napadaan ka? Hinahanap mo ba si Aira?"

"Ah, eh.." nag-isip ako ng dahilan. "Tama, opo ibibigay ko sana itong mga lesson namin. Hindi kasi sya nakapasok ngayong hapon."

"Oo nga, may pagkalampa pa rin kasi yang batang yan." Sagot ni Manang. Pinigilan ko ang mapatawa. "Nasa loob sya kasama ng kaibigan mo, yung si Chris? Ay naku napakagwapong bata at napakabait pa. Nagulat nga ako kasi napangiti nya si Aira. Ang tagal ko nang di nakikitang ngumiti ang batang iyon, ngayon lang ulit."

"Ay manang, may gagawin pa pala ako." Sabi ko. "Pakibigay na lang po itong mga handouts sa kanya."

Pagkaabot ko ng gamit, umalis na ako agad. Hindi muna ako umuwi sa bahay.

Aira's POV

"Manang, sino po yung dumating?" tanong ko. Akala ko pinapasok ni Manang ang bisita pero nakita kong wala naman syang kasunod.

"Ah si Gab, pinabibigay nya ito sa iyo." At inabot nya saken ang makapal na handouts. "Absent ka daw kasi kaya dinala nya yan."

Nagulat naman ako sa sinabi ni Manang. Si Gab? Imposible.

"Oh, kita mo na. Malay mo napatawad ka na nya." Komento naman ni Chris.

Posible kaya? Napatawad na kaya nya ako? Kasi kung hindi, bakit nya ginawa ito. Ang sabi nya sa akin, ayaw nya saken at wala syang pakialam saken.

"But his actions are different from his words." Sabi ko. At napakasakit ng mga binibitawan nyang salita sa akin.

All This TimeWhere stories live. Discover now