Chapter 36

1.8K 39 2
                                    

Jace's POV

Matapos ang program ay kinuha na namin agad-agad ang 1st game schedule ng game namin.

Mauuna ang laro ng Girls basketball, 10:30 A.M. ngayong araw na to pa talaga.... Shit!!

Mabuti nalang at bukas pa ng 8 A.M. ang laro ko, pero ang init na ng araw nun, mangingitim ako ng sobra nito.

Yung Football boys naman ay mamayang 3 PM at ang basketball boys ay bukas 1 PM.

Kalaban ng Girls Basketball ang Timothy International School. Medyo ayos narin yun kesa sa yung K.A. ang unang nakabangga nila.

Pinabihis na ni coach ang players, habang naghihintay ako ay biglang pumasok sa isip ko si Tristan... Nag iba kasi yung pakikisama nya sa akin eh, kaya si Patrick lagi kong kasama.

"Hey Jace, tulala ka jan?," tinig yun na Patrick, umupo na pala sya sa tabi ko.

"W-wala may iniisip lang," sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Ako ba yun?," nakangising tanong nya.

Assuming, amp!!

"Hindi, king ina mo!!," sabi ko sabay tawa.

"Ang bad ng bibig mo, halikan kita jan eh!,"

"Subukan mo lang wasak yang labi mo!!,"

"Brutal, grabi," natawa kaming pareho.

Maya-maya pa'y natapos ng magbihis ang players at nagproceed na kami sa court.

"Coach!! Kaw na mag guide sa kanila, nood lang ako!!," walang ganang sabi ko at umupo sa bench na para sa players, tumabi naman sakin si Patrick.

Nung matapos yung pagmemeeting at instructions ni coach ay lumapit yung mga players sakin... Buti nga't di sila dumidistansya sakin kahit grabe na pagmumura ko sa training eh hahaha.

"Kael kinakabahan kami! Baka madumi maglaro yung mga players sa kabila!," sabi ni Krizel

Agad ko hinawakan ang balikat nya, "magtiwala kayo sa sarili nyo, yung mga tinuro ko wag nyong kakalimutan," sabi ko habang tinitingnan sila, "wag kayong magdamot ng bola sa kasamahan, wag ring tanga sa pagpasa ah, pag nagdamot at nagtatangahan kayo sa pagpasa, LAGOT KAYO SAKIN!!," napatawa nalang ako sa isip ko nung napalunok sila dahil sa sinabi ko.

"To all Basketball Players Girls of Timothy International School and Ace Academy, please proceed to the court right now again To all Basketball Players Girls of Timothy International School and Ace Academy, please proceed to the court right now,"

"Sige na kaya nyo yan!! Ipanalo nyo ang game nato!!," sabi ko at tinap yung mga balikat nila.

"Wow Coach Jace!! Hahaha," natatawang sabi ni Patrick. Bwisit tong lokong to!! Binatukan ko nalang sya.

Bakit kaya di ko na nakikita si Cyjeh? Asan na yun? Bakit ko ba hinahanap?

Nagstart na ang laro.

[AN/: diko na po iistate ang nangyari hehehe]

★★★★★

"Woohh!! Ang galing talaga ng trainor natin!! Panalo tayo!! Yes!!!," nagsasayang sabi ng mga babaeng players.

Well kung diko sila minura ng minura tuwing nagpapatime out kami at pag nagtime out sila, di sila aayos.

Nung nakabalik kami sa Quarters namin (Classroom lang to lols)

"Good job Girls!!," sigaw ni coach. "Iwasan lang yung pagkakarattle sa umpisa ahh," sabi ni coach.

"Ayos yang mga babae mo coach, murahin mo lang aayos na hahaha!!," Natatawang sabi ni Patrick na sumusulyap sakin.

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Where stories live. Discover now