Chapter 11

2K 39 2
                                    

Justin's POV

1 week matapos magising si Patrick ay pumasok na sya kahit dipa magaling yung ilang sugat nya.

Yung lalaking yun talaga, nabogbog na't lahat dipa rin nagbabago, tuloy parin ang Dark Moves For Jace.

At dahil sya ang leader ng grupo namin at kaibigan ko sya kailangan ko syang tulungan dun sa "Pag-ganti" kay Jace, pabor naman sakin yun kasi ako naman yung "THE CAMPUS TRIPPER" so kahit pagtripan ko pa umaga't hanggang gabi yung babaeng yun walang magugulat.

6:00 A.M. palang ay nasa school na ako, Monday ngayon, exactly the 2nd week mula nung magising si Patrick...

Pagbaba ko pa lang ng kotse ko, pinagkaguluhan na ako ng mga babae sa school, hays!!

"Uy Justin ang aga natin ah?," sabi ni TJ nung makasalubong ko sya sa hagdan papuntang classroom.

"May task ako bro," sabi ko at ngumisi ng nakakaloko.

Napatigil kami nung narinig namin ang boses ng isang tao.

"Yahh!! Stop it Michael, hindi na ako bata!!," paglingon namin.

Jackpot!!

Si Jace... Nakakunot noong nakikipag-usap sa telepono, hakbang standby yung lagay nya.

Sino kaya yang kausap nya?

"Blah..Blah..Blah, again and again and again, ano?!! Araw-araw nalang ba?......... Yes! Andon na tayo, yes you are my Older--- what??... Dont worry, Michael, 15 na--- what the hell!!! Ano ba!!! You keep reminding me huh? Pinapairal mo na naman yang pagiging kuya mo!!! Pag ako napikon sayo tatablahin kita! Bye!," sabi nya tsaka binaba ang cellphone.

WTF!! Ganun sya makipag-usap?

Tss Parang hindi babae.

Lumakad na sya paakyat ng hagdan, napatingin naman kaming dalawa ni TJ at sabay pang napalunok. Di nya lang kami pinansin o tinapunan ng tingin?

Hello? Sa gwapo ko na to? Di mo napansin? Ano ako hangin?

Kaya naman pala nag iinit yung bumbunan ni Patrick sa babaeng yun, bukod sa di ka na pinapansin, nararamdaman mo rin na di ka kapansin-pansin.

"Snob tol," sabi ni TJ

Ano kaya yung pinagtalunan nilang dalawa dun sa phone.

Sabay kaming umakyat ni TJ, pagpasok namin sa room, tiningnan ko agad yung pwesto namin magtropa.

Hays!! Walang pinagbago, late comers! Lalo na si Patrick.

Sabagay maaga pa naman, agad ko naman napansin si Jace, kasama yung mga kaibigan nya pero parang di na rin sya kasama---- may sarili syang mundo, nagheheadset sya at nagsusulat ng walang ka emo-emosyon.

This is it.

Lumapit ako sa kanya.

"Hi Jace," sabi ko panay ngiti.

Madala ka!!

Sinulyapan nya ako tsaka bumalik sa pagsusulat yung atensyon nya.

Wow! Snob?? WTF!!

Napansin kong nagbuntong hininga sya tsaka nagsalita, "If you have plans, I mean 'bad plans' for me, back off," kalma at walang ganang sabi nya pero nakikilabutan ako.

Ganito ba talaga sya magsalita? Pero in fairness ang lakas ng pang amoy nya.

Napansin ko na napatigil sa pag-uusap yung apat nyang kaibigan.

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon