Chapter Thirty One

Magsimula sa umpisa
                                    

"Napakasuwerte ng anak mo na ikaw ang naging daddy niya." Sabi ko sa kanya ng nakangiti.

"No, mas suwerte ako dahil binigyan ako ng isang makulit na batang tulad niya." Sabi niya ng natatawa.

"Makulit ba siya?" Tanong ko.

"Oo, nagmana ata sa akin. Sabi kasi ng mama, kasing kulit ko raw ang anak ko. Upgraded nga lang ang pagiging pogi nito, pogi tatay eh!" Tumawa siya. Marahan niyang binigyan ng halik ang anak niya sa pisngi nito.

"Di ililibre mo na ako niyan? Ibablackmail kita kasi alam ko na ang sikreto mo." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Ayos ba! Lagi tayong may date, hehe." Tumawa siya ng mahina.

"Heh! Date ka diyan." Sabi ko sa kanya.

"Pero bakit hindi ka man lang nagalit sa akin? Dahil sinabi ko sa kanya iyong totoo." Bigla naman akong natigilan sa sinabi niya.

Si Greg.

Hindi ko lubos maisip na tinapos ko na ang lahat sa pagitan naming dalawa. That our relationship was ruined. Ang galing, unang relasyon palpak. Hindi siguro talaga ako bagay sa mga ganyang bagay. Masyadong komplikado magmahal, magastos pa.

"You just told him the truth and what? He concluded. Hindi man siya nagtanong, hindi man lang niya ako kinausap. Gumawa siya ng sarili niyang hakbang ng wala ako. Hindi man lang niya naisip na masasaktan ako sa gagawin niya, sa ginagawa niya. Ang sakit lang kasi dahil naniwala ako sa sinabi niya na kapag nagkaproblema kami, ako ang niyang pupuntahan. Ako ang una niyang kakausapin, pero ano? Wala. Sarili lang niya ang pinakinggan niya." Sabi ko sa kanya hindi ko napigilan ang mga luha ko. Agad ko iyong pinahid upang hindi niya mahalata na mahina pa rin ako hanggang ngayon.

Pero sinisugurado ko na sa susunod na magkita kami, malakas na ulit ako.

"Knock, knock." Bigla naman akong natigilan sa sinabi niya. Knock, knock?

"Hah? Anong knock, knock?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Dalandalan." Sabi niya pa.

"Dalandan?"

"Does the moonlight shine on Paris after the sun goes down. If dalandan bridge is fallin~" Hindi na niya naituloy ang kanta niya dahil tumawa na siya.

"Sira ka talaga." Sabi ko sa kanya ng naiiling habang nakangiti.

"Napangiti rin kita." Sabi niya sa akin habang nakangiti rin.

"Ikaw kasi ang corny mo. Alam mo namang broken hearted ako tapos pinapatawa mo ako." Sabi ko sa kanya.

"It's getting late, dito ka na ba matutulog?" Tanong niya sa akin. I looked at my wrist watch. It's already seven in the evening.

"Hindi na, dadalawin ko na lang kayo dito ni Alexander sa susunod. Alagaan mo 'yang makulit na batang 'yan ha?" Sabi ko sa kanya. Tumayo na ako at inayos ang gamit ko. Gusto man niya akong ihatid ay tumanggi ako. Mas kaylangan siya ni Alexander kesa sa akin.

Sapat na iyong mga oras na nakalimutan ko si Greg sa panandaliang panahon ng dahil sa kanya. Humahanga rin ako sa kanya dahil sa pagiging daddy niya kay Alexander. He is a great man.

At sana si Greg din katulad niya.

"Mag-iingat ka ah." Sabi niya sa akin. Naihiga na niya ngayon si Alexander sa kwarto nilang mag-ama.

"Oo, sabihin mo na lang kay Alexander na dadalaw ako agad ah? Kiss him for me." I said.

"Okay, mamimiss ka ng makulit na 'yon. Kaya dumalaw ka agad, okay?" Sabi niya sa akin.

"Oo, 'wag mo turuan ng kung anu-ano 'yong poging 'yon ah? Sasapakin kita!" Sabi ko sa kanya.

"Good boy ako kaya good boy din 'yon." Sabi niya sa akin sabay kindat. Napatawa na lang ako sa pagkindat niya. Para kasing wala pang anak!

"Sige, mauuna na ako. Bye." I said. He just gave me a smile. I waved at him bago sumakay ng taxi.

This day is history. Ang daming nangyari sa ilang oras lang, ang daming nagbago sa mga ilang salita lang. I admit, I will miss him. Lalo na iyong kakulitan niya, 'yong mga kababuyan na lumabalas sa bibig niya. Iyong mga pangungulit niya at pag-iinarte niya kapag pinag titripan ko siya. May mga bagay na hindi namin ipinapakita sa iba at lahat ng iyon ay mamimiss ko.

Dahil hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya.

But things should end in this way. Ayokong dumating sa tagpong mas masaktan pa kami ng tuluyan, na mas masaktan pa ako ng dahil sa kanya. I should accept the fact the he is a Montemayor. He gets what he wants. Habulin siya ng mga babae, gwapo siya, matalino, mayaman at higit sa lahat lumaki siyang may pangalan sa industriyang ito. May mas babaeng mas bagay pa sa kanya, iyong kagaya niya. Maganda, matalino, kauri niya at higit sa lahat mayaman tulad niya. Hindi iyong tulad ko na nabubuhay lang sa napakababaw na pangarap.

I let my tears fell again. Ganito naman kaming mga babae eh, idinadaan na lang sa iyak ang mga masasakit na bagay.

Mahina kasi kami.

Marupok.

Madaling masaktan.

When I was a kid, I always tell myself that I am strong. Na walang pwedeng umaway sa akin, kaya lagi akong may kaaway noon dahil matapang akong tao. Lagi kong binibigyan ng konsumisyon ang nanay ko pero kahit ganoon, ipinapakita kong matalino akong babae. Na mayroon akong pangarap para sa nanay ko. I stand on my own, I didn't let those people who are blocking my way to take my dream off. I fought them and I won't let my feelings to ruin this dream.

Not just my dream but myself.

Pasado alas nuwebe y media na ng gabi ako nakauwi sa apartment ko. Balot na ng dilim ang paligid at kakaunti na lang ang mga tao sa labas, isang tipikal na gabi sa lansangan. Papasok na sana ako sa pintuan ng apartment ko ng may biglang humablot ng braso ko.

Si Greg.

"Inaabot ka ng ganitong oras ng gabi kasama lang iyong gagong iyon?!" Singhal niya sa akin. Kita ko ang galit sa mga mata niya. Ang galit sa boses niya at ang selos sa buong mukha niya. Selos? Tanong ng ibang bahagi ng isip ko.

Binawi ko ang mga braso ko sa pagkakahawak niya.

"Ano bang pakielam mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ano'ng pakielam ko? Tangina, boyfriend mo ako Raisse! Boyfriend—" Pinutol ko ang sasabihin niya.

"Bumitiw na ako Greg, ayoko na. Kung patuloy mo lang paniniwalaan ang sarili mo, go. Walang pipigil sa'yo. Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. Be matured Greg, hindi ka na bata. Buksan mo 'yang isipan mo at mga mata mo. Huwag mong bulagin ang sarili mo Greg. Dahil kapag pinagpatuloy mo 'yan, lahat ng taong mahalaga sa'yo mawawala na lang." Sinabi ko iyon habang nakatitig sa mga mata niya. Pinipigilan ko na naman ang emosyon ko dahil nandito na naman sa dibdib ko ang pamilyar na sakit ng dahil sa kanya.

"Umalis ka na." At tumalikod na ako sa kanya. Dapat ko ng itigil ito at isa lang ang paraan.

"At kung pwede lang sana, isipin mo na lang na hindi tayo magkakilala at iisipin ko rin na hindi na lang kita nakilala. Isipin mo na lang na walang Raisse na nag eexist sa mundo mo at wala kang Raisse na nakilala at iisipin at kakalimutan ko rin na wala akong Greg Montemayor na nakilala at minahal sa buong buhay ko. Let's forget about each other Greg so we can move on. Huli na 'to, ayoko na." At tsaka ko siya iniwan doon sa labas.

Pagkasarang pagkasara ko ng pintuan ay napasandal agad ako at hindi ko na napigilan ulit ang mapaiyak.

Huli na talaga itong pag-iyak ko, pangako.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon