Chapter Forty Two

Magsimula sa umpisa
                                    

"Iiyak mo lang Raisse, andito lang ako." Sabi ni Andrew.

Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak na naman at pinapanalangin ko na sana ito na iyong huling beses na iiyak ako dahil sa nasasaktan ako.

*

"Sabi nila, kapag nagmahal ka raw. Nagiging tanga at bobo ka kahit na matalino ka pa. Na 'yong tipong kahit magmukha ka pang tanga sa harap ng iba basta't makasama mo lang 'yong taong mahal mo gagawin mo. Iyong tipong magpapalitan kayo ng mga sweet messages, 'yong tipong may tawagan pa kayo. Bebs, boss, babes o kahit ano pa." Tumawa si Andrew ng mahina.

"Ang korny mo na pare. Ang bading mo." Sagot naman ni Miguel sa kanya.

"Gago! Di ako bading! Nagsasabi lang ako ng totoo." Sagot naman ni Andrew sa kanya.

"Tumigil nga kayong dalawa diyan, nandito ako para makalimot saglit hindi awatin kayong dalawa." Sabi ko sa kanila. Tumigil naman sila.

Kanina, hindi ko inaasahan na pati si Miguel dadamayan ako. Natawa pa nga ako kasi kanina ayaw papasukin ni Andrew si Miguel sa kotse niya pero sa huli nagkasundo rin sila. Napadpad kami ngayon sa isang bar, kaylangan daw nilang mag celebrate dahil malaya na ako.

Mula sa kanya.

"Tangna talaga, kaylangan nating pagplanuhan ang pagpatay sa Montemayor na 'yon. Binalaan ko pa naman 'yong gagong 'yon na ibibigay kita sa kanya basta 'wag ka lang sasaktan. Tang ina talaga!" Galit na sabi ni Miguel sabay lagok sa bote ng beer nitong hawak.

"Oo, dapat mapapatay na natin 'yon sa lalong madaling panahon, hindi ba Raisse?" Sabi naman ni Andrew.

"Mga sira talaga kayo." Sabi ko na lang sabay ngiti. Kahit pala papaano nakakangiti ako kahit na nasasaktan ako.

"Oo, gago 'yong Montemayor na 'yon eh! Sinaktan ka!" Sabi ni Miguel na mukhang tinamaan na ng alak. Alas diyes na rin kasi ng gabi.

"Oo tama, tama! Dapat nang ipapatay 'yon. Walang kwentang gagong 'yon! Sino may sabing saktan ka?!" Sagot naman ni Andrew na mukhang sinang-ayunan si Miguel. Parehas na silang may tama.

"Pinagtitinginan na tayo tignan n'yo. Tumigil na nga kayo." Sabi ko sa kanila.

"Ano'ng titigil? Eh tignan mo nga 'yang mata mo! Kanina pa namamaga!" Sabi ni Miguel.

"Huwag kang sumigaw Miggy. Malapit lang ako, naririnig kita. Lasing ka na talaga." Sabi ko ng naiiling.

"Di ako lasing!" Sabi niya sabay inom ulit ng beer niya.

"Basta, ipapapatay natin 'yon. Di ba par?" Sabi ni Miguel sabay akbay kay Andrew. Magkatabi kasi sila tapos ako kaharap nila sa lamesa.

"Oo, gago 'yon! Dapat maaga pa lang papatay na natin ng hindi makagala!" Sagot naman ni Andrew kay Miguel. Gusto kong matawa sa itsura nilang dalawa. Namumula na kasi sila sa rami ng ininom nila.

Hindi ko rin akalain na sila ang taong dadamay sa akin sa oras na mag-isa lang ako at hindi ko rin akalain na magiging ganyan agad sila ka-close. Ang sweet lang.

"Par, d—dapat may plano na tayo. Kung bugbugin muna natin kaya? Sirain natin ang mukha ng magtino!" Sabi ni Miguel.

"Oo, tangina 'non eh. Ako babasag sa mukha! Pinaiyak niya ang bestfriend ko. Gagong 'yon!"

"Oo, ako rin babasagin ko rin mukha tapos torturin natin. Ipa-rape natin sa benteng bakla ng magtino, ano?" Sagot ni Miguel.

Gusto kong matawa sa kanilang dalawa pero pinili ko na lamang ang ngumiti. Pero kung ayos sana ako, baka nababaliw na ako sa tawa sa inaasal nilang dalawa.

"Hindi, gawin nating sikwenta! Para mas magtino sa ginawa niya sa prinsesa natin!" Sagot naman ni Andrew. Tumango naman si Miguel.

"Tumigil na kayo, pinagtitinginan na tayo. Tsaka uuwi pa tayo, 'wag kayo masyadong pakalasing." Paalala ko sa kanila.

"Hindi, icecelebrate natin ang pagiging single mo! Babantayan ka na namin mula sa gagong 'yon!" Sabi ni Miguel.

"Hindi na naman kaylangan, kaya nga ako sumama sa inyo dahil huli na 'to hindi ba?" Sabi ko sa kanila. Natigilan naman silang dalawa.

"Kaylangan mo ba talagang gawin 'yon?" Tanong sa akin ni Andrew.

"Wala na, naka-oo na ako sa kanya. Tsaka pumayag na naman si nanay, ayos na lahat. Oras na lang ang hinihintay ko." Sabi ko sa kanila.

"Raisse—"

"Miguel it's okay, ayos lang ako at magiging ayos ako." Sabi ko sa kanila at tsaka ngumiti.

"Siguraduhin mo lang na magiging ayos ka." Sabi sa akin ni Miguel.

"Kayo talagang dalawa, para kayong mga bata diyan. Tignan n'yo magkaakbay pa rin kayo." Sabi ko sabay tawa ng mahina. Bigla naman silang nagkatinginan at parang diring diri na itinulak ang isa't isa.

"Tangna pare! Ikaw ata ang bading sa ating dalawa eh!" Sabi ni Andrew kay Miguel.

"Gago! Ako bading? Eh mas lalaki pa ako sa'yo!" Sagot naman ni Miguel. Idinaan ko na lamang sa tawa ang pag-aaway nilang dalawa.

"Gago, di palakihan na lang!" Sabi ni Andrew sabay tayo at akmang bubuksan ang sinturon ng pantalon at zipper niya.

"Boys! Tumigil na nga kayong dalawa diyan." Sabi ko sa kanila na siya namang nakapagpatigil sa kanilang dalawa.

We stayed together that night hanggang sa napag-isipan na nilang umuwi at ihatid ako. Sasakyan ni Andrew ang ginamit namin dahil wala naman kaming mga sasakyan.

"Mag-iingat kayo ah? Andrew, focus on the road. Ikaw naman Miguel, umayos ka. Okay? Lagot kayo sa akin kapag naaksidente kayo. Maliwanag?" Sabi ko sa kanila.

"Opo Prinsesa namin!" Sagot nilang dalawa.

"Salamat ulit, ingat kayo. Bye." I said then I smiled at them. Tumango lang sila at kumaway sa akin bago pinaharurot ang sinasakyan nila.

I sighed.

Kahit na sa saglit na panahon hindi nila ako binigo, pinasaya nila ako. At kahit sa ilang oras ay nagawa ko siyang kalimutan. Iyong sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko. Nakalimutan ko ng makasama ko silang dalawa. I really need to move on.  

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa apartment ko. Akmang pipihitin ko na ang seradura ng pinto ng apartment ko ng may biglang magsalita na napakapamilyar na boses sa may likuran ko.

"R—Raisse."  Tila binalot ako ng yelo ng marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon.

Bigla ay naramdaman ko ang panginginig ng buo kong katawan at tila binalot ng takot ang sistema ko. Kahit na natatakot ako ay unti-unti akong humarap para makumpirma ang taong iyon.

"R—Raisse, w—we need to talk."

At hindi nga ako nagkamali kung sino nga 'yon.

It's him, Cedric with full of blood.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon