Chapter 15

54 2 0
                                    

Sobrang Sakit

Aira's POV

Sabay kaming pumasok ni Gab sa school. Ayaw pa sana nya akong pabalikin sa school kasi mas makakabuti daw kung magpapahinga na lang muna ako pero nagpumilit ako na marami akong mamimiss na lessons. Wala naman syang nagawa.

When we arrived, all eyes were on us. Yung iba nakataas ang mga kilay, yung iba naman parang naiinggit. Hay, ewan ko ba sa mga taong ito kung bakit ganito kung umasta.

"Ang kapal naman ni Aira, hindi talaga nahiya." Sabi ng isang estudyante.

"Talagang sumabay pa sya kay Gab ha? Ang tindi talaga nya." Komento naman ng isa pa.

"Kawawa naman si Jenny." Singit ng isa pa.

Naramdaman kong hinawakan ni Gab ang kamay ko na siyang ikinagulat ko.

"Ahm, Gab?" takang tanong ko.

"Simula ngayon wala nang pwedeng manakit sa babaeng ito. Naintindihan nyo ba?" nagulat ako sa sigaw ni Gab pati na rin sa tapang na makikita sa mga mata nya. "Ang sino mang manakit kay Aira, mananagot saken."

At hinila na nya ako papunta sa building namin. Hanggang sa makapasok na kami sa classroom, hindi pa rin nya binibitiwan ang kamay ko.

Ang init ng kamay ni Gab. Pakiramdam ko safe na safe ako basta't hawak nya ang kamay ko. Kanina habang nagbibigay sya ng warning sa mga estudyante, naging knight in shining armor ang tingin ko sa kanya.

Nang makaupo na kami, tila natauhan naman si Gab at binitawan na ang kamay ko. Hindi ko maintindihan pero parang nalungkot ako ng ginawa nya iyon. Pakiramdam ko maaari syang mawala sa akin.

Ano ka ba naman Aira? Masyado na yatang mataas ang pangarap mo. Hindi sa iyo si Gab in the first place. At ginagawa lamang nya lahat ito dahil naaawa sya sa iyo. Kastigo ko sa sarili ko.

"Hey, you ok?" tanong saken ni Gab. Hindi ko kasi namalayan na natulala na lang ako dahil sa pag-iisip.

"Oo, ayos lang ako. Thanks." Sagot ko.

Lumipas ang maghapon at walang nagtangkang manakit sa akin. Dahil doon, nakahinga ako ng maluwag. Buti na lang ipinagtanggol ako ni Gab kasi kung hindi, di ko na alam kung ano na naman ang pwedeng mangyari sa akin.

Uwian na. Hinanap ko si Gab kasi hindi sya umattend sa last subject namin. Gusto ko sana syang pasalamatan ulit at makasabay na rin pauwi.

Nagtanong-tanong ako sa kakilala ko kung nakita nila si Gab. Nakita ko naman si Charie at sinabi nyang nakita nya si Gab sa may Chemistry Laboratory kaya agad akong naglakad papunta doon.

Malapit na ako sa lab nang biglang may humila sa kamay ko.

"Oh, Chris, ikaw pala." Bati ko sa kanya.

"Aira, ok ka na ba?" tanong nya. Kita ko sa mga mata nya ang pag-aalala.

"Oo, ok na ako. Inalagaan ako ni Gab." Huli na para mabawi ko pa ang sinabi ko. Nakita kong sumilay sa mukha ni Chris ang lungkot pero agad din itong nawala.

"Talaga? Mabuti naman kung ganon. Saan ka pala pupunta?" tanong ulit nya.

"Ah, sabi kasi nila nandito daw sa lab si Gab." Paliwanag ko. "Kanina ko pa kasi sya hinahanap eh. Magpapasalamat sana ako dahil sa pagtatanggol nya sa akin kaninang umaga at sasabay na rin pauwi. Lumipas kasi ang maghapon na walang nananakit sa akin."

"Mukhang wala naman dyan si Gab." Sabi ni Chris. Akma nyang hihilahin ang kamay ko para umalis na kami pero tumanggi ako.

"Eh hindi pa naman natin nakikita." Sagot ko at muling naglakad papunta sa pinto ng lab at binuksan ang pinto nito.

Ganoon na lamang ang panlulumo ko sa aking nakita. Pero agad ding may nagtakip na mga kamay sa mata ko. Unti-unting namalisbis sa pisngi ko ang mga luha at tila ayaw tumigil. Nanginginig ang katawan ko. Parang hindi ako makagalaw kahit na gusto kong umalis sa lugar na iyon. Alam kong si Chris ang nagtakip sa mga mata ko. Naramdaman ko isinara nya ang pinto at hinila ako palayo sa lab.

Muntik pa akong madapa dahil hindi ako makalakad ng maayos. Kaya naman inalalayan na lamang nya ako hanggang makarating kami sa sasakyan nya.

Alalang-alala si Chris sa akin. Hindi nya malaman ang gagawin. Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak hanggang sa napahagulhol na lang ako. Hinawakan naman nya ang kamay ko para pakalmahin ako.

"Sshh, Aira." Tawag nya sa akin. Nilingon ko sya at lalo lamang akong napaiyak.

Maya-maya pa, naramdaman kong tila naninikip na ang dibdib ko. Parang walang hangin sa paligid at nahihirapan akong huminga.

"C..Ch..Chris." tawag ko. Nabahala naman lalo si Chris.

"Aira, ang lamig ng kamay mo. Teka, naninigas ang kamay mo!" Natatarantang pahayag nya. "Shit!"

Pinaharurot naman nya ang sasakyan nya at dinala ako sa pinakamalapit na ospital. Binuhat nya ako papasok sa loob.

"Aira! Aira! Please hang on." Iyon ang huli kong narinig bago napuno ng kadiliman ang paligid.

All This TimeWhere stories live. Discover now