Chapter 6

62 1 0
                                    

Understand This

Aira's POV

Tinalikuran na ako ni Gab. Hindi naman ako nagpapa-awa sa kanya.

"All I want is your forgiveness Gab, because I love you." Mahina kong sabi sa sarili ko. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko. Baka makita nya ako at sabihin na naman nya na nagkukunwari lang ako. Tumayo ako at maglalakad sana papunta sa library.

"Aray." Halos mapa-iyak ako sa sakit. Napatid kasi ang paa ko sa isang ugat na di ko napansin kanina dahil sa paghabol kay Gab. Sinubukan kong ihakbang muli ang paa ko pero talagang kumikirot.

"Aira?" nilingon ko kung sino ang tumawag saken. Si Chris pala. "Ano'ng nangyari sa'yo?"

Nilapitan nya ako at napansin na hindi maayos ang pagtayo ko.

"Napaano ka ba?" tanong nya ulit at nakita kong yumuko sya. Dahan-dahan nyang hinawakan ang kaliwa kong paa at muli na naman akong napaaray sa sakit.

"Ano kasi, napatid ako dun sa may ugat ng puno." Paliwanag ko.

"Bakit ba kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" saway nya saken.

Nagulat na lang ako ng bigla nya akong buhatin.

"Huy Chris, ano ba? Ibaba mo nga ako." Shit ano ba naman itong si Chris. Nakakahiya.

"Huwag kang malikot kung ayaw mong mahulog." Saway na naman nya sa akin. Para naman akong batang sinesermunan nito.

Binuhat nya ako na tulad ng sa bagong kasal. May kalayuan pa naman ang clinic kaya malayo rin ang lalakarin namin. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante maging ng ibang professor.

Sa sobrang hiya ko, napasubsob ako sa dibdib nya. Kulang na lang magkulay kamatis ang mukha dahil sa ginagawa nitong si Chris.

Gab's POV

"Pre, nakita mo ba si Chris?" Tanong saken ni Mark. Magkakasama kaming nakatambay sa may student's lounge. "Hindi pa kasi nya nababalik yung headphone ko."

Umiling lang ako. Busy ako sa pagbabasa. Gawain ko ito kaya kahit hindi ako nakikinig sa klase eh alam ko pa rin ang mga pinag-aaralan. Ayaw ko lang talagang nakikinig sa mga professor. Gusto ko ako mismo ang matuto gamit ang sarili kong pagsisikap. Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa kakayahan nila, it's just that the way they teach bores me.

"Uy Mark, di ba si Chris yun?" ang ingay talaga nitong si Kyle.

"Ha? Oo nga. Teka sino yung buhat-buhat nya?" isa pa itong si Mark. "Para tuloy silang mag-asawa. Talaga namang may nabola na naman itong si Chris. Napakatinik talaga."

At nagtawanan sila. Dahil naiingayan na rin ako, tumayo na ako at pupunta na lang sana sa library. Kaso natigilan ako sa huling sinabi ni Mark.

"Eh di ba si Aira yun?" Sabi ni Mark. "Talagang walang pinapalampas itong si Chris. Kabago-bago ni Aira."

At nagtawanan na sina Mark at Kyle. Nagulat naman sila dahil biglang may bumagsak na libro sa harapan nila.

"Oh, bakit Gab?" tanong sa akin ni Kyle. Nagtatanong pa ang mga ito. Badtrip.

"Ang iingay nyo." At saka ako umalis. Iniwan ko ang dalawa na taking-taka.

"Ano bang problema nung si Gab?" tanong naman ni Mark. "Bigla na lang nabadtrip? Umiral na naman ang kakaibang mood swing ng kaibigan natin."

Nagkibit-balikat na lang si Kyle.

Aira's POV

Nakarating kami ni Chris sa clinic. Agad naman akong inasikaso ng nurse. Hindi sya umalis hanggang hindi natatapos na lagyan ng benda ng paa ko. Kaya pala sobrang sakit kasi kulay ube na sya, sobrang namamaga.

"Ahm, Chris." Tawag ko. Busy kasi sya sa pagkutingting ng kung ano sa gamit sa clinic. Naglakad sya palapit saken. "Salamat ha? Akala ko kasi hindi ganon kalala, yun pala ube na ang paa ko."

"Pasalamat ka talaga at ako ang dumating." Sagot nya. "Baka kung iba, baka napano ka pa."

Nang matapos akong gamutin ng nurse, binigyan nya ako ng clearance para maexcuse ako sa klase ko ng araw na iyon. Makakasama daw pag pinuwersa ko kaya pinauwi nya na lang ako para magpahinga.

Ayaw ko sana kasi sayang ang mga matututunan ko sa araw na iyon. Pero hindi talaga ako pinayagan ng nurse.

"Ihahatid na kita." Muling sabi ni Chris. "Hindi ka pwedeng umuwi na ganyan ka, baka mamaya matumba ka pa."

"Naku, kaya ko naman. At saka pwede naman akong magpasundo sa driver namin." Kumbinsi ko sa kanya. "Masyado na kitang naabala, saka may klase ka pa di ba?

"Nacontact ko na sina Mark at Kyle, sila na ang bahalang magpaliwanag sa prof namin." Paliwanag nya at muli akong binuhat.

Wala na akong nagawa para tumanggi. Malayo na naman ang nilakad namin papunta sa parking lot. Isinakay nya ako sa kotse nya. Nagulat pa ako ng nakita ko ang mga kaibigan nya.

"Oh, Aira anong nangyari sa'yo?" gulat na tanong ni Mark. "Bakit nakabenda ang paa mo?"

"Hindi kasi yan tumitingin sa daan kapag naglalakad." Lahat kami napalingon sa nagsalitang si Gab.

"Oo nga, kaya hayan ang inabot nya." Segunda naman ni Chris.

Hindi ako makatingin sa kanila kasi sobrang nahihiya na ako lalo na kay Gab. Alam pala ni Gab ang nangyari saken pero hindi man lang nya ako tinulungan.

Anyway ano pa bang ieexpect ko sa kanya eh galit nga sya sakin. Kinamumuhian nya nga yata ako.

"Teka may sasabihin lang ako kay Aira." Narinig kong pahayag ni Gab.

Lumapit sya sa akin at yumuko.

"You should understand that this act will not make me forgive you." Bulong nya sa akin. "In fact, this will make me hate you even more."

All This TimeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant