Epilogue

76 2 0
                                    

Epilogue

"Finally, nakagraduate din tayo." masayang sabi ko kay Gab. He is grinning at me. Mababakas sa mukha nya ang kagalakan kasi sa dami ng nangyari, magkasama pa rin kami.

"Congrats to us bro!" bati ni Chris habang naglalakad papalapit sa amin. Kasunod naman nya sina Kyle at Mark kasama ang mga girlfriends nila.

"Teka, bakit parang ako lang ang walang partner?" natatawang puna ni Chris.

Nagtinginan naman sina Gab, Mark at Kyle.

"Humanap ka na kasi ng babae mo. Huwag mong sabihin na hinihintay mo pang magkahiwalay itong sina Gab at Aira kaya single ka pa rin." nang-aasar na banat ni Mark. "Aray ko!"

"Sira ulo! Hahaha!" binatukan kasi ni Chris si Mark. "Darating din ako dyan, huwag nga kayong atat."

"Seriously bro, you should find your girl." sabi naman no Gab.

"Well, hindi pa kasi sya dumadating." sagot naman ni Chris.

"Oooppss, teka. Enough with that. Nagiging madrama na tayo. Mabuti pa, let's party!" sigaw ni Kyle.

Napalingon na sa amin ang iba pang mga estudyante.

"Sige, kita na lang tayo maya." sabi ni Gab at niyaya na ako papunta sa sasakyan nya.

He held my hand while driving. Pareho kaming nakangiti. Hindi kami nag-uusap. Pawang katahimikan lang ang namumuo sa loob ng sasakyan nya. Even in moments like this, we are so contented. The silence is a proof that we don't need any sweet words, we are happy with just the presence of each other.

Inihinto ni Gab ang sasakyan. Magkahawak-kamay naming tinahak ang daan. Napakatahimik sa lugar na iyon. Tanging huni ng mga ibon ang maririnig.

Hawak ko sa kamay ko ang isang pumpon ng bulaklak na binili namin kanina. Agad ko itong ibinaba sa isang makintab na marmol.

"Hello Mommy and Daddy." nakangiting sambit ko. "Nakagraduate na po kami ni Gab. Can you believe it? Nakaya naming dalawa."

Naramdaman kong humigpit ang kapit ni Gab sa kamay ko dahilan upang mamuo ang mga luha ko.

"Sayang po at hindi kayo naka-attend. Cum Laude po kami ni Gab." sabay lingon ko sa lalakeng katabi. He smiled warmly. "I miss you guys so much. But I know na masaya kayo kasi magkasama na kayo."

"Please watch over us, Tito and Tita. Don't worry about Aira. I will always protect her. I will never leave her side even if she told me so." madamdaming pahayag ni Gab. Bumaling sya sa akin. "I love you, princess."

All This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon