Chapter 13: Acqaintance Party

2.3K 37 2
                                    

Patrick's POV

Ito na ang pinakaunang Party sa School year nato para makipagkilala at makihalubilo sa mga bagong member ng Family Ace (yun ang tawag ng mga nagtatrabaho at nag-aaral dito)

Dahil nga sa naiinis ako sa babaeng pangit na yun, palagi kong minamatyagan yung kilos nya.

And good thing, parehas kami ng table mamaya.

Buti nga pumayag yung pangit na yon, alam ko namang nagpapakipot lang yun eh.

Grabi kung tatanggi pa sya, si Tristan, Mark, Justin at Andrew na ang nagyaya sa kanya.

Sabi pa nya silang lima ng mga kaibigan nya at dapat magreserve pa ng tatlong seats, bahala sya, basta mabantayan at mapag-aralan ko yung kilos at Characteristics nya.

At yung request nya pang dapat malapit sa stage yung table, pagbigyan nalang tss, kala mo naman sinong ispesyal.

Mamayang 4 pm ang magsisimula mag open ang gate para sa party, kasi pagsapit ng 5:30 pm magstart na ang program.

Syempre kaming magtotropa, umaga pa lang payabangan na ng mga susuotin.

Yung mga gamit ko para mamaya ay hinanda na, may performance kasi yung grupo namin.

★★★★★

Pagpatak ng ala-una, naligo na ako at nag ayos, nagpagwapo ng sobra.

Kasama ko nga pala mamaya yung walo sa performance, lahat kami marunong sumayaw pero di lahat marunong kumanta.

Matapos ko magbihis ay humarap ako sa salamin.

"What's up handsome?," masayang bati ko sa sarili at nagpogi sign pa.

Maya-maya pa'y pumasok si mommy.

"Anak, ready ka na ba?," tanong nya.

"Yahhh!! Dina kailangan magpapogi ng sobra mommy baka di na ako makauwi sa bahay hahaha," proud kong sabi.

"Ang gwapo talaga ng baby ko," sabi ni mommy at hinaplos pa yung pisngi ko.

"Kasi Mommy, ginalingan nyo masyado ni Daddy hahaha,"

Nanlaki naman ang mata ni mommy, gets nya na siguro.

"Ikaw bata ka, alam mo na yan?," tanong ni mommy.

Hahahahahaha!!

"Mom, i-ibig kong sabihin ahhh---- ginalingan nyo sa pag-aalaga sakin, yun," pagpapalusot ko.

"Sige na at baka malate ka, magdadrive kapa anak, wala kang date nuh?," pang-aasar ni mommy.

"Diko na kailangan ng date,"

"Bakit di ka pa ba nakakamove on-------,"

"Ooppps!! Isang mura yung pangalan nya, don't mention it Mother," pagpigil ko sa kanya.

"Pero anak, hanggang kailan mo ba ipagbabawal yung pangalan nya dito? Palayain mo na ang sarili mo anak," sabi ni mommy na dama ko ang awa nya sa mga mata nya.

Tinry ko naman mommy eh, pero mahirap, sobrang hirap.

"I'm doing my best ma," sabi ko at ngumiti sa kanya.

★★★★★

Pagkarating ko sa school ay narinig ko na yung mga tugtugin.

Maganda yung design, simple pero perfect.

"To all performers please get ready,"

Announce nung announcer.

Umupo na ako sa pwesto namin, nakita ko naman yung mga tropa ko, kompleto na sila, kasama nila yung apat------- asan si Jace?

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon