Chapter 81

1.6K 40 1
                                    

Patrick's POV

Mahal kong Jin Patrick Kim
(Ika 315 ko na sulat, ika 15 na tula)

Hindi ko ginustong hindi ka balikan,
Mahal kita pero di kita mapuntahan,
Dahil ang pamilya ko'y di pwedeng maiwan,
Maraming banta sa buhay nila galing kung saan..

Mahalaga sa aking ika'y masilayan,
Kaya napag-utusan ko ang aking pinsan,
Mula sa malayo ika'y kinukunan nya ng larawan,
Para ipakitang ika'y nasa mabuting kalagayan..

Mahirap man akong paniwalaan,
Pero ang pagmamahal ko'y wag sanang pagdudahan,
Minsan akong pumunta sa iyong kinaruonan,
Sobra aking papigil na ika'y lapitan..

Di ako makapili sa aking pagpipilian,
Kasiyahan ko ba o inyong kaligtasan,
Kaya ito ako nananatili sa Japan,
Naghihintay na ang koruna ay makamtan..

Pag ang panahong yun ay dumaan,
Malaya na ako para ika'y puntahan,
Pero may balakid parin sa ating pag iibigan,
At yun ang organisasyong aking kinalakhan...

Nagmiminsahe,
Ace Ji Suzuki Clinton
Mikael Jenny Jace Smith Clinton

Napasinghap nalang ako habang binabasa yung mga sulat nya... Naabutan na ako ng hapon rito kakabasa nitong mga sulat nya...

Ito na ang ika 15 nyang tula...

Muli ko na kinuha ang isa pang sulat at binasa iyon...

Mahal kong Jin Patrick Kim,
(330 na sulat, 16 na tula)

Sa pagmulat ng aking mga mata,
Sa umagang maliwanag at payapa,
Ika'y muli ko na naaalala,
Kailan kaya kita makakapiling ulit sinta?

Sa pagpunta sa Templo ng tinatawag kong 'Ama',
Sumalubong sa akin ang di inaasahang balita,
Ako'y ikakasal na't magkakaroon na ng asawa,
Ang masakit lang ay hindi ikaw ang aking Kapareha..

Labis na hinagpis aking naramdaman,
Ang pangarap na binuo natin ay hindi makakamtan,
Ginusto ko man na ikaw ang mapakasalan,
Ngunit iba ang kanilang napagdesisyonan.

Pinilit ko man na tumanggi at manlaban,
Ninais kitang sa kanila ay ipaglaban,
Ngunit di kita pwedeng puntahan,
Para sabihin sanang ako'y iyong itanan.

Sa sitwasyong iyon wala akong pagpipilian,
Kung di ako papayag di ako makukuronahan,
Kailangan ko raw ng hari para ako'y matulungan,
Sa pamamahala sa organisasyong aking kinalakhan..

Sana'y makarating ka sa aming kasalan,
Para ako'y bawiin at kasal namin ay pigilan,
Kahit imposible aking hiling sana'y paunlakan,
Gabi-gabi ko na pinagdarasal na ika'y muling mahagkan.

Umaasa,
Ace Ji Suzuki Clinton
Mikael Jenny Jace Smith Clinton

Napapaiyak nalang ako minsan sa mga ginamit nyang kataga sa tula, at sa katutuhanang totoo ang mga sinusulat nya...

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Where stories live. Discover now