Chapter Thirty Five

Start from the beginning
                                    

"Masarap ba akong humalik kapag bagong gising?" Sabi niya ng may pilyong ngiti sa mukha. Mahina ko siyang hinampas sa dibdib niya.

"Wala ka na namang damit." Sabi ko sa kanya.

"Ayos lang 'yan, para sa'yo talaga 'tong katawan ko." Sabi niya. Hinalikan niya ulit ako.

"Nakakarami ka na Montemayor!" Sabi ko sa kanya pagkatapos niyang pagsawaan ang mga labi ko. Hinapit niya ako sa bewang at niyakap ako ng mahigpit.

"Alam mo bang naging miserable ang mga araw na wala ka sa tabi ko at hindi kita nakikita, nayayakap at nahahalikan? Ang gago ko kasi Misis eh, pinairal ko 'yong selos." Sabi niya. Ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko at inamoy amoy iyon. Kahit na naiilang ako ay yumakap din ako sa kanya. Paano ba naman kasi, halos wala na siyang suot at manipis na boxer shorts lang ang suot niya.

"Pinapairal mo kasi 'yang pagiging seloso mo. Hindi mo man lang ako tinanong o kinausap. Basta ka na lang gumawa ng desisyon mo at hindi mo man lang inisip kung may masasaktan kang iba." Seryoso kong sabi sa kanya. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin.

"Sorry na, hindi ko na uulitin 'yon. Hindi pa naman kasi ako nakakaramdam ng selos dati, ngayon lang at sa'yo 'yon. Hindi ko naman alam ang gagawin ko, naiinis kasi ako at nagagalit. Pinatawad mo na naman ako di ba?" Napakunot ang noo ko.

"At sino nagsabing pinapatawad na kita? Hindi pa naman tapos ang mga ipapagawa ko sa'yo." Sabi ko sa kanya. Bigla siyang napalayo sa akin.

"Kiniss mo na ako ah! Matik ng pinatawad mo ako!" Sabi niya. Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Porket sinagot ko ang halik mo patatawarin na kita agad? Aba, magdusa ka!" Sabi ko sa kanya.

"Misis naman—"

"At ano nga pala ang ginawa n'yo ng Gwen na 'yon ng araw na makita ko kayo? Iyong araw na pinaiyak mo ako, ano?!" Pinanlakihan ko siya ng mata.

"W—Wala naman kaming ginawa eh! Sabi ko sa'yo kaibigan lang siya na nagmamalasakit, dinalaw niya lang ako para kamustahin dahil alam niya ang nangyari sa akin. Tapos nakita kita noon, sinadya kong halikan siya kahit na nandoon ka. Gusto ko kasi gumanti sa'yo, pero Misis nagsisi na ako. Hindi ko pala dapat ginawa 'yon. Sorry na." Sabi niya.

Bigla akong may naalala. Iyong singsing. Napatingin ako sa kamay niya pero wala siya ngayong suot na singsing.

"Sige na Misis, patawarin mo na ako." Naputol ang pag-iisip ko ng magsalita na naman siya.

"Ayoko, bahala ka sa buhay mo." Sabi ko sa kanya at tsaka umalis doon.

"Raisse naman!" Narinig ko pa ang pagngawa niya pero hindi ko na pinansin iyon.

*

"Greg, saan mo na naman ba ako dadalhin?" Tanong ko sa kanya. Pagkatapos kasi ng klase ko ay bigla na lang siyang sumulpot sa harapan ko at hinatak ako papalabas ng school.

"Basta kasi, sumakay ka na." Sabi niya sa akin. Sumakay naman ako sa kotse niya. Di man lang niya ako pinagbuksan, napaka gentleman!

"Saan mo ba talaga ako dadalhin?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot pero ngumiti lang siya ng abot tenga.

"Sa langit, gusto mo?" Sabi niya. Sumimangot lang ako sa sinabi niya.

"Hindi pa kita napapatawad." Sabi ko.

"Alam ko." Kaswal niyang sagot sa akin.

"Nakakabwisit ka kamo!" Naiinis na sabi ko sa kanya.

"Nakakainlove ka naman." Sabi niya pa.

Hindi na ako nagsalita. Naiinis lang kasi ako kapag sumasagot siya, lagi naman akong talo kapag kausap ko siya. Ang bastos pa ng bibig niya.

Namalayan ko na lang na tumigil siya sa isang mataas na gate. Halos isang oras din ang ibiniyahe namin at hindi ko na alam kung nasaan na kami.

Bumaba siya kaya bumaba na rin ako, hinawakan niya ang kamay ko at naglakad papasok sa gate.

"Magandang gabi ho, sir!" Bati sa kanya ng gwardya. Tinanguan lang niya ito at pumasok na kami sa loob.

Literal na napanganga ako sa ganda noon. Hindi ko ata maisip kung gaano kayaman ang nakatira doon, para kasing mansyon na sa laki eh. Pero mas malaki parin ng dalawang beses ang mansyon ng mga Montemayor.

"G—Greg, sa inyo 'to?" Tanong ko sa kanya.

He just smiled.

"Wala sila daddy dito. Nagbakasyon sila sa Batangas kaya tayong dalawa at mga katulong lang ang nandito ngayon." Sabi niya sa akin. Pumasok kami sa entrada ng bahay at mas lalo akong namangha sa ganda ng loob.

Hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay ko at dinala niya ako sa taas ng bahay. Umakyat kami hanggang sa third floor ng bahay hanggang sa umakyat pa ulit kami papuntang rooftop. Doon ay may nakaayos na lamesa at may mga pagkain din. Pinaupo niya ako roon.

"Ito lang ang naisip kong paraan para masolo talaga kita. Ayoko namang mag date sa labas, marami ng tao magastos pa. Ipinagluto na lang kita ng pagkain at huwag kang mag-alala nagpatulong ako kaya hindi na rin masama 'yan. Ako na lang kasi lagi ang ipinagluluto mo kaya gusto ko ikaw naman ang ipagluluto ko. Raisse, gusto ko malaman mo na seryoso ako. Na kahit bastos ako, manyak, makulit, pilyo at lagi kang inaaway. Seryoso naman ako pagdating sa'yo. Pinagsisihan ko na lahat ng katarantaduhang ginawa ko sa'yo. Pinapangako ko na hindi na mauulit 'yon, Raisse. Hindi ko ata kakayanin na wala ka sa tabi ko kasi Raisse mahal kita." Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil pinipigilan ko ang mapaiyak. Kinikilig ako at the same time napapaiyak sa saya. Dahil ang lalaking mahal ko, mahal din ako. Ang sarap sa pakiramdam na mahal ka rin ng taong mahal mo.

"Raisse, sana hindi mo ako iwan kahit na makulit ako ah. Patawarin mo na sana ako Raisse, hindi na ako uulit pa. Mahal na mahal kita." Sabi niya sa akin at tsaka lumuhod sa harap ko at may bigla siyang iniaabot sa akin.

Kapareha ng singsing na suot niya rin ngayon. Napatayo ako ng wala sa oras at napatakip ako ng bibig. Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng mga luha ko.

"Raisse, pwede ba kitang maging girlfriend ulit? Pero this time, itatali ko na ang sarili ko sa'yo." Tanong niya sa akin ng nakangiti.

"Para ka kamong sira!" Sabi ko sa kanya at tsaka inabot iyong kamay ko. Isinuot niya rin sa akin ang singsing na katulad ng suot niya ngayon. Tumayo siya at bigla akong niyakap.

"Mahal kita Raisse, mahal na mahal."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Where stories live. Discover now