Chapter 1: 1st Day

4.9K 86 3
                                    

Jace's POV

Morning Monday!

Matamlay akong bumangon sa malambot ko na kama, na syang pagpasok ng kapatid ko na lalaki sa aking kwarto, na may bagong hairstyle.

Tss. Di bagay sa kanya.
(^_^)v

"Good Morning, Mika," masiglang bati nya sakin.

"Kailangan mo?," kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Wow, ang sungit naman ng, Mika ko," reklamo nya.

"Tumahimik ka nga Michael, lumabas ka nga jan, ang sakit mo sa mata, ang pangit ng buhok mo," pagsaway ko sa kanya.

Napahawak naman sya agad sa buhok nya at binigyan ako ng nagtatakang tingin.

"Oh? Anong problema mo sa bagong hairstyle ko?," tanong nya sakin "Uso to ngayon nuh, ito yung hairstyle ng mga korean, ang gwapo ko nuh? Bagay na bagay hahaha," pagmamayabang nya "Dali na, purihin mo ko sabihin mo 'Michael ang gwapo mo' dali"

Napatawa naman ako "hahahaha!! Kapag Korean, astig na astig, poging pogi sila at bagay na bagay," napatigil ako at tinitigan ko sya "Kaso hindi ka Korean eh, Hindi ka Korean Michael, HINDI!"

Sinamaan nya ako ng tingin.

"Sabi ko, 'Puriin' hindi ko sinabing 'laitin' mo," reklamo nya sakin.

Hahahahaha!! Laughtrip na this!!

"Teka lang di pa ako tapos sa sasabihin ko, hintay-hintay okay?," sabi ko at agad namang nagliwanag ang mukha nya.

"Sige ano yun, alam ko namang gwapong-gwapo kana sakin, bunso eh,"

"Nagpakulay kapa talaga ng buhok, Michael ahh," sabi ko at tinitigan sya.

"Bagay na bagay diba?, naks ang gwapo ko talaga," kampanting sabi nya at tumingin sakin na parang naghihintay sa sasabihin ko.

"Hmmm to be honest, hahahahahahaha!!! MUKHA KANG ADIK... PFFFTTT," Sabi ko at nagpipigil ng tawa.

(O_O)------> Michael

Nagulat sya, at maya-maya pay sinamaan ako ng tingin.

"Bilisan mo na nga jan, dami mo pang sinasabi eh," sabi nya at saka lumabas ng kwarto na pulang-pula ang taynga dahil sa pagkakainis.

Hahaha..
Jace 1 Michael 0

Dali-dali na akong pumasok sa banyo para maligo.
First day nga pala ngayon ng klase.
First Day ko sa bago kong School.

Matapos kong maligo at magbihis, bumaba na ako para mag agahan,
Maaga pa naman eh.

7:30 pa yung pasok ko.

Pagkababa ko dumiretso na ako sa Dining Area at doon ko nadatnan si Ate Michelle at 'kuya' Michael na kumakain.

Actually, Si ate Michelle (Michelle Jelann Smith Clinton) ay diko talaga totoong kapatid, magkapatid lang kami sa papel. Anak sya ng Kapatid ni mommy na si Tito Fernando. Namatay si Tito Fernando dahil sa Car Accident nung ipinagbubuntis palang ni Tita Andrea si ate Michelle, si Tita Andrea naman ay namatay nung ipinanganak nya si ate Michelle...
Kaya ayon, inampon ni Mommy si Ate Michelle, legal adopted sya kaya dala nya yung apilyedo ni mommy at daddy, tinuring naman sya ni daddy ng parang tunay na anak, kaya tinuring ko rin syang tunay na kapatid.

Si 'kuya' Michael (Michael Jester Smith Clinton) naman ay anak ni mommy nung di pa sila kasal ni daddy, actually si daddy bale yung nanagot nung nabuntis si mommy, tinanggap nya yung baby kahit di naman kanya talaga.

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Where stories live. Discover now