Chapter 33

46 1 0
                                    

Recommended song for this chapter:

Fluttering Heart by Honey G (korean song)

Blinded

As usual nandito na naman si Gab. Umiinit lang ang ulo ko kapag nakikita ko sya. Hindi ko alam kung bakit ginagawa nya ito. I clearly said, countless of times, na ayaw ko na syang makita pa pero heto pa rin siya. Sige pa rin sa pakikialam sa buhay ko.

"Gab, ano bang ginagawa mo dito? Will you leave me alone?" angal ko.

Prenteng nakaupo si Gab sa sofa sa living room. Pagkagising ko, naroon na sya. Syempre hindi ko na naman sya pinansin pero hindi rin ako nakatiis kaya pinuna ko na sya.

"I just like it here." kalmado nyang sabi. "I like seeing you."

Binalewala ko ang sinabi nya at nagpatuloy na sa kusina para maghanda ng agahan ko. Nagulat pa ako nang makitang may pagkain nang nakahanda sa mesa. Hotdog, fried egg, hot chocolate and fried rice. Ang dami!

"Tsk! Pakialamero talaga." anas ko. Mas lalo akong nainis nang may nakita akong bulaklak na nakalagay sa vase.

Hindi talaga sya titigil. Ang aga-aga umiinit ang ulo ko.

Kinuha ko ang vase na may bulaklak at itinapon iyon. Agad namang lumapit si Gab.

"Aira!" tawag nya. Bakas sa mukha nya ang pag-aalala. Nilapitan nya ako. "Nasaktan ka ba?"

Sinipat nya ako para malaman kung nasugatan ako. Agad ko namang tinabig ang kamay nya.

"Ano ba?! Lumayo ka nga saken!" sigaw ko.

Nagulat sya sa sigaw ko.

"Kumain ka na. Ako na ang bahala dito." sabi nya at kumuha ng dustpan at walis.

Inirapan ko lang sya.

"Nawalan na ako ng gana." mataray kong sabi at iniwan syang naglilinis ng nabasag na vase.

Nagbihis ako. Tinawagan ako ng doktor ko para sa regular check-up ko.

"Pupunta ka na sa ospital?" tanong ni Gab nang makita akong bihis na bihis.

Di ko sya sinagot.

"Ihahatid na kita." pagkasabi noon ay tumalima na sya at inihanda ang sasakyan nya.

Tinaasan ko lang sya ng kilay pero pinaunlakan na rin ang sinabi nya. Tinatamad kasi akong magmaneho.

"You're recovering fast, Aira." masayang balita sa akin ni doktora. "I believe nasusunod mo ang bilin ko sa tamang pagkain at pag-inom ng gamot."

Tumango lang ako. Paanong hindi ko masusunod eh may pakialamero sa buhay ko.

"Ok, that's good. In no time, you'll fully recover." sabi nya. Nagbilin muli sya about sa gamot at pagkain ko.

Naglalakad na ako palabas ng ospital nang tinawag ako ng isang nurse. Nakita ko naman si Gab na nakatayo na sa may entrance at mukhang hinihintay ako.

"Ms. Aira! Kayo po si Ms. Aira di ba?" tanong ng nurse.

"Ako nga, bakit?" balik ko.

"Wow Mam! Ang bilis po ng recovery nyo. Kasama nyo po ba si Sir?" tabong ulit nya.

"Sir? Sinong Sir?" tanong ko.

"Yun pong gwapo nyong boyfriend?" sagot nya.

Napakunot ang noo ko.

"Sikat po si Sir dito." paliwanag nya habang nangingiti.

Lalo namang kumunot ang noo ko. Ano bang sinasabi ng babaeng ito?

"Tandang-tanda po kasi namin sya kasi po halos lahat kami dito sa ospital, pinaki-usapan nya na ipagdasal kayo. Na sana maging successful ang surgery ninyo." pagpapatuloy nya. "Inggit na inggit nga po ang ibang pasyente namin, kasi bukod sa gwapo si Sir, halatang sobrang mahal nya kayo Ms. Aira."

Napalingon ako kay Gab. Ngumiti ya at kumaway sa akin.

"Ang sabi po ni Sir, ipagpapasalamat nya ng buong puso kung ipagdadasal namin kayo. Sabi nya kasi, iyon na lang ang tangi nyang magagawa for the only woman that he loves." sabi pa ng nurse. "At noon pong natapos na ang surgery, ibinilin po nya na asikasuhin namin kayong mabuti. Nagtataka po kami kasi kahit nagising na kayo after ng surgery eh hindi po sya pumapasok sa kwarto nyo. Palagi lang po syang naroon sa labas. Paminsan-minsan nakikita po namin sya na nakatingin lang sa inyo. Hindi po namin maintindihan pero ang lungkot ng mukha nya. Parang gusto po nya kayong puntahan pero hindi naman sya lumalapit sa inyo, parang pinipigilan po nya ang sarili nya."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Shock was an understatement matapos kong marinig ang sinabi nya tungkol kay Gab.

"Ang swerte nyo po Ms. Aira. Sana makahanap din po ako ng tulad ni Sir. Napakaselfless po nya pagdating sa pagmamahal." nakangiting sabi pa ng nurse. "I hope po gumaling na kayo agad Ms. Aira para naman ngumiti na ulit si Sir. Sige po."

Naiwan akong nakatulala lang. I really don't know what to say.

Nakikita ko si Gab na lumalapit sa akin. Pero hindi ko masyadong maaninaw kasi nahaharangan ng tubig ang mga mata ko. I didn't even realize I was crying!

"Princess, what's wrong? Ano'ng nangyari? Bakit ka umiiyak?" tanong nya at agad akong niyakap.

Patuloy lang ako sa pag-iyak. Kahit ako hindi ko rin alam ang dahilan.

"Hush now, princess. I'm here ok? Kung ano man ang dahilan ng pag-iyak mo, I'll help you and comfort you, ok?" marahang sabi nya at hinaplos ang pisngi ko.

Why didn't I notice it? Why didn't I realize it? I was so blinded by my anger kaya hindi ko napansin.

Hindi ko napansin na napakatanga ko for being a bitch towards him. All he did was care for me, love me. Pero wala akong ginawa kundi ang saktan sya emotionally and physically.

Naalala ko. Naalala ko lahat. Simula ng mga bata pa kami. How he treated me. How he looked at me. All the things that he did for me even in the past. Walang pinagbago.

"Please don't cry, Aira. It hurts to see you like this. Please tell me what's wrong." bulong nya at pinunasan ang luha sa mga mata ko.

Alam ko. Hindi nya kasalanan ang nangyari kay Daddy. Masyado lang nangibabaw ang galit ko. Even though I treated him badly, hindi sya umalis. He still stayed by my side. Hindi nya ako iniwan, he didn't even hate me for all the bad things I did to him!

"Stupid." mahina kong sabi.

"Ano'ng sabi mo?" tanong nya.

I rolled my eyes at him. Hinila ko sya na ikinagulat nya.

"I said I love you, stupid." I said and sealed it with a kiss. Ibinuhos ko lahat ng nararamdaman ko sa halik na iyon.

All This TimeWhere stories live. Discover now