Chapter 31

42 1 0
                                    

Never Let You Go

Gab has been very sweet and attentive. Talagang todo ang pag-aalaga nya sa akin. Gusto daw nyang gumaling ako agad para makalabas na ako ng ospital.

"Tinalo mo pa ang mga doktor at nurse sa pag-aalaga mo eh." asar ko sa kanya.

"Sus, namiss mo naman ako na ganito sa iyo di ba?" sagot nya sabay kindat sa akin.

Napatawa ako. Yes I miss him especially when he's being playful like this.

"Ahm, Gab? Nasaan nga pala si Daddy?" bigla kong tanong. "Hindi pa kasi nya ako dinadalaw simula ng natapos ang operation ko. Saka ano nga pala yung inasikaso mo? Mukhang importante pa yun kasi di ka agad nakapunta sa akin."

Again, he stiffened. He looked at me.
Wala akong mabasa sa mukha nya kundi pag-aalala..at takot? Takot saan?

Nilapitan nya ako. It seemed something is wrong. Hindi ko lang alam kung ano iyon.

"Listen, princess. I don't have any other choice but to tell you the truth. You deserve it. Pero sana pakinggan mo muna ako bago ka magdesisyon, ok?" sabi nya habang hinahawakan ang kamay ko.

"Ano'ng ibig mong sabihin Gab? Please get straight to the point." pakiusap ko.

"It's about your Dad. He made me promise na huwag sabihin sa iyo pero hindi ko na kayang maglihim pa sa iyo. I want to be honest." pahayag nya.

Tahimik lang ako at hinintay ang sasabihin pa nya.

"It was your Dad. He gave his liver para sa surgery mo." he revealed.

Nanlaki ang mata ko.

"W-what did you say? Si Daddy? Donor ng liver ko?" I blurted out. "Where is he? Tell me Gab, where the hell is my Dad!"

Sinubukan nya akong pakalmahin.

"I-I'm sorry but he didn't make it. Sya ang nagdonate ng liver sa'yo kasi mawawala din daw naman sya in the near future." patuloy nya. "May sakit sa puso ang Dad mo, princess. Inasikaso ko ang pag-aayos sa mga labi nya kaya hindi agad ako nakapagpakita sa'yo."

Nalaglag ang mga luha ko. Sumisikip na rin ang dibdib ko.

"Kaya ka nawala dahil inayos mo ang labi ni Dad? Wala na ang Daddy ko?" nahirapan akong magsalita dahil sa pag-iyak.

"He said nadiagnose sya even before nyang sabihin ang tungkol sa kasal natin." sagot nya.

"And you didn't tell me? Ha? Gab?" punong-puno ng hinanakit ang boses ko. "How could you do this to me? Alam mo na pala pero nagawa mo pa ring maglihim sa akin? And worse, hinayaan mo syang magsacrifice ng liver nya?"

"I'm sorry, princess. He made me promise. Ayaw ko namang suwayin si Tito." paliwanag nya. "Believe me, hindi ako pumayag nang sinabi nya na sya ang magbibigay ng liver sa'yo. Hell, I wanted to give you mine. Pero nagpumilit sya. He said he wanted you to live happily na kasama ako."

"Happy? Really now? Sabihin mo Gab, paano ako mabubuhay ng masaya ngayong kinamumuhian na kita? Tell me!" sigaw ko.

Hindi ako makapaniwalang nagawa nya ito sa akin. Ang sakit-sakit. My poor Daddy. Dapat hindi nya ginawa yun. How can I live now knowing na wala na sya?

"No, princess, please. Don't do this." pakiusap ni Gab. Sinubukan nya akong yakapin pero nagpumiglas ako.

"Don't you dare! I hate you Gabriel. Dahil sa'yo namatay si Daddy. Sana ikaw na lang! Sana ikaw na lang ang namatay at hindi sya!" sigaw ko.

Pinipilit nya pa rin akong pakalmahin pero pinaghahampas ko lang sya. Pinilit kong kumawala.

Napahawak sya sa pisngi nya. I saw blood. Binigyan ko sya ng nanlilisik na tingin.

"Princess, please understand. Hindi ko ginusto ang nangyari." sabi nya.

"I don't want to hear anymore Gab. Please leave." I said coldly.

"Don't do this. Alam ko nasaktan kita pero kahit ako ay nawalan rin, Aira. He's like a father to me. Mahal ko rin sya." paliwanag nya.

Napapikit ako. Tuloy-tuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha ko.

Nilapitan nya ako. Kahit nanlalabo na ang mata ko sa pag-iyak, napansin ko pa rin na maging sya ay umiiyak na rin. Umiling ako.

"Don't. Just don't Gab. Please umalis ka na. Hindi ko na kayang makita ka pa. Please, just leave." anas ko.

I'm really hurting. Ang sakit-sakit na hindi ko na pala makikita si Daddy. Wala akong kaalam-alam. Sya ang nagsilbing nanay at tatay ko simula nang mawala si Mommy kaya naman sobra kaming naging close. I remembered noong nagkasakit ako, he even sacrificed his work to be with me. I loved my father dearly pero sa isang iglap ay wala na sya at iniwan ako.

Nagagalit ako kay Gab kasi kung sinabi nya sana sa akin nang mas maaga ang tungkol sa sakit ni Dad, sana mas naglaan ako ng oras para makasama sya. Sana mas pinakita ko pa kung paano maging isang mabuting anak. At sana napigilan ko sya sa pagbibigay sa akin ng liver nya.

I can't bear to see Gabriel now, dahil kapag nakikita ko sya, mas naaalala ko lang ang pagkawala ni Dad. Kaya mas mabuti pang magkahiwalay na lang kami.

"Leave." malamig kong sabi. "I don't wanna see your face anymore. Layuan mo na ako Gab."

Kitang-kita sa mukha nya ang pagkabigla, ang sakit. He was crying. Nasasaktan rin ako. Mahal ko sya pero mas nangingibabaw ngayon ang galit ko dahil sa ginawa nya.

"I'm so sorry, princess. Patawarin mo ako kung naglihim ako sa'yo. But please huwag mo akong itaboy." pagmamakaawa ni Gab. "Hindi ko kayang mawalay sa'yo, princess, please."

"Don't f*cking call me princess!" sigaw ko. Bakit ba hindi sya makaintindi? "I said leave!"

"I love you so much, Aira. Please huwag mo namang gawin ito. Hindi ko kaya." patuloy pa rin sya sa pagmamakaawa. "I almost lost you noon, ayaw ko na ulit mangyari iyon."

I stared at him. No expression can be seen in my face.

"But you just lost me today." sabi ko. "Goodbye Gab."

"No! Nangako ako na kahit ipagtabuyan mo ako ay hindi kita iiwan." mariin nyang sabi na ikinagulat ko. There's determination in his eyes. "You can hurt me if you want, emotionally and physically. But damn, I won't leave you. Not now. Not ever!"

Hinihingal sya dala marahil ng matinding emosyon. Hindi ko naman pinansin ang sinabi nya. Kung iyon ang gusto nya, bahala sya. Basta I don't wanna deal with him anymore.

"Pagod na ako." sambit ko at muling humiga.

I closed my eyes. Ayaw ko syang makita. Narinig kong napabuntong-hininga sya. Naramdaman kong lumapit sya sa akin. Wala na akong lakas para itaboy pa sya kaya hinayaan ko na lang sya.

I felt his breath near my ears.

"I love you so much, princess. I will accept all the pain, kung iyon lang ang tanging makakapagpagaan ng loob mo. But please don't ever tell me to leave you again." bulong nya. "I will do anything for you, Aira. Heaven and hell may collide pero hinding-hindi kita iiwan. I'd rather die kesa iwan ka. I will never ever let you go, not now, not ever."

All This TimeWhere stories live. Discover now