Chapter 12

50 2 0
                                    

The Scandal

Gab's POV

Lihim akong napangiti ng nakita ko ang itsura ni Aira matapos ko syang asarin. Para nang kamatis ang mukha nya sa sobrang pula.

Isa lang naman ang naisip kong paraan para makaganti sa kanya eh, ang paibigin sya at saka ko sya iiwan. For sure, wala ng mas sasakit pa sa paghihiganting iyon.

Tinanong nya ako kung ano daw ang pag-uusapan namin.

"Hindi ba at ikaw ang may sasabihin sa akin?" balik-tanong ko sa kanya kaya naman nagsimula na siyang mag-open up at sabihin lahat ng nararamdaman nya.

Hindi ko inaasahan lahat ng mga sinasabi ni Aira saken ngayon. I didn't know that behind that mean and cruel attitude of hers is a very lonely and fragile girl. Ni hindi ko man lang naramdaman na kaya sya nagkaganon ay dahil pa rin sa pagkawala ng mommy nya.

Nakatingin ako sa kanya sa buong oras na nagkukwento sya. At isa lang ang emosyong nakikita ko, she is very sorry and hurt.

I can see pain in her beautiful eyes. It's as of she's pouring her heart and soul through those tears. Kaya naman ng matapos syang magsalita, hindi ko namalayan na kusa na palang kumilos ang katawan ko at nilapitan sya.

I pulled her and kissed her. I kissed her passionately. Aminado ako na kay tagal kong hinintay na mangyari ito.

But then, naalala ko na naman ang mga ginawa nya sa akin kaya bigla akong bumitiw.

"I'm sorry." Habang tumitingin sa ibang direksyon. "I don't know what came over me. It's just I thought you're Jenny."

Aira's POV

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nya. Akala ko pa naman, naintindihan na nya ako at may pag-asang mapatawad na nya ako kaso nagkamali pala ako.

He thought I was Jenny?! His girlfriend?! Hell, I'm not! Grabe, magkahalong pagkapahiya, sakit at insulto ang naramdaman ko ng mga oras na iyon.

"I think I should go." At tumayo na ako. "Kung dumating man ang araw na napatawad mo na ako, ipagpapasalamat ko iyon."

At tuluyan na akong umalis. Dere-deretso ako sa kwarto ko. Hinihingal ako. Naramdaman ko na lang na umiiyak na pala ako. Damn, it hurts. It hurst like hell. Ang sakit-sakit.

Kinabukasan, naisipan kong hindi pumasok. Para kasing hindi ko pa kayang makita si Gab after what happened last night. Pero naisip ko na ako pa rin ang kawawa kapag nagpatalo ako dahil sa nangyari. Maaapektuhan pa ang studies ko.

Pagdating ko sa school, nagkakagulo na naman ang mga tao. Medyo nasanay na ako kaya nilampasan ko na lang sila at di na naki-usyoso. For sure sina Gab at mga kaibigan na naman nya ang pinagkakaguluhan doon.

Malapit na ako sa classroom namin ng biglang may humila sa buhok ko.

"Aaww.." ang sakit noon ah. Ibinalya ako sa lupa ng kung sino mang nanakit sa akin. Nagulat ako ng makita ko si Jenny. Halos umusok na ang ilong at tenga nya sa galit. Kitang-kita ko sa mga mata nya ang pagkamuhi sa akin.

"Walanghiya ka!" sigaw nya at muli akong inginudngod sa lupa. Hindi ako agad nakapalag kasi gulat pa rin ako. "Slut! Pati ba naman boyfriend ko nilandi mo?! Hayop ka! Iyan ang bagay sa'yo."

Sinipa nya ako sa tyan kaya naman namilipit ako sa sobrang sakit. Hindi pa sya nakuntento at sinabunutan ulit ako at pinagsasampal.

Nalasahan ko ang dugo sa labi ko.

"Ano bang sinasabi mo Jenny?" hindi ko pa rin alam kung bakit ganito kalaki ang galit nya sa akin. "Wala akong ginagawa sa boyfriend mo. Hindi ko sya nilalandi."

"Anong wala?!" sigaw nya ulit at itinapon saken ang isang cellphone. "Paano mo ipapaliwanag yan ha?!"

Tiningnan ko ang cellphone at ganon na lang ang panlalaki ng mata ko sa nakita ko. Iyon yung eksenang hinalikan ako ni Gab sa may swimming pool kahapon. Pero base sa anggulo ng pagkakakuha, mukhang ako ang nanghalik.

Nakita kong madami nang mga estudyante ang napapalibot sa amin ni Jenny at lahat sila ang sasama ng tingin sa akin.

"Malandi ka!" sigaw ng isang bading. "Pati si Fafa Gab tinalo mo!"

Ginaya naman sya ng iba at nakisali rin. May nagtapon pa sa akin ng inumin. Napayuko na lang ako. Wala akong laban sa kanilang lahat. Wala rin naman kasi akong ginagawang masama.

"Akala mo kung sinong santa-santita!" Sigaw pa ng isang babae. "Kabago-bago mo pero nilandi mo agad ang apat na prinsipe ng school!"Binato nila ako ng kung ano-ano.

Maya-maya, nagulat ako ng biglang parang dumilim sa paligid. May nagpatong sa akin ng jacket at dahan-dahan akong itinayo. Hindi ko kilala kung sino iyon, pero nagulat ako kasi tumigil ang lahat sa kakasigaw at kakabato nila sa akin.

Pinilit kong tingnan kung sino ang saviour ko pero itinungo nya ang ulo ko. Gusto ko talagang makita kung sino ito kaya muli kong inangat ang ulo ko. Ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko si Gab.

Seryosong-seryoso ang mukha nya. Para syang bulkan na anumang oras ay maaaring sumabog. Hindi na nya ako ulit pinatungo. Siguro ayaw nyang may makakita pa sa ganitong itsura ko at ayaw na nya ring may makakilala pa sa akin.

Nilingon ko ang pinanggalingan namin. Nakita kong nakaharang sina Mark, Kyle at Chris sa mga tao. Nakadipa ang mga kamay nila na parang ayaw nila kaming palapitan sa lahat.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin. Maya-maya, nakita kong pumunta kami sa parking lot. Iginiya nya ako sa front seat ng sasakyan saka siya sumunod sa loob.

Tiningnan kong mabuti si Gab. Ganoon rin ang ginawa nya. Maya-maya, narinig ko ang pagbuntong-hininga nya habang inaabot ang kahon ng tissue.

"Clean yourself first with this." At saka pinaandar ang sasakan. "Wag ka nang mag-aalala sa mga gumawa nyan sayo. Kami na ang bahala sa kanila."

"Gab?" habang nakatingin pa rin sa kanya. "Thank you for saving me."

All This TimeWhere stories live. Discover now