Chapter Thirty Eight

Start from the beginning
                                    

"Wala, paranoid lang siguro ako."

"Ay, Captain. Narinig mo ba na bumalik na si Miguel? Balita ko ay nagbakasyon rin siya sa probinsya nila." Napalingon naman ako kay Dana.

Matagal tagal na rin simula ng huling magka-usap kami ni Miguel at hindi pa naging maganda ang pinag-usapan namin.

"Ganoon ba?" Tanong ko sa kanya. Wala talaga ako sa mood makipag-usap.

"Captain, may nangyari na ba sa inyo ni Greg?" Biglang tanong ni Dana na nagpabuhay sa katawang lupa ko.

"Ano ba naman 'yan Dana! Kung anu-ano pinagtatanong mo! Siyempre wala pa!" Sigaw ko sa kanya. Nakuha ko naman ang atensyon ng ilang kumakain sa paligid namin. Ningitian ko lang sila ng pilit at itinuon ulit ang pansin kay Dana.

"Sorry naman Captain, natanong ko lang. Pansin ko kasi na lagi siyang nasa apartment mo eh. Baka mamaya may nangyari na sa inyo, knowing Greg. Kilala 'yang womanizer dati." Sabi niya.

"Wala pa, hindi ko naman agad isusuko ang bataan ko kahit na mahal ko 'yon." Sabi ko sa kanya.

"Bakit sa inyo ni Cedric may nangyari na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Wala pa 'no. Pero ano? Pupunta ka ba mamaya?" Tanong ni Dana. Bigla naman akong natigilan at napatulala sa kawalan.

Pupunta ba ako?

****

"Greg!" Napalingon kami ni Greg ng may tumawag sa pangalan niya pagkapasok namin sa entrada ng mataas na gate ng isang bahay.

"Hi." Bati ni Greg sa kanya ng makalipit ito sa amin. We're here at her party. Sabi kasi ni Greg ay mabait naman daw ito kaya sila pumunta at para na rin daw makapagliwaliw sila.

"Buti nakapunta ka." Sabi niya kay Greg sabay haplos sa balikat nito. Biglang napukaw ang tingin niya sa akin.

"Kasama mo pala siya." Sabi niya at sa pakiramdam ko ay nadismaya siya roon.

"Yeah, gusto naman kasi namin gumimik kahit minsan." Sagot ni Greg sa kanya.

"I see, so C'mon. Let's go inside." Sabi nito sa amin.

It's a pool party at marami rin ang nakidalo. Halos lahat ay galing ng school at pamilyar ang iba sa akin.

"Misis, sana pala hindi na tayo pumunta dito. Kung hindi lang niya sinabi sa akin na gusto mo pumunta rito, hindi ako pupunta eh." Bigla akong napatingin kay Greg.

"Sinabi niyang gusto kong pumunta rito?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, kanina. Kasi raw magkababata kayo at miss n'yo na ang isa't isa. Pero parang hindi naman." Sabi ni Greg. Nakaakbay lang ito sa akin habang ang isa naman niyang kamay ay nilalaro laro ang kamay ko.

Nandito na naman ang pamilyar na kaba sa may dibdib ko.

Parang may mali, parang planado ang lahat. Parang alam niya kung ano ang kilos at isip naming dalawa ni Greg. Something is really happening.

"Hi, nag-eenjoy ba kayo? Maraming drinks doon." Naputol ang pag-iisip ko sa biglang pagsingit ni Lavenia. May mga kasama itong tatlong babae.

"Ah girls, this is Greg and si Raisse kababata ko." Pagpapakilala nito sa amin. Tinapunan naman ng tatlong babaeng kasama nito si Greg ng malagkit na tingin.

"Uhmm, Greg. Can we talk for a while? May gusto lang sana akong sabihin at ipakita sa'yo." Biglang sabi ni Lavenia. Napatingin agad ako kay Greg.

"Sure." He smiled.

Tumingin sa akin si Lavenia at tsaka ngumiti. Lumingon ako kay Greg. "B—Bumalik ka agad ah?" Sabi ko sa kanya. Tinanguan naman niya ako.

"Babalik agad ako, dito ka lang okay?" Sabi niya. Tumango ako sa kanya bago sila umalis ni Lavenia papasok sa entrada ng malaking mansyon.

Itinuon ko na lang ang pansin ko sa pag-inom ng light beer na iniinom ko. Hindi naman gaanong nakakalasing iyon kaya ininom ko. Pinanood ko na lang ang mga taong nagsasaya na iilan lang ang pamilyar na mukha sa akin. Hanggang sa nanawa ako at hindi ko na namalayan na mag-iisang oras na pala simula ng umalis si Lavenia at Greg. Nakakailang bote na rin ako at medyo tinatamaan na ako ng antok at kalasingan, pero kahit papaano ay nakakaya ko pa naman labanan ang mga iyon.

I texted him and I waited for minutes and there is no response. Balak ko na sanang sundan sila ng may biglang lumapit sa akin na lalaki.

"Nice to see you again, Raisse." Pilit kong inaaninag ang lalaking lumapit sa akin. Nanlalabo na kasi ang mata ko sa antok at sinabayan pa ng kalasingan pero ng maaninag ko ang lalaking nasa harapan ko ay parang kilala ko iyon.

Nagulat na lang ako ng hatakin niya ako paalis doon at wala na akong nagawa dala ng antok at kalasingan.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Where stories live. Discover now