Chapter 75

1.6K 38 0
                                    

Patrick's POV

2 months na... Pilit akong bumabangon kahit nakakapagod... Pilit ako kumakapit sa pag-asang babalik sya, kahit walang kasiguraduhan kung may kinakapitan pa ako...

"Anak tara na, malilate na tayo sa simba,"

Simula nung pangyayari mas naging malapit ako sa Dios wag kayo, di ko naiisipang magpari...

Linggo linggo akong nagsisimba, isa lang yung laging hiling ko... Si Jace...

2 months na rin akong walang balita sa kanya... Yung accounts nya sa social media deactivated, pati na kay Mark...

Nagpatuloy lang yung buhay naming lahat... Yung big9 ganun parin, pero big8 na lang ngayon, wala pa si Mark eh...

Si Xandy at Kina, stay strong sila...

Si Angel at Angelo, ayon tuloy parin ang bakbakan ng dalawa...

Si Andrew at Ashley mukhang nagkakamabutihan na, pero laging kinakamusta ng babae si Mark kung nagparamdam na raw ba...

Yung iba naman wala lang,

Si Andrian tahimik parin...

Si TJ ayon every day iba-ibang babae, pag itong si TJ siguro nagsundalo o nag seaman dahil sa sobrang landi nya, baka sa lahat ng lugar may mapalubo sya...

Si Justin, hindi na tripper pero joker na and so as Tristan...

Maayos naman sila... Ako lang ang hindi...

"Sup, Men!!," narinig ko na sabi ni Dad, matapos naming magsimba, napansinsin nya sigurong tumahimik ako...

"What's wrong?," mom asked...

Napabuntong hininga ako, "Nothing," tumingin nalang ako sa labas ng bintana...

Nung makarating kami sa bahay agad akong umakyat sa taas, ewan ko, madali nalang akong mapagod, samantalang noon, kahit 24 hours akong gumala basta kasama ko lang sya kaya ko...

Napaupo ako sa kama ko at tiningnan yung mga picture namin nung kami pa...

*knock* *knock* *knock*

"Come in," sabi ko...

Bumukas ang pinto at iniluwa nun si Daddy... Tiningnan ko lang sya habang papalapit...

"I know what's bothering you, Son." Panimula ni Daddy at umupo sa tabi ko...

"I miss her," sambit ko habang nakatingin sa cellphone ko na naka-on at nandon ang picture namin...

"If you're really meant for each other, tadhana na mismo ang magtatagpo sa inyo," sabi ni Dad...

"But what if we're not," sabi ko, "What if, she didn't survive," malungkot ko na sabi... "What if, she really meant to die... What if, she's not meant to be with me?... Do I still have to believe that fvcking destiny?," nanlalabo na ang paningin ko dahil sa namuong luha sa mata ko...

"Son, what if She's Alive? What if lumaban sya para mabuhay, what if sinubok lang kayo, what if you're meant for each other but in the right time," sabi ni Daddy, "Dont think negative Son, kapit lang,"

"Kakapit pa ba ako, kung wala na akong makakapitan dad?," tanong ko habang pinapahid yung luha ko, "1 month na ang lumipas, kahit balita kung nagising na ba sya ay walang nakarating sakin, now tell me? Pano ako aasa? Kung wala akong nakikitang pag-asa para samin?,"

Natahimik si Daddy...

Yung utak ko gustong-gusto ng sumuko, pero may part sa sarili ko na gusto pang maghintay sa kanya...

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα