Chapter Thirty Four

Start from the beginning
                                    

Itinuon ko na lang muna nag pansin ko sa kusina. Napag-isipan ko na adobong manok na lang ang iluluto ko para sa aming dalawa para kahit papaano naman ay may reward siya sa mga ginagawa niya ngayon. Sinilip ko ulit siya at laking gulat ko ng hinuhubad niya ang suot niyang jersey shorts.

"H—Hoy! Bakit ka naghuhubad?!" Tanong ko sa kanya. Pero huli na dahil nahubad na niya ang suot niyang jersey shorts at naka-boxer shorts na lang siya.

"Eh nababasa kapag lumuluhod ako, di hubarin ko na lang." Sabi niya sa akin at nagulat ako ng biglang niyang ibato sa akin ang jersey shorts niya. Wala sa sarili kong nasalo iyon. Gago talaga 'tong manyak na 'to.

Tinignan ko ulit siya. Bigla ay parang uminit ang paligid ko. Halos wala na kasi siyang suot sa harapan ko. Paano ba naman, ang nipis at ang ikli lang ng suot niyang boxer shorts. Kita ko na nga ang tatak ng suot niyang brief eh, Calvin Klein pa. Lumilitaw tuloy ang balbon niyang legs. May pagka balbon kasi si Greg na siguradong sa side ng ina nito namana. Ganoon naman ata kapag lalaki, nagiging balbon kapag nagbibinata. Plus ang macho pa ng biceps niya at ang ganda ng dibdib niya. Pang lalaking pang lalaki 'yong katawan niya. Overall, machong pogi talaga siya plus balbon na legs.

Pinagpatuloy ko na lang ulit ang ginagawa ko at inignora na lamang siya. Pero mukha atang nananadya ang manyak na 'to.

"Misis, bakit nandito pa 'yong panty mo?" Sabi niya bigla kaya dali dali akong pumunta sa pwesto niya at inagaw ang hawak niyang undergarment kong naiwan.

Tumawa lang siya ng pilyo at ningitian pa ako with matching kindat pa. Manyak talaga 'tong siraulong 'to.

"Pakielam mo ba? Banyo ko 'to eh!" Sabi ko sa kanya sabay irap.

"Ang liit pala ng pan—"

"Manahimik na nga nga Greg! Isa, masasapak na kita!" Sigaw ko sa kanya. Binubwisit talaga ako ng lalaking 'to eh. Tumalikod na ako sa kanya at maglalakad na sana palayo ng magsalita siya.

"Ang bango rin, parang hindi ginamit." Doon ako natigilan. Napaharap ako bigla sa kanya at nakita ko siyang nagpipigil ng tawa.

"Inamoy mo?!" Sigaw ko sa kanya. Pero hindi na niya nasagot ang tanong ko dahil tawa na siya ng tawa. Wala sa sariling nilapitan ko siya at sinabutan.

"Manyak ka talaga! Hindi ka na nagtanda Greg Joseff Montemayor! Mapapatay na talaga kita!" Sunod sunod kong sabi bago ko bitiwan ang buhok niya.

"Ang sakit naman Misis, nagbibiro lang naman ako. Ikaw naman, hayaan mo kapag naging asawa na kita hindi lang 'yan ang aamuyin ko." Sabi niya sabay kindat sa akin.

"Manyak!" Sabi ko sa kanya sabay talikod. Narinig ko pa ang pagtawa niya.

Nakakainis! Akala niya wala siyang atraso sa akin! Kung makaasta parang normal lang ang lahat sa paligid niya. Na parang walang nangyari sa amin, na para bang hindi niya ako sinaktan.

Itinuon ko na lang ang sarili ko sa pagluluto ko. Hindi ko siya pinansin dahil naiinis ako sa kanya.

"Finish na Misis!" Sabi niya. Napansin ko rin na basa ang buhok niya at buong katawan niya. Iba na rin ang suot niyang boxer shorts.

"Ginawa mo?" Mataray kong tanong sa kanya. Dapat siyang matakot sa akin, dapat under ko siya. Kasi nga sabi ni Tita Freen, nagtitino ang isang Montemayor kapag under mo.

"Naligo na, bininyagan ko na 'yong banyo mo. Siyempre dapat ako unang gagamit. Gusto nga kitang yayain pero baka matakot ka kay pare, lumalaki kasi eh." Sabi niya at tsaka ngumiti ng pilyo. I just rolled my eyes.

"M—Magsuot ka nga ng damit!" Sabi ko sa kanya.

"Bakit ba? Mainit kaya. Di ba sabi ko sa'yo dapat masanay ka na sa hubad kong katawan? Paano na lang kapag wala na talaga akong suot? Baka mamaya mahimatay ka diyan kapag nakita mo si pare." Sabi niya sabay tawa.

"Ewan ko sa'yo. Wala ng matinong lumabas diyan sa bibig mo. Umupo ka na nga lang diyan!" Sabi ko sa kanya. Para naman siyang batang sumunod sa akin at umupo na.

"Nakakapagod pala suyuin ang babae." Sabi niya. Nilagyan ko ng plato ang harap niya pati na rin ang sa akin.

"Hindi ka sana mapapagod kung hindi ka nagloko." Sabi ko sa kanya. Nilagyan ko ng adobong manok ang isang mangkok at naglagay din ako ng kanin sa isang plato.

"Pinagsisihan ko na naman 'yon Misis. Patawarin mo na ako oh, hindi na ako uulit." Sabi niya.

"Tumigil ka diyan Montemayor, naiinis pa ako sa'yo." Sabi ko sa kanya. Nilagyan ko na ng kanin ang plato niya. Ewan ko ba, pero gustong gusto kong inaasikaso siya. Ayoko kasing makakakita ng hindi kumakain dahil naranasan namin iyon ng nanay ko dati. Buti na lang talaga at masipag si nanay at nakaraos kami. Balak ko nga siyang dalawin sa sem break.

"Hindi na nga kasi Misis, magtitino na ako. Tinamaan lang kasi talaga ako ng matinding selos pero hindi na ako uulit." Sabi niya pa.

"Mukha mo, ikaw hindi uulit? Putulin ko 'yang pare mo eh." Sabi ko sa kanya. Umupo na ako at nagsimulang kumain.

"Oo nga, tsaka bakit si pare nadamay sa away nating mag-asawa? Paano tayo makakarami niyan kung puputulin mo 'to?" Binigyan ko siya ng nakakamatay na tingin.

"Hindi mo ba talaga ititigil 'yang bastos mong bibig? Nakain tayo Greg Joseff Montemayor!" Sabi ko sa kanya.

"Eh kasi puputulin mo 'to eh, ayoko 'non. Di kita mapapaligaya sa kama." Sabi niya pa.

"Kumain ka na lang at itahimik mo 'yang bibig mo! Kapag hindi talaga ako nakapagpigil, tatahiin ko na 'yang bastos mong bibig." Sabi ko sa kanya habang itinuturo ko sa mukha niya ang hawak kong tinidor. Hindi na talaga nawala ang pagiging bastos ng bibig niya.

"Pero Misis, bubuntisin kita ah."

"Greg!"

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Where stories live. Discover now