Chapter 13

57 3 0
                                    

Second Time

Gab's POV

Kasalanan ko ito. If only I didn't kiss her that day, hindi na sana nangyari pa ito. Pinag-initan tuloy sya nina Jenny at ito namang ibang estudyante eh nakisali pa. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at ginawa ko iyon? Wala sa plano.

Tahimik akong nakatambay sa lounge ng school nang dumating si Mark. Sinabi nya ang sitwasyon ni Aira. Hindi ako nagdalawang-isip at pinuntahan namin agad ang kinaroroonan nya.

I was literally bewildered when I saw her. Napakadumi ng damit nya dahil may nagtapon ng inumin sa kanya. Magulo ang buhok nya dahil mukhang sinabunutan sya. Namumula rin ang pisngi nya. It seemed someone also slapped her beautiful face. Nakita kong naluluha sya.

Tiningnan ko ang tatlo. Tumango sila, senyales na alam na nila ang gusto kong mangyari. Isa-isa silang pumunta sa gitna ng nagkakagulong mga estudyante at iniharang ang mga sarili nila para wala ng makalapit pa.

Dere-deresto ako kay Aira at agad kong ipinatong sa kanya ang jacket ko. Nakita kong nagulat si Jenny sa ginawa ko. Magsasalita pa sana sya pero tiningnan ko sya ng masama. She knows what I'm capable of especially when I get mad, and now I'm so damn mad at her.

Inalalayan ko si Aira na makatayo. Pinilit niyang iangat ang ulo nya. Malamang nagtataka kung sino ang tumulong sa kanya. Muli kong itinungo ang ulo nya pero makulit talaga ito kahit kalian. Kitang-kita ko sa mga mata nya ang disbelief nang malaman na ako pala ang nagligtas sa kanya.

Kahit ako, hindi ko rin alam kung bakit ko ito ginagawa. Ang pagkakaalam ko ay galit ako sa kanya at wala na rin akong pakialam kung ano man ang mangyari sa kanya. Pero nang narinig ko kay Mark na may nangyari sa kanya, hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang pangamba ko. Iyong tipong sumikip ang dibdib ko at halos hindi makahinga dahil sa kaalamang baka napahamak si Aira.

Sa nakalipas na tatlong taon, pinilit kong kalimutan ang babaeng katabi ko ngayon sa sasakyan at mahimbing ng natutulog. Itinatatak ko sa isip at puso ko na hinding-hindi ko sya mapapatawad sa lahat ng ginawa nya saken, sa lahat ng masasakit na salita. Sya ang first love ko at gusto kong sya na rin ang maging huli kaya naman sinigurado kong walang makakalapit sa kanyang iba, yung walang poporma sa kanya. At nagtagumpay naman ako sa bagay na iyon.

I built this huge wall between us. Inihanda ko na ang sarili ko sa pagkikita namin. I practiced a lot kung paano ko sya kakausapin at pakikitunguhan.

But I think this heart of mine betrayed me. Dahil kahit anong gawin ko, basta may kinalaman kay Aira, nawawala na ako sa plano ko. Nakakalimutan ko kung bakit ako galit sa kanya. And I hate it.

Aira's POV

Naalimpungatan ako. Nakatulog na pala ako habang nasa sasakyan ni Gab. Nakita ko pa syang nakatingin sa akin. Mukhang ang lalim ng iniisip nya habang tinitingnan ako. Akala ko, iisnob-in na naman nya ako pero hindi pala. He kept on staring at me hanggang sa ako na ang nailang.

"Ahm, thank you ulit Gab." Pagbasag ko sa katahimikan. Saka pa lang sya parang natauhan. Lumabas sya ng sasakyan at nagulat ako ng pinagbuksan nya pa ako. Muli nya akong inakay.

"Teka, hindi namin ito bahay ah?" puna ko nang makita kong papunta kami sa bahay nila.

"I called your dad. Hindi pa daw sya makakauwi kaya ibinilin ka nya sa akin." He explained briefly.

Pinaupo nya ako sa sofa. Maya-maya pa, may dala na siyang basin at towel.

"Naku, Gab. Ok na ako. Huwag ka nang mag-abala. Kaya ko nang linisin ang sarili ko." Nataranta ako kasi akmang pupunasan na nya ako.

All This TimeWhere stories live. Discover now