Chapter 27

49 1 0
                                    

Decisions

"No! That can't be true." anas ko. "She was perfectly fine. Walang bakas na may sakit sya."

Kasalukuyan kaming nasa living room. Pinauwi muna kami at tatawagan na lang kami ni doktora kapag may iba pa silang makita sa test results.

Sumang-ayon kami dahil kailangan din naming pag-usapan ang katotohanang itinago sa akin ni Daddy.

"I'm sorry anak. It was your mother's decision not to tell you." Dad explained.

"Pero kelan nyo pa nalaman na may sakit si Mommy? Wala akong kaalam-alam Dad." sabi ko. "Sana mas naglaan ako ng oras kay Mommy. Sana nagpakabait na lang ako."

"Hindi ko rin akalain na mangyayari ang aksidente, anak." he continued. "She said gusto ka nyang itreat noong araw na iyon. She wanted to spend quality time with you. Kaso umatake ang sakit nya. She-she couldn't move her arms kaya naaksidente ang Mommy mo. It was my fault. Kung hindi ko sana inuna ang trabaho ko ng araw na iyon. I'm so sorry, anak."

Napaiyak si Daddy. And I can't bear to see him like that.

I hugged him.

"I'm so sorry Dad. Dapat hindi ako nagalit sa'yo. I know how you suffered sa pagkawala ni Mommy." sambit ko.

Nang pareho na kaming mahimasmasan ni Dad, hinayaan na nya akong magpahinga. He said he will do everything para lang gumaling ako.

I texted Gab. He was polite enough to give me and my Dad the alone-time para makapag-usap ng maayos.

[hi hon. nakapag-usap na kami ni Dad.] -ako

[how did it go? please don't be too hard on him. he,too, had a rough time just like you.]-gab

[don't worry. naintindihan ko na ang nangyari.]-ako

[how are you feeling? want me to go there?]-gab

I smiled. He is such a sweet boyfriend ay fiance ko na nga pala sya.

[as much as i want to, huwag na muna siguro. alam ko pagod ka today. thank you for staying. i'll research about my disease.]-ako

[are you sure?]-gab

[hmm. yes po. i want you to rest, too. baka ikaw naman magkasakit. :(]-ako

[i like it when you're acting cute, princess. ok then. but i will come tomorrow, ok?]-gab

I giggled.

[i'll be waiting:) love you]-ako

[love you more, baby]-gab

I fired up my laptop and began searching information about my disease though naipaliwanag na ito ni doktora, still gusto ko pa ring malaman. She also said na hindi naman daw ito ganon kafatal, unless mapabayaan.

Wilson's Disease: it is a recessive genetic disorder in which copper accumulates in tissues. This is manifested by neurological or psychiatric symptoms or liver disease. It is treated with medication that reduces copper absorption or removes the excess copper from the body but occasionally a liver transplant is required.

Source:www.wikipedia.com

Liver transplant? Just like what the doctor said. Pero dahil hindi pa life-threatening ang sitwasyon ko, she preferred to give me some medications.

I looked at my bedside table kung nasaan ang gamot ko. I immediately took one capsule upon remembering the advice of my doctor.

Masyado akong naengross sa pagreresearch kaya naman muntik ko nang makalimutan ang gamot ko.

The next day seemed like a normal day. Parang wala naman akong sakit. Nasisilaw ako sa sikat ng araw na tumatagos sa bintana ng kwarto ko. Kaya nagpasya na akong bumangon.

My eyes grew wide kasi hindi ako makagalaw. I can't move any part of my body.

"Daddy!" napasigaw na ako. My face is filled with horror.

Agad na dumating si Dad.

"Dad, I can't move." halos maiyak na ako.

Nataranta si Daddy. He called my doctor. Maya-maya dumating si Gab.

"Princess! What happened?" hinihingal na tanong nya.

"Hindi ako makagalaw Gab. Di ako makabangon." I'm crying. Damn this tears.

"Sshh, don't cry princess. Padating na si Doc. Your Dad called her already." he softly said and wiped my tears.

Dumating si doktora at tiningnan ang kalagayan ko.

"Normal lang po iyan, isa po yan sa mga side effects ng gamot. Manghihina po ang kanyang mga muscles, ang kanyang katawan, which will enable her to move." seryosong sabi nya. "Still we will run some tests. I suggest, dalhin nyo na po sya pabalik sa hospital, para in case may mga changes po ay madali nating maasikaso."

Inihatid sya ni Daddy kaya naiwan kami ni Gab sa kwarto. He was stroking my hair while sitting next to me.

"Gab?" tawag ko sa kanya.

"Hmm?" sagot nya.

Kailangan kong sabihin ito kay Gab. I don't want to be a burden to him.

"Hindi tayo nakakasigurado kung gagaling pa ako. Each day I'm getting worse." pahayag ko. "Ayaw kong itali ka nang dahil lang sa kalagayan ko."

Hindi sya sumagot.

"Hindi mo kailangang mahirapan ng dahil sa akin, Gab. You have the decision." sambit ko. "Are you sure you wanted to stay?"

Pumikit ako. Ang bigat ng pakiramdam ko. Mahal ko si Gab pero ayaw ko syang matali sa sitwasyon ko. Alam kong mahihirapan lang sya dahil sa paglala ng sakit ko.

"What kind of question is that?" angil nya. Oh no, he's mad. Inayos nya ang upo nya at humarap sa akin. He held my hand. "No matter what happen, I won't leave. I won't go anywhere unless it's by your side. I will stick to you like a gum so whether you like it or not, I'll be here, princess. We will get through this together. Don't you dare give up 'cause I won't."

All This TimeWhere stories live. Discover now