Chapter 17

1.9K 41 2
                                    

Jace's POV

Kay tagal kong hinintay na bumalik sya, pero ngayon na bumalik sya ay para bang wala akong maramdamang saya.

Ganun talaga siguro.

Matapos ng klase namin ay nagdrive na ako pauwi, ayaw ng 'Mommy ko' yung nalelate ako ng uwi, iisipin na naman nun na nagloloko ako.

Nung nasa garahe ako ay ramdam ko parin na may nakatingin sakin, nakita ko yung taong nakatingin samin kanina sa labas ng Gate, nakamotor sya.

Pumasok na ako at agad sumalubong ang mga katulong sakin, kinuha nila yung bag ko para ilagay sa sofa.

Sa nangyayari dito ngayon sa bahay at sa mga kilos ng mga tauhan namin alam ko na anjan na sila.

Kaagad lumabas mula sa Dining Area ang isang lalaking matangkad, matipono ang katawan at di halatang may edad na...

Daddy

"Dad!," masayang sambit ko at tumakbo papalapit sa kanya at niyakap sya.

Close kami, problema nyo? Papalag?

"Hello My princess," sabi nya at hinaplos-hapos ang buhok ko.
"Galing ka pa bang school, anak?,"

"Yes dad," kumalas naman sya at tiningnan ang kabuoan ko.

"Wow, you look good wearing that uniform," namamangha at nakangiting sabi nya at niyakap ako ulit, "I missed you sweetie,"

Maya-maya'y may narinig akong tumikhim and kahit diko tingnan, alam ko na kung sino.

"Can I Hug my youngest too?," sambit ni mommy.

What? This is unbelievable!

Kahit kailan hindi ito nangyari!

Tumingin ako kay daddy, tinanguan lang nya ako kaya lumapit ako kay mommy at niyakap sya.

"Kumusta ka na?," mahinahong sabi nya, nanibago ako, kadalasan kasi Sarcastic sya or Bossy, ngayon hindi.

"I'm doing good, but not so fine," sabi ko.

Kumalas na ako sa yakap nya at nagpaalam na magbihis muna ako.

Matapos ko na magbihis ay lumabas na ako sa kwarto at nagulat ako nung makita ko si Lolo Ji na palabas rin ng kwarto nya.

Lolo Ji is my Grandfather sa Father's side, like my mother di ko rin sya nakakasundo. Halatang nagulat sya nung makita ako.

5 years rin mula nung di kami nagkita ng personal.

Akala ko ba magpapaiwan sya sa Japan?

Naglakad lang sya pababa ng hagdan na parang di ako nakita at ganon rin ako.

Bakit ba? Kasi sa tingin nila, Kahihiyan ako sa pamilyang to, yon lang.

Pumunta na ako sa Dining Area at umupo sa pwesto ko.

Nagsimula na kaming kumain.

Now, this is Awkward!

"So kumusta ang pag-aaral mo Michael?," tanong ni Lolo.

"Very Fine lo. Top 1 parin, if you want to ask about the company, it's very fine, nakausap ko na yung mga nag ooffer ng business partnership, merong ibang gusto pa akong ipakasal sa mga anak nila hahaha," natatawang sabi ni Michael.

Malaki ang tiwala nila kay Michael, Never pa silang na disappoint ni Kuya, He's almost perfect.
Kahit alam ni lolo Ji na ako lang yung totoong anak ni Dad ay mahal nya parin sila ate at Michael dahil sa mga tagumpay nila.

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя