Prologue

139 3 0
                                    

“Mommy..huhuhu..” iyak ng batang si Aira. “Bakit mo ako iniwan? Paano na kami ni Daddy? You’re unfair mom. Who will cook for me now? Who will cheer for me? Who will be there for me when I’m sad?”

Walang tigil sa pag-iyak si Aira habang pinagmamasdan ang paglibing sa mommy nya. 8 years old pa lang sya ng mangyari ang aksidenteng kumitil sa buhay ng kanyang mahal na ina.

Meanwhile, nakatingin naman kay Aira ang isang batang lalake, si Gabriel. Isinama siya ng mga magulang niya para makiramay. Ito ang unang pagkakataon na nakita nya si Aira. At hindi niya alam pero parang gusto nyang alisin ang lungkot na nararamdaman ng batang sa kasalukuyan ay yumakap sa ama nito.

Natapos ang libing at nagsimula nang umalis ang mga nakiramay.

“Gabriel, halika na. Uuwi na tayo.” Tawag sa kanya ng mommy nya.

“Mom, can you please wait for me for a sec?” paki-usap nya. Tumango naman ang ina nya.

Dahan-dahan syang lumapit sa malungkot na batang nakamasid pa rin sa puntod ng yumaong ina.

“Ah, hi.” Bati nya. Pinilit nyang pasayahin ang boses nya. “I’m Gabriel. Kaibigan ng mommy at daddy ko ang parents mo. I’m sorry about your mom.”

Lumingon lang sa kanya si Aira pero hindi nagsalita.

 “Huwag kang mag-alala.” Pinilit nya ulit makipag-usap. “I’m sure masaya na ang mommy mo kung nasaan man sya. Kapag malungkot ka, pwede mo akong lapitan. Simula ngayon, magkaibigan na tayo.”

Naging matalim ang mga mata ni Aira.

“You don’t know anything!” nagulat si Gabriel sa lakas ng sigaw ni Aira. Napalingon naman sa gawi nila ang kanilang mga magulang. “Huwag mong sabihin na masaya na si mommy. Hindi kita lalapitan kasi hindi mo naman ako naiintindihan. Hindi ka naman nawalan ng mommy.”

“Aira!” tawag ni Mr. De Jesus, daddy niya. “Stop that.” At hinila na niya palayo ang ngayo’y umiiyak na muling si Aira.

Nang mapatapat ito kay Gabriel. Nagbitiw ito ng salitang hindi makakalimutan ni Gabriel.

“I hate you.” At matalim na tiningnan si Gabriel.

All This TimeWhere stories live. Discover now