Chapter 16

51 3 0
                                    

Sobrang Sakit Part 2

Aira’s POV

Iminulat ko ang mga mata ko. Nasilaw pa ako sa liwanag. Nasa ospital nga pala ako. Inilibot ko ang mga mata ko at nakita kong muli ang nag-aalalang mukha ni Chris. Agad nya akong dinaluhan.

“Aira, I’m so glad you’re awake. How are you feeling?” tanong nito at hinawakan ang kamay ko. Hindi tulad ng kay Gab, malamig ang kamay ni Chris.

Tumango ako.

“Salamat Chris. Pasensya ka na kung pinag-alala kita.” Sagot ko.

“Nandito lang ako palagi para sayo Aira.” He answered sincerely. “Ganyan kita kamahal.”

Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Chris. Naramdaman ko na talagang bukod pa sa isang kaibigan ang turing nya sa akin.

Hindi ko sya masagot. Dahil alam ko sa sarili ko na si Gab lang ang lalakeng mamahalin ko.

“Alam kong may mahal kang iba.” Muling sabi nito. “Gusto ko lang malaman mo ang nararamdaman ko at sana hayaan mo lang ako na mahalin ka.”

I smiled at him tenderly. How I wish si Chris na lang ang pwede kong mahalin pero mahirap gawin.

“I’m sorry Chris. Pero nagpapasalamat ako na nariyan ka sa tabi sa panahong tulad nito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka. Salamat talaga.” Pahayag ko.

“Hindi kita pipilitin na mahalin din ako, masaya na ako na nagagawa ko lahat ng ito para sayo Aira.” At ngumiti sya saken. “Teka, nagugutom ka ba? Anong gusto mong kainin?

Napakabait ni Chris sa akin. Hindi mahirap mahalin ang katulad nya pero talagang nakalaan na kay Gab ang puso ko noon pa.

“Aira!” nagulat kami ni Chris dahil isang humahangos na Gab ang biglang pumasok sa hospital suite ko. Niyakap nya ako agad pagkakita sa akin. “I’m glad you’re alright.”

Marahas siyang hinila sya ni Chris at inilayo sa akin.

“Anong ginagawa mo dito?” galit na tanong ni Chris. “Ang kapal ng mukha mong magpakita pa kay Aira.”

“Look man, this has nothing to do with you.” Sagot naman ni Gab at muling bumaling sa akin.

Iniharap naman ulit sya ni Chris.

“Tigilan mo na si Aira.” Muling banat ni Chris. “Ayaw ka nyang makita. Matapos ang ginawa mo, talagang may mukha ka pang humarap kay Aira ha.”

Hindi sya pinansin ni Gab at bumaling sa akin.

“Aira, I’m sorry.” Gab pleaded. “Please forgive me. Yung nakita mo, walang ibig sabihin iyon.”

Walang kahit anong ekspresyon sa mukha ko. Hindi makikita ang kahit anong emosyon. Nagpatuloy naman si Gab sa pagpapaliwanag.

“Naki-usap sakin si Jenny. Mag-aapologize daw sya sa ginawa nya sayo. Pumayag ako kasi balak ko na ring makipaghiwalay sa kanya. Nagtaka ako na sa lab nya gustong makipagkita pero binalewala ko iyon dahil gusto ko na syang makausap so that I can end our relationship once and for all. Nagulat na lang ako ng bigla nyang hinubad ang blouse nya. Nagalit pa ako sa kanya dahil sa ginawa nya. Bigla nya akong sinunggaban at hinalikan. God, Aira, hindi ko inakalang makikita mo ang eksenang iyon. But please believe me, I didn’t do anything wrong. Mali ang iniisip mo.” Nakita kong nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

“Hindi mo kailangang magpaliwanag Gab.” Seryosong sagot ko. “Hindi mo naman ako girlfriend para iexplain mo ang nangyari. Saka wag kang mag-alala. Wala naman akong nakita kasi maagap si Chris at tinakpan agad ang mata ko.”

Nilingon ko si Chris at nginitian.

“Gab, pwede bang hayaan mo na muna ako? Pagod ako. Gusto kong magpahinga.” Sabi ko na hindi sya tinitingnan. “Chris, pwede mo bang akong tulungan?”

Agad namang tumalima si Chris at inalalayan ako sa paghiga. Bagsak ang mga balikat na naglakad papunta sa pinto si Gab. Nilingon nya ako bago sya tuluyang umalis.

Gab’s POV

Shit! Shit!” sigaw ko sa sobrang sama ng loob. Napasuntok ako sa pader ng wala sa oras.

“Sir, nasa ospital po kayo.” Saway sa akin ng isang nurse. “Igalang naman po ninyo ang mga pasyente dito. Sa labas nyo na lang ho dalhin ang galit nyo.”

Naglakad ako papunta sa sasakyan ko at isang tao lang gusto kong puntahan. Pinaharurot ko ang sasakyan ko at pumarada sa tapat ng isang bahay.

“Jenny!” sigaw ko. Tama. Pinuntahan ko ang bahay niya. Alam kong nandito na sya ng ganitong oras.

Lumabas naman ito at hinarap ako.

“So, Gab.” Maarteng sabi nito. “Have you decided to come back to me?” at ipinulupot ang mga kamay sa braso ko.

Marahas ko naman iyon inalis. Narinig ko pang tumawa sya.

“What have you done?!” asik ko sa kanya. “Sinadya mo ba na makita tayo ni Aira? Ang sama mo talaga.”

“Look Gab, if I’m not mistaken, I AM YOUR GIRLFRIEND, not that girl. Hayaan mo na lang sya. You want to continue what we started kanina?” akma na naman syang yayakap sakin pero lumayo na ako.

“You’re disgusting. Kaya ako nakipag-usap sayo dahil gusto ko ng makipaghiwalay. You know in the first place that I don’t love you and never will. She is my first love and will be my last.” Makatotohanang pahayag ko. “So stop messing with her or else, you’ll pay. Kilala mo kung paano ako magalit Jenny, kaya ngayon pa lang, itigil mo na ang masama mong balak.

Nakita ko ang takot sa mga mata. Yes, she knows how I get mad and when that happens, no one can stop me. No one.

Matapos iyon ay bumalik ulit ako sa ospital. Nakita kong mahimbing nang natutulog si Aira. Nakita ako ni Chris at papaalisin sana nya ako pero umiling ako.

“I just want to be with her.” Seryosong sabi ko. Tila naintindihan naman nya at iniwan kami.

Dahan-dahan kong hinaplos ang buhok ni Aira. Napaka-amo ng mukha nya. I kissed her forehead. Hindi naman sya nagising.

“Please don’t hate me Aira.” Mahinang sabi ko. “I hated myself for hating you. It’s the biggest mistake that I did and I regret it everyday. Ipinangako ko sa sarili ko na babawi ako sa lahat ng mga nagawa ko sayo. I decided to follow my heart from now on. But when things are starting to get better, saka naman nangyari ito. I’m so sorry Aira. I never wanted to hurt you. It hurts me seeing you like this, so please give me another chance.”

All This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon