Chapter 4

57 1 0
                                    

Doing everything

Aira's POV

"Well, sorry to say this." Sagot ko. "But I'm not the same old Gab that you used to know."

Naramdaman kong parang gusto nang tumulo ng luha ko, pero pinigilan ko. Baka makita pa ako ni Gab na umiiyak.

Maya-maya, nagsidatingan na ang mga kaklase ko. Hinintay ko si Gab. Malapit nang magsimula ang klase pero hindi pa rin sya bumabalik. Nagroll-call na ang professor pero wala pa rin sya.

Hanggang natapos ang klase namin pero walang Gab na dumating. Muling sumilip sa pinto ang tatlong lalakeng kasama nya noong isang araw. Nilapitan nila ako.

"Hey Miss." Tanong nung Chris. "Nakita mo ba si Gab?"

Umiling ako.

"Saan na naman kaya nagsuot ang isang iyon." Sabi ng isa pa nilang kaibigan. "By the way, ako nga pala si Kyle and this is Mark. Mga kaibigan kami ni Gab."

"Ah, nice to meet you." Magalang kong sagot.

"Oh, sige mauna na kami at hahanapin pa namin yun." Paalam ni Chris.

Inayos ko na rin ang gamit ko at pumunta na sa susunod kong klase.

"Hi." Narinig kong bati saken ng isang babae. Maganda sya at mukha ding mayaman. "I'm Charie. Bago ka lang dito di ba? Huwag kang mag-alala, ako bahala sa'yo."

Mukha namang mabait itong si Charie. Sya ang kauna-unahang nag-alok ng tulong sa akin dito bilang isang baguhan sa university.

Madali kaming nagkasundo ni Charie sa mga bagay-bagay. Gumaan agad ang loob ko sa kanya. Mabuti na lang at nagkaroon ako ng kaibigan para kahit papaano may kakilala na akong pwede kong malapitan.

Hapon na nagdesisyon na akong umuwi. Papunta na ako sa gate nang mapansin kong tila nagkakagulo ang mga tao.

"Andyan na sila!" sigaw ng isang babae.

"Grabe, super gwapo talaga nilang lahat." Sigaw ng nasa likuran ko.

Hinintay ko kung sino ang tinutukoy nila at nagulat ako ng makita ko sina Chris, Kyle at Mark. Nasa unahan nila si Gab. Sila pala yung pinagkakaguluhan ng mga babae. Grabe naman sila. Hindi na nahiya. Talagang lantaran kung pumuri sa mga lalake.

Tila napansin naman ako ni Chris at kumaway sa akin.

"Uy, Aira!" sigaw nya.

Napalingon naman sa akin ang mga babae sa paligid ko. Kung kanina ang iingay nila, ngayon bigla silang tumahimik.

"Uuwi ka na ba?" tuluyan na syang lumapit sa kinaroroonan ko.

"Ah, oo sana." Matipid kong sagot. Nakaka-ilang naman. Nakatingin sa amin ang mga tao.

"Sabay ka na samen." At nagulat na lang ako ng hilahin ni Chris ang kamay ko. Nakita ko namang walang reaksyon si Gab. Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Wala na akong nagawa para tumanggi sa alok ni Chris.

"Bakit ba nagsama ka pa ng asungot?" masungit na sabi ni Gab. "Hindi sya dapat sumasama sa katulad natin."

Grabe naman makapanlait itong si Gab. Talagang nagbago na sya.

Maya-maya, nakarating na kami sa may parking lot. Pumunta na sila sa kani-kanilang sasakyan.

"Aira, dito ka na sumakay." Si Chris. "Hatid na kita sa inyo."

"Ah, ano kasi.." sasagot pa sana ako kaso hinila na ako ni Gab.

"Kapit-bahay ko sya. Ako na maghahatid sa kanya." At tinulak ako papunta sa may passenger seat.

"Ganon ba? Oh sige, ingat kayo." At nagpaalam na si Chris. Kasunod naman nya sina Mark at Kyle.

Binalot kami ng katahimikan habang nasa daan. Kinakabahan ako. Baka magalit na naman saken si Gab. Hindi tuloy ako mapakali. Tila napansin naman niya ito.

"Sa susunod kasi, huwag kang sasama basta kung kanino." Sermon nito na hindi inaalis ang tingin sa daanan. "Magpasundo ka na lang sa driver nyo o kaya sa daddy mo."

"Busy kasi si Daddy sa trabaho lalo na ngayon." Paliwanag ko. "Saka hindi naman kung sino lang si Chris, kaibigan mo sya di ba?"

"Sumasagot ka pa ha." Tila nainis na sya.

Bumuntong-hininga ako.

"I'm really sorry Gab. Sorry sa mga nagawa ko sayo." Nakita kong mas lalong naging seryoso ang mukha nya. Hindi sya umimik. "Alam ko hindi mo ako basta mapapatawad agad. But I'm willing to do everything Gab, just like how you did everything for me back then."

All This TimeWhere stories live. Discover now